Isang araw, isang oras at isang segundo..
Maikling panahon kung tutuusin, di ba?
Panahong madaling palipasin at sayangin
Panahong hindi mo napapansin nakalipas na pala
Pero, para sa akin lahat ng oras ay mahalaga
Lahat ng oras ay biyaya sa Diyos upang maging masaya at magpasaya
Lalo na kung para ito sa taong na nagpakita ng pagmamahal sayo
Ako si Maria Isidora Lasaro, isang taong pinagpala ng magandang buhay, magandang pamilya...
Nagmahal, Umasa, At ngayon nahihintay na baka sakali..Baka sakali lang naman...
Madugtungan pa..
Mas humaba pa..
Ang aking buhay
Ring... ring... ring... tunog ng cp ko
Kainis inaantok pa ako e at sabado naman ngayon . Walang pasok.
Sa sobrang inis sinagot ko ang tawag ng matapos na ang pag ring nito at makatulog na ulit ako.
'Hello!!', panimula ko
Tatlong Segundo ata bago siya sumagot.
'Hi! Ako si Toper, ung kaibigan ng pinsan mong si Rica. Nakalimutan mo na ba?' sabi ng lalaking hindi ko kilala.
'Kilala ba kita?' tanong kong wala sa sarili.
Tanging pangiinsultong tawa lang ang sinagot niya. Nairita ako ng sobra sa pagtawa niya. Bwisit ito, inistorbo na tulog ko at ngayon, parang baliw na pinagtatawanan ako. Gigil na si ako.
'Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?'iritado kong tanong.
Huminto siya sa pagtawa at muli siyang nagsalita.
'A.. a.. galit ka ba?' tanong niya.
'Hindi no, natutuwa ako sayo, SOBRA!!! ',sarkastiko kong sagot.
'Sorry na.. Take it easy madam. Sige ka, mababawasan ng isang guhit ang ganda mo.' Sagot nitong mokong na 'to.
Nanguto pa, if I know..
'Napatawag ka ba kasi gusto mong magpalakad sa pinaka maganda kong pinsan?' tanong ko.
'A.. a.. hindi a.' nahihiya niyang sagot.
'Alam ko na ang mga style mon a iyan no? Please not me.' Pangiinis ko sa kaniya.
'Hindi nga', he said it with finality that make shut the hell out of me.
'Okay, edi wag. So, bakit nga?' sagot ko para hindi niya mahalatang naapektuhan ako sa boses niya.
'Nandito ako para magpaturo sa oyster farm ninyo. Kasi may thesis kami at gusto ko sanang topic ang oyster farm ninyo. Pwede ba?' malumanay niyang pagkakasabi.
Aba bwisit ito a. Iistorbohin niya ako sa tulog ko, mang aasar, tapos ito hihingi ng pabor. Lakas ng loob or should I say, KAPAL NG MUKHA, hindi ko naman siya kilala e.
'Paano kung sabihin kong ayoko. Ano ang gagawin mo?' panantiya ko.
'Maghihintay ako na pumayag ka', sagot niya sa akin.
Wow and just wow.. This is the first time na may magpursigi na kumuha ng approval ko.
This is how it feels a..
'Okay, let see..' then I turn off my phone at sinubukang bumalik sa tulog ko na bitin na bitin pero hindi na ako makatulog ulit at salamat iyon sa mokong na iyon. Nangiti ako ng maalala siya.
BINABASA MO ANG
Kisapmata
Teen FictionKwento ng buhay ni Ria Lasaro, isang marupok na virgin. live life to the fullest ang motto sa buhay. Kaya hindi siya nagseseryoso. Not until, he met Topper, hot guy na magpapatulo sa laway este magpapabago sa pananaw ni Ria sa pag-ibig at relationsh...