mr. ASTIG meets ms. SOSYAL/PASAWAY

5.2K 105 16
                                    

BADTRIP na araw!

Nagmamadali na talaga akong tumatakbo sa loob ng school.

Sobrang late na talaga ako!

Sa jeep kasi kanina, nagkainitan pa ng ulo ang driber ng sinasakyan kong jeep saka isang bus. Muntik na kasi silang magkagitgitan dahil sa lintek na pago-overtake na 'yan! Alam naman nilang sobrang maliit ang espasyo ng kalsada para gawin nila iyon...

Ayun, 20 minutes tuloy kaming na-stuck sa daan..

By the way, ako nga pala si Aries, 17 years old at isang third year high school student sa isang public school dito sa Maynila. Sabi nila ako daw ang siga at astig sa school! Dahil daw sa tangkad at well-built kong katawan! Mana lang ako sa tangkad ng tatay ko. Well-built kasi sideline ko ang magbantay sa maliit na gym ng tito ko.

Siga ako.. Parang hindi naman. Dahil daw sa hitsura kong seryoso at lalaking-lalaki ang dating. Dagdagan mo pa ang history ko sa pakikipag-rambol at pakikipag-basag ulo sa loob mismo ng school. Bakit, sila naman ang mali, at sila ang nag-umpisa... Saka kaibigan ko ang kinakalaban nila kaya dapat lang ipagtanggol ko siya...

Pero sa totoo lang... Nagbago na ako. Hindi na ako ang dating Aries na miyembro ng isang fraternity noon. Hindi na ako mahilig sa basag ulo. Seryoso na ako sa pag-aaral! Bumubuo na kasi ako ng pangarap lalo na sa nanay at tatay kong naghihirap para itaguyod kaming tatlong magkakapatid!

Dire-diretso na ako sa room ko.

Natigilan ako. Nagkakagulo pa yata ang mga classmates ko at ang iingay nila.

Isa lang ibig sabihin nito. 

Wala pa si Mam Cruz. Ang super sungit naming ENGLISH Teacher.

Nakahinga ako ng maluwag.

Diretso na ako sa upuan ko habang nagpupunas ng panyo sa pawis na nasa noo at leeg ko.

Pero bigla akong napahinto sa paglakad.

Nasa likuran ako at napansin kong merong nakaupo sa silya ko.

Isang babae!

Lumakad pa ako at humarap sa kanya.

Bigla akong napanganga at naging estatwa ng makita ko ang kanyang mukha.

Putek naman, oh! Artista ba ito?

Pare, sobrang ganda at ang amo lang ng mukha niya!

Tapos ang haba ng makintab at straight nitong buhok.

Sobrang kinis lang niya at ang puti!

Ayan, biglang natahimik at nagpwesto na ang mga kaklase ko sa kani-kanilang mga upuan.

Dyahe! Naiwan akong nakatayo lang sa harap nila!

"Aries, bakit hindi ka pa nakaupo? Ano gusto mo, ikaw mag-recite nitong lessons natin?"mataray na pansin ni Mam Cruz habang papalapit sa table nito sa harap.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko naman kilala ang babaeng nakaupo sa silya ko...

Teka, bago siya? Transferee?

"S-Sa likod na lang po muna ako, mam. Wala na po kasing upuan."tugon ko sa mataba at single naming English teacher.

mr. ASTIG meets ms. SOSYAL/PASAWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon