‘Happy New Year Julie! Thanks for being a part of my 2012. Sana sa 2013 din. See you soon! <3’
Isang text message ang natanggap ni Julie galing kay Elmo. Natuwa siya nang mabasa niya ito.
Napansin naman nang katabi nito na nagbago ang mood niya. “Oh, why are you smiling?” Tanong nito.
Kanina niya pa ito kasama bago pa mag-start ang show nila sa MOA.
“Wala naman.” Abot tenga ang ngiti nito. Di pa nga niya makuhang replayan si Moe dahil paulit-ulit niyang binabasa ang text message nito.
“Wala daw pero kung makangiti, wagas!”
Di na niya pinansin pa si Alden. Nag-isip na lang ito ng ire-reply niya kay Elmo.
‘Thank you also Moe. Thank you for staying with me through ups and downs. Hoping for a good and brighter year with you. Happy New Year!’
Nami-miss na niya ang binata. Wala kasi ito sa countdown dahil nasa Subic ang mga Magalona.
“Si Moe yan no?” Singit ni Alden sa pagmumuni-muni niya.
“Ahh.. Yes.”
“Sayang wala siya dito sa countdown.”
“Oo nga eh.”
“Makikita mo naman siya sa tech reh.” Sabay tayo ni Alden.
Sa oras na yun, naguguluhan lalo si Julie. Kasama niya ngayon ang sinasabi nilang bago na niyang kapareha. Pero nasa isip niya pa rin si Moe.
‘Kung sanang.’ Isip niya.
“Tara na. Last prod before 2013. Let’s break a leg Juls.”
Natawa naman ang dalaga. “No, let’s break a neck!”
Saka na sila sabay lumabas sa dressing room.
Hataw kung hataw ang ginagawa ni Julie. Last dance niya before 2012 ends.
Sa di kalayuan naman ay pinapanood siya nang isang binata.
Tawang tawa ito dahil enjoy na enjoy sumayaw ang pinapanood niya. Makahataw eh parang wala nang bukas. Idagdag pa ang kasexyhan nito habang sumasayaw.
‘Oh Julie.. You never failed to amaze me every day.’ Isip nito.
Countdown na.
10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1.. Happy New Year!
Sigaw nang lahat. Sakto namang pumunta si Julie kung nasaan siya pero hindi siya napansin nang dalaga.
“Ganyan mo ba ako sasalubungin?” Tanong nito sa kanya.
Nabigla naman si Julie.
“Why are you here?” Tsaka sumilay ang ngiti nito.
“Ikaw kasi ang gusto at una kong makasama this 2013. Para maganda ang pasok nang taon ko.”
“Asus! Pinagloloko mo naman ako. Hahaha.”
“Di kaya. Ayaw mo nun? Poging katulad ko ang unang nakasama mo?” Pang-aasar nito sa kanya.
“Tumigil ka nga!” Tsaka ito naglakad papalayo. Ngiting ngiti naman siya habang pabalik siya ng dressing room.
Mabuti na lang at walang gaanong tao sa dressing room dahil ang lahat ay nasa stage at nagkakasiyahan pa.
“Pero seriously Juls, na miss kita.”
Lalo namang kinilig ang dalaga sa sinabi nto. Sasagot na sana siya nang biglang dumating si Alden.
“Juls, bakit nawala ka sa-” Napatigil siya sa pagsasalita.
“Nandito ka pala bro! Happy New Year pare!” Saka sila nag fist bump.
“Happy New Year din pare.” Sagot nito.
“Sige. Mauna na ko. Mamaya na lang Julie.” Tsaka na umalis ito.
“Kayo lang magkasama kanina pa?” Tanong nito sa dalaga nang makaalis na si Alden.
“Yes. Si Maqui kasi busy din.”
“Ahhh..” Tsaka nagbuntong-hininga ang binata.
“Problem? Bakit?”
“Wala naman. May kasama ka naman pala. Sana di na lang ako nagpunta.”
“Sinabi ko bang pumunta ka?”
Di na sumagot pa ang binata.
“Nagseselos ka no?”
“Di ah. Sino nagsabing nagseselos ako?” Pagmamaang-maangan nito.
“Obvious ka masyado. Tignan mo nga yang ilong mo oh. Pawis! Hahaha.” Tukso sa kanya ni Julie.
“Stop that Juls.”
“Bakit? Hahahaha. Nakakatawa ka!” Di pa rin huminto sa kakatawa si Julie.
“Hay nako. Unang araw nang 2013 Julie, inaasar mo ko.”
“Sarap mo kasing asarin eh.”
“Baka buong taon mo kong aasarin ah?”
“Di naman. Mga every hour siguro.” Tsaka na sila nagtawanan.
Natawa na lang din ang mga kasama nila sa dressing room na iyon.
“By the way, thanks for everything Juls. Sa di mo pang-iwan sa akin through these years. Kaya love na love kita eh! I love you so much. Happy New Year!”
“Happy New Year! I’m always here for you. I love you too, Elmo.”
Saka nila yinakap nang mahigpit ang isa’t-isa.
Panibagong taon para sa kanilang dalawa. Panibagong pagsubok ang haharapin nila. Magkasama nilang haharapin ang mga problema. Pangako nilang walang bibitiw sa isa’t-isa.
“Forever and always Juls?”
“Forever and always..”