Takas (Tula)

0 0 0
                                    

Sa bawat pagpikit ng aking mga mata
Kadiliman ang nakikita
Hanggang sa unti-unting makakita
Ng liwanag na syang pasimula
Pasimula sa imahinasyon na aking ginagawa
Upang makatakas sa reyalidad na aking tinatakbuhan
Kung saan gusto kong makawala
Sa lahat ng problemang aking dinadala
Ngunit sa huling pagpikit ng aking mata
Hindi na imahinasyon ang aking nakita
Kundi isang bangungot na naging dahilan ng aking pagkawala.

- April 4, 2021

Just Random ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon