Chapter 10 : Partners in Crime

79 18 1
                                    

Chapter 10



Bumilis din ang tibok ng puso ni Alvin nang makita ang isang pamilyar na tao na parte kanyang nakaraan. Hindi na nagpadalos dalos pa si Alvin, agad itong lumapit kay Kenneth at dinala niya ito ulit sa labas. Bagamat ay nagulat sa naging reaksyon ni Alvin ay sumama na din naman si Kenneth. Dinala siya nito sa isang room sa College of Education.

KENNETH

Bakit kilala mo ko?? (laking pagtataka ni Kenneth)

ALVIN

Hindi ka pwedeng makita ni Dominic dito Kuya

KENNETH

Bakit? Ano ang alam mo samin?

ALVIN

Kilalang kilala ko kayo, alam ko kung saan kayo nakatira, lahat lahat.

KENNETH

Nasan si Dominic??

ALVIN

Kuya, iku-kwento ko sayo lahat, pero wag dito. Basta maniwala ka sakin, para to sa ikakabuti mo, nating lahat. Please?

KENNETH

Saan tayo pwede mag-usap?

ALVIN

Mamaya after school. Wag kang mag-alala, maayos si Dominic.

KENNETH

Eto ang number ko (handed him his calling card), text moko mamaya.

ALVIN

Sige. Sige, mamaya nalang ha?

KENNETH

Okay? (umalis na ito)

ALVIN

Whew... (kinabahan ito) Ww.. Wait, Kuya??

KENNETH

Bakit?

ALVIN

Ahm, sino ang nag-hatid sayo dito sa office??

KENNETH

Actually nagtanong ako in random doon sa college nila. Then sakto nakausap ko yung kklase niya daw.

ALVIN

(in shock) ka-klase? Sinong ka-klase?

KENNETH

(puzzled) actually diko nakuha ang pangalan nya.

ALVIN

Anong itsura nya??

KENNETH

Lalaki sya, maputi? Ahm, singkit..(inaalala nito ang una nyang glance kay Charles) nabanggit nya na kasa-kasama nya daw si Dominic palagi at pinapa-kopya pa daw sya ng assignment

Nag-iisip ng mabuti si Alvin kung sino ang tinutukoy ni Kenneth, na-recall nya nung nag-room to room sila sa College of Engineering para mag-promote tungkol sa publication.

ALVIN

Tama. Mukhang siya na nga yon. Kuya i-text nalang kita mamaya ha?. Sige na, mauna kana.

KENNETH

Okay, thank you (umalis na ito)

RAFA

Always You (Explicit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon