True Love Waits (ONE SHOT)

4.6K 131 24
                                    

[One Shot]

Love is a decision. When you decided to take a risk, it's either maging masaya ka, masaktan ka, or makapanakit ka. Who doesn't want to be loved? Lahat tayo gusto nating mahalin tayo ng taong mahal natin. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung sino yung mahal mo, hindi ka mahal. At yung taong nagmamahal sa'yo, hindi mo naman mahal. Napaka-kumplikado diba? Pero ano nga ba ang pinaka-kailangan natin? Acceptance. Faith. Forgiveness. Loyalty. 

Who can satisfy your emptiness? It's God. 

You experienced holding hands. Kissing. Petting. Multiple partners. Self pleasure. Lusting. Pre-marital sex. Oral sex. Same-sex relationship. But before you say I do, ask yourself first, Do I? Marami sa mga kabataan natin ngayon ang maagang nabubuntis at nag-aasawa. Bakit? Kasi nabubulag sila sa inaakala nilang pag-ibig. What is the common denominator? Everyone makes mistakes. 

Bilang isang kabataan, nagkakamali tayo. Sometimes it seems too much to handle, Paano ba natin malalaman kung True Love na nga ba? It shouldn't be hard to find. Wala itong hinihinging kapalit. For girls, kung mahal ka ng boyfriend mo, makakapaghintay siya. Kung pinipilit ka niya sa isang bagay na hindi mo kayang ibigay, taragis hiwalayan mo na. Gago siya kaya 'wag na 'wag mo nang babalikan pa. 

Hindi porke uso ang pre-marital sex sa henerasyon natin, makiki-uso ka naman. Hindi porke binanatan ka ng pick-up-line bibigay ka na. Hindi porke sinabihan ka ng famous line na "Mahal mo naman ako diba?" papayag ka na. 'Wag kang tanga at 'wag kang magpaka-tanga. Pinaglalaban mo may condom naman kayong pang-protekta. Bakit? Kaya bang protektahan ng lintek na condom na 'yan ang puso mo kapag iniwan ka niya? The condom is not actually protecting you. It will not protect your heart from falling into pieces. Panandaliang proteksyon lang ang kayang ibigay niyan. Minsan 'di pa sure kasi nabubutas. Expired na pala 'di niyo alam. Lol. Nabuntis ka. Nawala lahat ng pangarap mo. Naglaho ang kinabukasan mo. Kung nakapaghintay ka lang sana. 

Pero tanungin mo nga ang sarili mo. Am I pure? Is there anything I can do that will make me pure again? Is there a way? Virginity doesn't make you pure, what do you think? Because purity is about more than sex. It's about thoughts, attitudes, sexuality. It is a lifestyle. 

For single ladies, inip na inip ka na ba? Every year na lang tuwing Valentine's day kinakabog mo sa pait ang ampalaya? Araw araw mo na lang. kino-comfort ang sarili mo na...

'Okay lang yan' 

'Sarap kaya maging single.'

'Ang mga lobo pumuputok.'

'Nalalanta ang mga bulaklak.'

'Chocolates? Nah. I'm on a diet.'

'Sakit lang sa ulo mga lalake.'

'I'm focusing on my career.'

'Aral muna.'

'Strict parents ko.'

Pero kahit ganun pinagsasabi mo, deep inside, hinihiling mo na sana ako rin. Kaya lang ang isa pang problema sa'yo, duwag ka. Takot kang sumubok. Iniisip mo kasi na ganun naman talaga ang buhay. Cliche. Kapag nagmahal ka, kasunod niyan masasaktan ka. 

Pakiramdam mo napakalungkot mo. Nag-iisa ka lang. Oo may mga kaibigan ka na laging nandiyan para sa'yo. May pamilya ka. But still, there is something missing that makes you feel incomplete. Maiiyak ka na lang ng walang dahilan. Ngangawa ka na lang ng walang matinong rason. Gusto mong maramdaman na ikaw yung priority. Ayaw mong binabalewala ka ng ibang tao. Napaka-praning mo na akala mo lagi kang iiwanan. Napaka-demanding mo feeling mo sa'yo lang dapat iikot ang mundo nila. Ang OA mo na simpleng pagkakamali lang ginagawa mong problema.

Eh bakit ba? Kung sa ganung paraan mo nararamdaman na mahalaga ka e.  

What do you have to do? 

Seeking God is the great way to complete yourself and protect your heart. Kay God hindi ka malulungkot. Sa Kanya mo mararamdaman kung gaano ka ka-importante. Lagi mong tatandaan, hindi ka bagay na pwedeng paglaruan ng iba. You are precious in God's eyes for you are His child, a princess in his Kingdom. 'Wag mong madaliin ang mga bagay bagay. Lahat ng perpekto dumadaan sa mahabang proseso. Be matured enough to understand.

Always remember, YOU are WORTH waiting for. True love waits. <3

***

True Love Waits [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon