"BANGON NA"
Ni:Sherryl l.
Alam kong pagod ka lang sa sitwasyon,
Alam kong mahirap ang kinakaharap mo ngayon,
Pwede ka rin magpahinga at kapag kaya mo na,
Itayo muli ang nanghinang mga paa.Hindi palaging rason ang pagod na para huminto,
Magpatuloy dahil ang mundo'y perpekto,
kailangan mong lumaban dahil masarap mabuhay,
Katulad ka rin ng isang makinarya,
Napapagod kaya kailangan ng pahinga.Isipin mo lagi ang mga katagang
"KAYA KO TO" kaya bangon na,
Napagod man sa umpisa muni't di pa huli ang lahat,
Makabubuo ka pa ng panibagong aklat ,
Makakabuo ka ulit ng isang kwento,
Magpapatuloy ka muli sa iyong paglalakbay.Ang lahat ng ito ay ayon sa plano at desenyo ng Diyos,
Mas alam nya ang tama at nararapat kaya't wala tayong karapatang magreklamo at magumon sa takot,
Kailangan mo lang magtiwala sa bagay na maaari di mo maunawaan at makita,
Sapagkat ang Diyos kailan man hindi magpapabaya sa bawat isa Huwag ka lamang din magpabaya sa iyong sarili.