Veronica's POV
*Monday Morning*
Late na naman ako. Naku, yari na naman ako sa teacher ko. Nakakainis naman kasi yung mortal enemy/bestfriend ko eh. Kung kelan naman may pasok saka ako pinatutulog ng matagal. Bahala na nga!
*Erine University*
Sana wala pa sa room yung teacher ko. Sesermonan na naman ako nun eh. Pagpasok ko sa room, lahat ng mga kaklase ko nakatingin sa akin. Yung tingin nila sa akin akala mo naman nakapatay ako ng tao.
"Ms. Fernandes!" hala! Nandyan na nga si Ms. Romel.
"Yes Ma'am?" inosente kong tanong sa kanya.
"Why are yoü late again?" Shet! Anong sasabihin ko?
"Ma'am kasi po... Na... Uhmm... Na..." Anong sasabihin ko?
Nag-iisip pa ako ng excuse ng may narinig kaming sumabog. Nagkagulo lahat, pinilit ni Ma'am Romel na pakalmahin ang lahat pero nung medyo kumakalma na ang lahat may sumabog ulit. Wala nang nagawa si Ma'am dahil kahit naman sya halatang natatakot na din. Ano kaya yun? Nakakacurious naman.
Dahan-dahan akong lumabas ng room para hindi mapansin ni Ma'am Romel na natakas ako. Biglang may sumabog na naman, parang galing sa field. Pumunta ako ng field at hindi nga ako nagkamali. Dito nga sa field nanggagaling ang mga pagsabog.
May isang lalaki na nakalutang sa ere ang naglalabas ng parang maliliit na bola ng tubig tapos pinatatama nya sa iba't-ibang parte ng school. I can't believe what I'm witnessing right now.
Okay...
1. Yung lalaki nakalutang.
2. Naglalabas sya ng tubig gamit lang yung kamay nya.
3. Nakatingin sya sa akin.
4. Papatamaan nya ako ng bola ng tubig.
Wait... What?! Ang laking damage na nga nung nangyayari sa school sa akin pa kaya?!
+\\\PSSSSHHHWWW///+
*BOOM!*
Buti na lang nakailag ako. Kailangan kong makaisip agad ng plano para makatakas. This guy's going to kill me. I have to move fast.
Tatakbo na sana ako palabas ng school since malapit lang naman sa gate yung field kaso may biglang pumulupot sa paa ko at nadapa ako. Tumama yung ulo ko sa isang matigas na bagay and everything went black.
Nagising ako ng may marinig akong nagsisigawan. Ano ba yan? Dito pa nila naisipang magsigawan, di ba nila alam na may natutulog dito?
"Miguel, bakit ba dinala mo pa dito yang babaeng yan? Di mo ba alam na maaaring mapahamak sya dahil sa pagdala mo sa kanya dito!"
"Tsss..."
"Ano bang naisipan m-"hindi nya na natuloy yung sasabihin nya kasi bumangon ako. Minulat ko yung mata ko tapos sisigawan ko na dapat sila kaso ng buksan ko yung mata ko, nakita ko yung lalaking nakalutang kanina.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" sigaw ko.
"TULUNGAN NYO AKO!" humarap ako dun sa babaeng katabi nung lalaki at sinabing "Miss, lumayo ka dyan sa lalaking yan! Engkanto yan miss! Maniwala ka sa akin!" Paiyak na sabi ko. Medyo mukha na akong baliw dito sure ako. Lumapit sa akin yung babae tapos hinawakan nya yung kamay ko at sinabing "Miss, wag kang matakot." Medyo kumalma ako nung sinabi nya yun. Pero hindi pa din nawala yung takot ko.
"Miss, masamang tao sya. Isa syang engkanto, may lumalabas na tubig sa kamay nya kanina tapos... tapos..." Naiiyak na talaga ako. Ewan ko kung bakit, siguro sa sobrang takot? "Sssshh. Wag ka nang matakot. I'm here. He won't dare to hurt you." sabi nya tapos niyakap nya ako and after a while, nakatulog ulit ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ito na po yung Chapter 2. Sana naenjoy nyong basahin.Ang hirap palang gumawa ng story pero enjoy din naman.
Don't forget to VOTE and COMMENT. :D Pwede ring i-follow si Author para masaya. Ekoj!
- FrelieGem25