Nahuhulog sayo??? O.o

72 2 0
                                    

Chapter 4

*after a few days*

"Rina, kanino bang bahay gusto mong pumunta para tapusin yung scrapbook?"-John

"Ahmm, kanino kaya? DI kasi pwede sa bahay namin eh. May nirerenovate eh."-ako

"Sa bahay na lang namin. Samin na lang ah."-Sky, na nakataas pa yung kamay na parang narerecite? Hahaha, para talaga siyang bata.

"Sige, kila Sky na lang natin tapusin. So mamayang dismissal ah. Paalam na kayo ah."-Ako. At ayun tuwang tuwa si Sky. Ngayon lang ba siya magkakaroon ng bisita sa bahay? Pero ang cute nila talaga pumalakpak pa. hahaha =">

Well kung nagtataka kayo. Ilang days ng nagsimula yung scrapbook project nami at mas nagiging close kami ni Sky. Nasasanay na din ako sa mga jokes niya at madalang na akong maging sobrantg hiyaain sa harap ng group namin, dahil they made me feel very welcome sa group specially si Sky. Hihihi. Nakaktuwa nga I'm discovering new sides niya na hindi niya madalas ipakita. Katulad na lang ng pagiging childish at matampuhin niya.

*Recess*

"Ah, nga pala bessy. Di ako sasabay pauwi mamaya ah. Pupunta kami sa bahay ni Sky"-ako. Para namang adik tong babaitang bestfriend ko, bigla ba naman akong nginitian ng napakalaki at nakipag hanshake at kinongratulate ako. Seriously, naka rugby ba tong bestfriend ko?

"Meet the parents na no? Yiieeee!!!! >.< Congrats talaga bessy. Umaarangkada ang love life mo ah. Level up, meet the parents. Yiiieeee!!!"-Kim. Ah yun pala kasi yung iniisip niyong babaeng to, akala niya meet the----WHAT!!???

"Aray naman bessy binati ka na nga eh. Binatukan mo pa ko. Ang brutal mo talaga T.T"Kim, pano binatukan ko lang naman. Napaka abno eh. Meet the parents pang nalalaman.

"Meet the parents ka diyan. Adik ka Jamaica!"-ako w/ matching palo pa kay bessy.

"Chill lang Mikaela. Eh, kasi naman uso magexplain. Kung hindi meet the parents eh di ano??? OH-EM-GEEEE!!! Wag mong sabihing tanan na yan? Magtatanan na kayo? Ano ba yan bessy, bata ka pa. Wala ka pa ngang college eh---"

"ARAY!! Bessy alam mo kumukota ka na sa pagbatok sakin eh. Kung gumanti kaya ako. Tsss"-Kim, na binatukan ko ulit. Pano ba naman, makapag isip eh. Tanan daw? Nakadrugs na nga ata to eh. Isip nito eh. Bakit nga ba ito naging bestfriend ko? Haaayyyy.

"Hoy Jamaica, umayos ka nga. kapag pumunta sa bahay ng taong gusto mo, ganun agad? Meet the parents? o tanan? Utak mo grabe ah. Di ba pwedeng gagawa lang ng project."-sabi ko sa kanya.

"Ahhhh. Di ka naman nag eexplain agad eh. ^_^V."Kim

"=_=, pano ko mageexplain di ba? Inuunahan mo ko eh, hiyang hiya naman ako."-ako

"Sabi ko nga. Sensya naman. Peace tyo bessy ^_^V."-kim

"Haayyy. Cge na nga. Libre mo na lang ako ng ice cream."-ako

>>>>>Fast forward>>>>>

*Dismissal time*

"Wow, ang laki ng bahay niyo Sky"-Lester

"Hindi naman. Tara dun tayo sa kwarto ko"-Sky

Gravy!!! Ang laki ng bahay nila. *O*. May chandelier pa tapos may pool. Hanga na talaga ko. Whoooo. pag pasok namin sa kwarto ni Sky. Woah ang linis ah at ang laki.

"So guys, start na tayo?"-tanong ko sa mga kagroupmates ko

"Sige, magstart na muna kayo. Kukuha lang kami ni Rina ng pang snacks natin."-Sky

Bigla naman akong hinila ni Sky. At take note naka hawak siya sa kamay ko. Grabe may powers ba si Sky? Bigla na lang kasi para akong nakuryente pag ka hawak niya sa kamay ko. Nandito na kami sa kusina pero di niya pa rin binibitawan yung kamay ko. Ang awkward lang ah. Kumukuha siya ng inumin sa refrigerator pero di niya pa rin binibitawan yung kamay ko. Kaya naman sinubukan kong tanggalin yung pagkakahawak niya kaya lang mas hinigpitan niya yung hawak niya sa kamay ko.

"A-ano Sky. Mas madali mag-ayos ng snacks, kung bibitawan mo yung kamay ko."- ako

"Hindi. Ok lang na ganito lang yung kamay natin. Mas gusto ko to. Kahit mangawit ako, ayos lang. Basta ba malaman kong nandito ka sa tabi ko at di ka makakaalis."

.

.

>///.////<

Lumapit naman siya sakin at pinisil yung pisngi ko at sinabing..

"Ang cute mo talaga. Grabe. Kaya mas nahuhulog ako sayo eh."-Sky

Huh? ANo daw nahuhulog? Sakin? Si sky? Huh? Naramdaman ko na lang na nagiinit na yung mga pisngi ko kaya sinabi ko sa kanya na mauna na ko sa taas di naman niya ako napigilan dahil may hawak syang glass.

"Oh, rina. ba't namumula ka? May sakit ka ba? Ayos ka lang?"-Anne

"huh? Wala to. Mainit lang sa labas. Ahh, yun nga mainit lang eh. He he. Gawa na lang tayo ng project"-ako

Nahuhulog? In english, nafafall? Tama di ba? Haayyy. Ano ba to Sky. Mga biro mo naman kasi eh. Haayyyy.

"May problema ka ba?"-Sky. Nagulat naman ako nung nakita ko kung gaano kalapit yung mukha niya sakin.

'Ahhh. Wala naman"- ako sabay nilayo yung mukha ko kay Sky. Nagulat naman ako ng bago ko malayo yung mukha ko kay Sky, hinawakan niya yung ulo ko at parang hinug basta imaginine niyo na lang.

"Muntik ka na ah. Ok ka lang?"-Sky, huh? Muntik? Saan? Tumingin naman ako sa likod ko at may shelf pala dun. Ahhh

"Ahmm ok lang naman ako. Dapat sinabi mo nalang."-ako

"Ahhh. Oo nga no? Reflex eh. hahaha. "-Sky, natawa na lang din ako sa katangahan ko.

"Ahmm, masyadong nasayahan sa pagyakap Sky?"-Lester. At dun ko lang na realize na yung hug niya sakin sa ulo kanina ay bumaba na sa may shoulder ko. Kaya parang naghuhug talaga kami. Nung narealize naman namin yung position namin ay bigla kaming naghiwalay.

--//.///--- ako

>.>-Sky

>>>> FASTFOWARD>>>>

"Sige bukas naman natin ituloy yung iba. Medyo late na din eh."-Ako

At nagagree naman silang lahat. At nagyon ihahatid na kami ni Sky sa may gate. Nagpaalam na naman kami sa isa't isa. Pero bago pa ko makalayo ay tinawag ako ni SKy.

"Rina!!"-Sky, tinignan ko naman siya at pinauna ko na muna si Anne

"Oh? Baket?"

"Wala lang, gusto ko lang sabihing. Ingat ka."

"Ahhh. thanks."

"Ingat ka kasi magiging girlfriend pa kita"- may sinabi ba si Sky? Parang may narining ako eh.

"may sinabi ka?"-ako

"Ah. W-wala. Basta ingat." ahhhh

"Ah. ok. Thanks ulit,. ^_^"-ako

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ultimate HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon