Chapter 36

19.2K 438 16
                                    

Hindi mapakali si Arthur na di mahanap si Catherine.Ilang araw na siyang naghahanap.Hindi niya alam kung saan ito pumunta.Di niya naman kasi alam kung saan nakatira ang pinsan nito. Nai-kwento kasi ni Cathy na may pinsan ito dito sa Manila.Nakapatay din kasi ang phone nito.Nakailang dial na siya rito pero out of coverage palagi.Kaya binalak niya na lang na kay Benjamin pupunta.

Alam niya na malaki ang kasalanan niya sa nobya.Tama nga ito. Naging makasarili siya.Pero nadaig lang siya kasi ng takot niya.Ayaw niyang iwan siya ng babaing minamahal.Sobrang mahal niya si Catherine. Kung kailangan niyang lumuhod sa harapan nito para patawarin siya ay gagawin niya.

Bakit kasi natakot pa siya?Alam niya naman na mahal din siya ni Cathy di ba?

Napasabunot na lang siya sa buhok niya habang nagmamaneho.

Napukaw lang ang kanyang pag-iisip ng biglang mag-ring ang phone niya.Dali-dali niya itong dinampot at sinagot agad sa pag-aakalang si Catherine ang tumatawag Di na niya kasi tiningnan kung sino.Laking pagka-dismaya niya ng si Jacob pala ang tumatawag.Pinapunta siya nito sa office dahil kailangan daw talaga.

Kaya naisipan niya ring pumunta na lang.Gusto niya na rin kasing magpaalam kay Jacob na tapusin ng lahat ng projects niya at siya ay titigil na sa pag-aartista.Ibibigay niya na lang ang oras niya kay Catherine.Mga tatlong projects na lang kasi ang gagawin niya at di na siya tatanggap ng iba.

Kung para kay Catherine at kung ito lang ang makapagpasaya sa nobya,gagawin niya.Patunayan niyang di niya kayang ipagpalit si Catherine sa iba. Kahit pa sa limpak-limpak na pera. Mas nanaisin niya pang mamuhay na maghirap basta kasama niya lang ang babaing mahal niya.Ang babaing bumibigay ng bawat hininga niya sa ngayon.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Sa office ni Jacob....

"Sierra, pwede bang wag na nating gawin ito? Kaibigan ko si Arthur." Pakiusap ni Jacob kay Sierra.

"Duwag ka rin Jacob ano?Ngayon pa ba tayo susuko kung kailan ay mayroon na tayong bagay na hinahawakan para magka-hiwalay ang dalawang iyon?" Nakangising sabi ni Sierra kay Jacob.Hawak-hawak nito ang isang litrato na nakuha niya sa phone niya nung minsan na naabutan sila ni Catherine sa dressing room ni Arthur.Pinalano niya kasi na talagang makakuha siya ng picture nung mahalikan niya si Arthur.Ipinatong niya sa mesa noon ang phone niya na naka-set ang timer ng camera nito. At ang galing lang,dahil talagang na-captured ang kissing nila ni Arthur.

Akala niya noon ay mag-aaway ang dalawa dahil naabutan sila ni Catherine sa ganung sitwasyon.Pero ang bruhang Catherine ay malawak yata ang pag-iisip kaya di ito naniwala.Pero this time,siguraduhin niyang sa kanya mapupunta si Arthur.Ang lalaking matagal na niyang pinangarap.

Nabalitaan na rin niya na ang alalay ni Arthur ay instant princess na ngayon dahil sa balita at sa isiniwalat ng business man na si Mr.Sameel.Naging laman na rin ito ng pahayagan.Nung una nagulat pa siya.Pero wala na siyang pakialam.Gusto niya lang ay si Arthur.

Kaya gagawa siya ng paraan.

"Sierra,kung binalak ko man na sirain silang dalawa,yun ay dahil sa pag-aakalang mahal ko si Catherine. Pero nitong mga huli,na-realize ko na kahit sirain man natin silang dalawa,alam kong hindi pa rin natin magagawa yan. Mahal ni Arthur si Catherine. At nakikita ko yan sa kanya. At isa pa,tulad ng sinabi ko,kaibigan ko si Arthur.Hindi ko kayang sirain ang buhay niya.At ang isang na-realize ko pa ay kahit umibig man ako sa iba pero ang puso ko ay talagang mayroong gusto na ito lang ang mamahalin niya.Sierra..." Tiningnan niya muna ang kaharap at huminga ng malalim. "....kahit anong pilit ko sa sarili na magmahal sa iba, pero di pa rin mawawala ang isang taong nilalaman nito. Oo,marahil ay inakala kong mahal ko si Catherine, pero ng...makita ko si Railey sa engagement party niya,doon ko na-realize na siya pa rin pala ang nagmamay-ari nito." Mahabang saad niya kay Sierra.Totoo naman kasi ang lahat.Pero nagulat na lang siya ng tumawa si Sierra.

"Sino Jacob?Yung ex-girlfriend mo na nerd?" Nakataas ang kilay na tanong nito. "At isa pa,wala akong pakiaalam sa love life mo. Ang gusto ko lang ay si Arthur.And soon,maging akin na siya dahil sa mga inilabas kong pictures sa press." At tumawa pa ito. Sa sobrang inis ni Jacob ay mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Sierra.

"Baliw ka na ngang babae ka." At diniinan niya pa ang pagkakahawak niya.

"Aray Jacob. Damn you! Nasasaktan ako.Basta kong di mo ako tutulungan,ako na lang ang gagawa." At bigla niyang tinanggal ang mga kamay ni Jacob sa braso niya. "Simple lang naman sana Jacob.Ang gusto ko lang ay pilitin mo si Arthur na sabihin sa press na kami na. Na totoong may relasiyon kami.And I'm sure, magagalit si Catherine niyan.At sigurado akong maghihiwalay sila.Alam kong di niya kayang ipagpalit ang career niya sa kung anuman at sinuman." Mahabang sabi nito.

"Nahihibang ka na Sierra.Hindi kita tutulungan.Bakit di mo na lang tanggapin ang katotohanan na kailanman ay di ka minahal ni Arthur. Magising ka na Sierra." Seryosong sabi ni Jacob at the same time ay naiinis na rin siya. Ang hirap kasing paliwanagan ng babaing kausap.

"Hindi Jacob!Ako lang ang dapat na mahalin ni Arthur.Hindi ang babaing iyon.Kung di sana dumating yun, baka niligawan pa ako ni Arthur.Kung di mo ako tutulungan,sasabihin ko kay Arthur na kasabwat kita sa at pagsira sa kanila!" Sigaw ni Sierra. Para bang nababaliw na ito.

"Get out Sierra!" Sigaw rin ni Jacob sa kanya.

"Ok, lalabas ako.Pero sasabihin ko sayo Jacob,damay ka rito." At mabilis itong rumampa papuntang pintuan at lumabas.

Umiling-iling na lang si Jacob.Nagsisisi na siya ngayon kung bakit nakipag-sabwatan pa siya kay Sierra.Akala niya kasi mahal niya talaga si Catherine.

After fifteen minutes

Pumasok si Arthur sa opisina ni Jacob.

"Anong kailangan mo Jacob?" Walang emosyon na tanong ni Arthur.

"This." Inilapag ni Jacob ang picture na nakuhanan na naghahalikan sila ni Sierra.Nagulat naman si Arthur kung bakit mayroon sila nito? Ito yung eksena sa dressing room niya ah.Sino ang kumuha nito? "Kailangan mong sagutin ito sa medya.Kalat na ito ngayon Art." Dugtong pa ni Jacob.Kaya sa sobrang inis ni Arthur ay pinunit niya ito.

"This is nothing Jacob. Di ko na kailangang magpaliwanag sa medya dahil aalis na rin lang ako.Kaya wag mo na akong kumbinsihin na sagutin ito dahil kapag sinagot ko ito, di mo gugustuhin." Galit na sabi niya kay Jacob na siya namang ikinagulat nito.

"Titigil ka sa showbiz Art?" Di makapaniwalang tanong ni Jacob.

"Yes." Walang pag-aalinlangan na sagot ni Arthur. "Gawin ko ito dahil kay Catherine. Mahal ko siya Jacob.Mahal na mahal ko si Cathy.Lahat,tatalikuran ko,mapatunayan ko lang na mahal ko siya." Malungkot na sabi niya.

"Art?..." Si Jacob.

"Sana this time Jacob,wag mo na akong kontrahin. Sana maintindihan mo ako dahil nagmahal ka rin. Nag-aaway pa kami ni Cathy sa ngayon.At di ko pa alam kung paano kami magbati.Kaya please lang Jacob,wag muna ngayon.Wag ka munang dumagdag sa problema ko.Nakikiusap ako.Alam kong nakaka-bakla pero mahal ko siya eh." Seryosong sabi ni Arthur.

Para namang na-konsensiya si Jacob sa nakikitang lungkot sa kaibigan.Kahit di niya alam kung ano ang dahilan ng pag-away ng mga ito pero intindihin niya na lang si Arthur.Kahit ito lang ang paraan niya para makabawi sa balak nila ni Sierra na sirain ang relasiyon ng mga ito.

Ayaw niya ng makita muli na miserable ang buhay ni Arthur. Kagaya nung sa kanila pa ni Krizza.

"Ok Art.Kung yan ang gusto mo, naiintindihan ko.Kaya sabihin mo na kaagad ngayon sa press ang lahat-lahat pati yung gusto mong tumigil sa showbiz.Naiintindihan kita Art dahil kaibigan mo ako." Seryosong sabi ni Jacob.

"Thanks Jacob.Pero siguro mga next day na.Puntahan ko pa si Benjamin. Baka may alam siya kung nasaan si Cathy." Tumayo na siya.

"Good luck Art.Sana maging ok na sayo ang lahat.Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako.At sana,magkaayos na rin kayo ni Benj.Miss ko na ang barkadahan natin."

"Kung yan ang paraan para bumalik sa akin si Catherine,Jacob, gagawin kong magpapakumbaba kay Benjamin." Lumakad na ito papuntang pintuan.

"Believe na ako sayo pare.Well,sige." At ngumiti si Jacob sa kanya. Lumabas na rin siya.

My Amazing Alalay (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon