Isang rising star na singer na nagnangalang Alejandro Rodriguez ang naimbitahan sa isang kilalang paraalan sa probinsiya para sa gaganapin na prom night para tugtugin ang mga obra niya. Lingid sa kanyang kaalaman mapapansin niya ang isang babaeng kalog, sabog at ang utak nitong wala sa tamang dimensyon na si Mindie. Sa paglipas ng dalawang taon hindi niya inaasahan na makakatanggap siya ng mensahe mula rito. Hindi lang isa kundi sandamakmak na memoir ang matatanggap niya. May halong pagtataka man kung bakit pinapadalhan siya ng babae ng memoir patuloy niya pa ring binabasa ang mga nakakatawa at madramang memoir ng babaeng si Mindie a.k.a. ang babaeng Sabog Ka Girl.~~~~~~~~~~~~~~~~*~~~~~~~~~~~~~~~~~
Huminga ng malalim si Alejandro bago patugtugin ulit ang gitarang napamahal na sa kanya. Tiningnan ang mga tao na nasa kani-kanilang upuan. Nang mapansing nagsisimula na siyang tumugtog nagtipon-tipon na ang mga tao dala ang kanilang mga kasayaw. Isang obra niya ang kasalukuyang kinakanta ngayon na bagay na bagay sa mga slow dance.
Nasa kalagitnaan na siya at ang mga tao na patuloy pa ring sumasayaw ng mabagal. Napansin niya ang isang babae na nasa unahan ng stage na nakatingin lang sa kanya at matiwasay na nanonood lang sa pagkanta niya. Bigla itong ngumiti ng malapad at kumaway sa kanya. Napatitig rito si Alejandro at inaalala kung kilala niya ba ang babae pero hindi ito pamilyar sa kanya.
Napabalik na lang ng tingin si Alejandro sa mga sumasayaw at ipinagpatuloy ang pagkanta. Ilang sandali pa sumulyap ulit siya sa babae at nakita na niya itong nakapikit, nakayakap sa sarili at dinadama ang kanyang kanta. Nakaramdam siya ng pagtataka kung bakit wala man lamang itong kapares.
Natapos na lang ang kanta na nakatigtig lang siya sa babae. Kahit na solo lang ito nakita niyang nakangiti ito ng malapad, habang yakap-yakap pa rin ang sarili na nakapikit. Sa kanyang konklusyon mukhang nag-enjoy ito kahit nag-iisa.
Namatay na ang ilaw sa stage hudyat na tapos na silang kumanta. Nagliwanag bigla ang court at biglang tumugtog ang upbeat na tugtugin. Nakatingin pa rin siya sa babaeng mag-isa at bigla na lang itong sumayaw na parang halaman na nabuhayan. Indak kung indak ang babae na kahit mukhang tuod sige lang ito sa pagsayaw. Napapunta ito sa sentro at enjoy na enjoy ang pagsayaw. Namatay ang ibang ilaw at tanging spotlight na lang ang natitirang bukas na ngayon ay nakatutok sa babae. Nagsigawan ang mga tao na tuwang-tuwa sa babae. Natawa si Alejandro sa kinikilos ng babae na kahit mukhang siraulo ay patuloy pa rin itong sumasayaw sa gitna ng court.
"We need to go Alejandro meron ka pang gig tomorrow kailangan pa nating bumiyahe" tawag sa kanya ng pansin ng kanyang manager
"Give me a minute Kuya Angelou"
"We don't have any time left Alejandro we need to travel back as soon as possible malayo ang Manila dito"
Ngunit ang buong atensiyon ni Alejandro ay nasa babae na ngayon ay nagbebreak dance kahit na nakasuot ito ng evening gown. Bigla itong tumabling na siyang ikinagulat niya.
"Alejandro!" pasigaw na tawag sa kanya ng manager.
"What?"
"I said we need to go!"
"Ok, I'm sorry" at saka niya sinundan ng tingin ang babae na patuloy pa ring sumasayaw habang naglalakad.
"Crazy Girl" bulong niya sa sarili bago lisanin ang lugar.
Makalipas ang dalawang taon.....
"Son how's school and life?" tanong ng ina sa kanya na nagngangalang Elena. Isang sikat sa tennis player at kilalang artista noon.
"Honestly I enjoyed school Mom I have a lot of interesting units that I took and about life? Uhmm it's kinda hard co'z I have a lot of gigs and events that I need to attend plus school pa."
"Basta don't exhaust yourself and dapat yung mga gigs mo in moderation lang. Always prioritize school before career ha?"
"Yes mom I'll keep that in my mind." at saka ngumiti sa ina "Mom I need to go to my room cause I need to organize my tracks"
"Ok son goodluck to your MV release tomorrow"
"Thank you Mom"
Dali-daling pumunta si Alejandro sa kanyang kwarto. Kinakailangan niyang asikasuhin ang kanyang single album na ginawa dahil bukas na ang release ng kanyang MV. Nagtungo siya sa instagram na matagal na niyang hindi na ulit nabubuksan kailangan niyang ibalita sa mga fans niya na bukas na ang labas ng kanyang bagong single.
Karamihan sa mga fans niya ay puro taga- ibang bansa. Kakaunti lang ang mga fans niya rito sa Pilipinas dahil taga-ibang bansa ang mas tinatangkilik ng mga Pinoy pagdating sa musika.
Tiningnan niya ang mga mensahe at tanging papuri ang natatanggap niya na siyang ikinatutuwa niya. Ngunit isang mensahe ang nakakuha ng kanyang atensiyon. Hindi lang isang mensahe kundi sandamakmak na mensahe ang natanggap mula sa isang tao lamang at hindi niya maintindihan kung bakit ang mga mensahe na iyon ay sa kanya pinadala.
BINABASA MO ANG
Memoir
RandomPaano kung may biglang magpadala sayo ng memoir pero hindi mo kilala kung sino, ano ang magiging reaksyon mo? Isang rising star na singer na nagnangalang Alejandro Rodriguez ang naimbitahan sa isang kilalang paraalan sa probinsiya para sa gaganapin...