May bagong tayong lottery outlet sa bayan ng San Nicholas. Maraming tao ang natuwa dahil hindi na nila kailangan pang magtungo sa kabilang bayan para lamang tumaya.
Isa dito si Ka Erning na nasa edad 50 pa lamang, pero kung hindi mo siya kilala ay aakalain mong nasa 60 anyos na siya. Maputi na ang mga buhok niya marahil ay dahil na rin sa hirap ng buhay sa pagpapalaki niya sa kanyang labing-isang anak.
Suki na siya ng lottery outlet na 'yon, araw-araw siyang tumataya at nagbabakasakaling swertehin.
Hanggang sa isang araw ay umikot ang balita na nanalo si Ka Erning. Ito ay nakonpirma dahil siya ay tumigil na sa dati niyang trabaho na pagta-tricycle, at siya ay bumibili na ng iba't-ibang ari-arian.
Marami ang naiingit kay Ka Erning at may ilang nagsasabi na siya ay sangkot sa mga ilegal na gawain.
Pero alam ng lahat na mabuting tao si Ka Erning. Sa katunayan ay palagi siyang nagdo-donate para sa ikagaganda ng kanilang bayan, nagpatayo rin siya ng isang factory para magkatrabaho ang mga tao sa bayan nila, at tumutulong din siya sa iba pang mga nangangailangan.
Ang lahat ay maayos na, hanggang sa isang araw
.
.
Ay natagpuan ang walang buhay na katawan ni Ka Erning sa kanyang bagong biling SUV. Napag-alaman sa inbestigasyon na si Ka Erning ay pinatay ng taong marahil ay kasama niya sa loob ng sasakyan habang siya'y nagmamaneho.
Marami ang nagulantang sa pangyayari. Sino nga ba naman ang papatay sa ganuon kabuting tao??!
Lumipas ang ilang buwan pero wala pa ring hustisya para kay Ka Erning.
Si Mang Domeng, ang nag-iisang kapatid ni Ka Erning ang ngayong gumagamit ng SUV ni Ka Ernig, sya na rin ang nag-aalaga sa pamilya nito at ang iba pang mga yamang naiwan ni Ka Erning.. May ilan nang naghihinala na si Mang Domeng ang nasa likod ng masaklap na pangyayari sa buhay ni Ka Erning .... . ....