Mang Domeng

306 14 1
                                    

Isang gabi, nagpunta sa burol si Mang Domeng ng isang barangay official. Sa bawat taong makikita niya ay ngumingiti siya na parang walang problema.













At nang bigla na lamang namutla si Mang Domeng na para bang nakakita ng multo ng siya ay sumilip sa kabaong.



Tinanong siya ng mga tao roon kung ano ang nangyari pero hindi sya makasagot ..



"Ano pong nangyari senyo, Mang Domeng? Masama po ba ang pakiramdam nyo? Umupo muna po kayo" sabi ng asawa ng namatay.



" Ha? Ayos lang ako.. Nagulat lang ako dahil parang kamuka ni Erning, eh" , sabi ni Mang Domeng na nakaturo pa sa kabaong.



"Hindi naman po sila magkahawig ah, matangkad po at maputi ang asawa ko at si Ka Erning naman po ay maliit at may kaitiman"




"Naku! Pasensya na kayo.. Um, nalungkot lang siguro ako. Naalala ko ang kapatid ko bigla, sige Aling Pacita, mauna na ako, parang sumama ang pakiramdam ko", pagpapa-alam ni Mang Domeng.



Nang umalis si Mang Domeng ay lumapit kay Aling Pacita ang kanyang anak na kakauwi lamang galing sa ibang bansa.



"Nay, bakit po hindi nagtagal sina Ka Erning?" "Naku anak, ano ba yang sinasabi mo.. matagal nang patay si Ka Erning.. baka si Mang Domeng ang sinasabi mo.. magkamuka sila eh", paliwanag ni Aling Pacita. "Ho? Ma, Imposible. Kilala ko si Mang Domeng, siya po yung nagda-drive habang nasa tabi nya sa passenger seat si Ka Erning", Sabi ng anak ni Aling Pacita ....

..

HUSTISYA!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon