chapter 2: *Meet Again*

6 0 0
                                    

"bessinget,punta tayong mall !! Sige na !!"

eto na nama. ang aga aga nambubulabog na naman tong babaeng to ! kaya ayokong nagoovernight dito tong babae na to ee!!

"bessinget!! gumising ka na kasi !! kadiri ka kaya  tulo laway mo!"

"umalish ka munya!! mamaya na tayo pumunta !"

maya-maya nawala yung nag-aalog sa akin. hayy sa wakas wala ng magulo. Zzzzzzzzzzzzzz

"Hija!! yung kaibigan mo nahulog sa hagdan!! ang lakas ng pagkabagok ! tara dali tulungan mo akong dalhin siya sa hospital!"

"po?! asan asan ?!"

nagmamadali kami ni ate esmeralda bumaba kaso pagkababa ko.........
grrrrrr!!!! wala namang nangyari kay christine kaya ngayon tinatawanan nila ako!!

"ikaw kasi bessinget ayaw mong bumangon !! ayan tuloy naloko ka!!!"

"CCCHHHRRRIIISSTTIINNEE!!!!!!!!"

"takbooooo!!!!!

naghabulan lang naman kami sa loob ng bahay namin !! hanggang sa napagod kami kakatakbo.

"bessinget punta na tayong mall!!" siya

"halika maligo na tayo!"

"yehey!!"

kahit kailan talaga napakaisip bata ng bessinget ko.

*MOA*

"bessinget cr muna ako !" tine
"sige! gora!"

naglakad lakad muna ako sa mall. hanggang sa nakakita ako ng napakagandang damit. kaya pumasok ako sa store na iyon. kinuha ko na yung damit na nagustuhan ko kaso pagkaharap ko....

"aray!" - ako
"sorry miss i did'nt mean to do it!"

wait....! his voice is familiar ! sa sobrang curious ko sa kanya tumingala na ako. teka kilala ko to si handsome boy!!!

"Wait! Did we just met?" -handsome boy
"Oo!! Ikaw yung nagligtas este tumulong makawala dun sa lalaking payatot na manyakis na yun"
"Bago ko makalimutan pwede ko bang malaman name mo?"  -handsome boy
"Syempre naman! Ako nga pala si Pennydella Victoria . and you are?"
"Erick. Erick Micahel Villaflor"

Ang ganda ng pangalan niya....... Wait diba galit ako sa mga lalaki?? Naweweirduhan na ako sa sarili ko..

"Oh para saan yan??" erick
"Ah ito? Nagustuhan ko kasi yung damit kaya bibilhin ko"
"So silly! Hindi naman bagay sa iyo"

Aba antipatiko.nawala yung pagiging grntleman nito.

"Sige bye.. Baka kasi matawa lang ako kapag sinuot mo na yan "

Ang kapal niya ! Matapos niya akong iligtas tapos magpacute sa akin. Makikita ko siya dito at sasabihan ng hindi naman bagay sa akin itong damit na ito! Ang kapal! Binili ko pa rin yung dress kahit sinabi niya na hindi bagay sa akin ito. Sigurado naman ako na babagay to sa aking magandang katawan.

"Bessinget!! Nag cr lang ako nakabili ka na agad??- christine
"Oo ako pa!!"
"Oh! Bakit parang badtrip ka??!"
"Wala!"
"Hay nako!! Gutom lang yan..halika kain muna tayo sa jollibee"

Pumunta kami sa may jollibee.. Dun ko lang narealize na nagugutom na rin pala ako..

"Wait! Bessinget!! Ako na pupunta dun para kumuha ng food natin.. Just stay there..!"-tine

Tumunganga muna ako habang nagaantay ng pagkain namin ng may makita ako sa glass.. Si Erick!! OMG! Nagpalit siya ng outfit niya.. Nakapantalon na siya at nakat-shirt siya na black na may mukha ni spongebob.. Ang wafu niya dun...pero I HATE HIM!!

natapos na kaming kumain at napagdesisyunan namin na umuwi na dahil nakabili na rin kami ng damit..

Nagpahinga na kami kasi bukas may pasok na ..monday na kasi bukas..umuwi na rin si bessinget dahil hanggang ngayon lang daw siya nakapagpaalam na magovernight sa amin..

Hayyy... Magisa na naman ako..namimiss ko na si mommy at daddy..bigla kong naalala yung damit na binili ko tsaka ko sinuot para tignan kung bagay sa akin.

*Flashback*

"Oh para saan yan?"- erick

"Ah ito? Nagustuhan ko kasi yung damit kaya bibilhin ko"!

"So silly! Di naman bagay sayo!"

*end of flashback*

Kumukulo talaga yung dugo ko kapag naaalala ko yung mga sinabi sa kin nung erick na yun >_<

Tinignan ko yung suot kong damit at ang sarili ko. Bagay naman ah! Teka baka naman masyado akong conceited.hindi ako nakuntento sa own thoughts ko kaya bumaba ako para itanong kaya ate esmeralda kung bagay nga sa akin yung damit kaso pagkababa ko....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N:

Ano kaya yung nakita niya??

Salamat sa pagaantay ng next chapter!!

-meccaellaaa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Hate Boys But I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon