CHAPTER 7

80 5 1
                                    

Dear reader please forgive the author
Sa mga wrong spelling at grammar😎😂

(ANAK IM SORRY)

(Zyrus POV)

SAKWAKAS!!!!!nakarating nadin sa mansion!!!!grabe kailangan talaga mag hirap muna ako bago ako makarating sa mansion?!!!!

but anyway nandito narin naman ako sa tapat nang mansion dapat di nako mag reklamo at mag pasalamat sa mga batang aking binigyan nang masamang landas patungo sa kung saan man sila ngayon ipag dadasal konalang kaligtasan nila AMEN!!!!

Nag door bell ako para malaman na nandito na ang napaka gwapo nilang apo!!!!!!!

Haha bakit ang hangin?

Bahagyang nag bukas ang gate at tinignan kung sino ang nag door bell nang makilala niya ako ay agad na binuksan nang tuluyan ang gate para makapasok ako

Buti naman po at umuwi na ikaw zyrus hinahanap kana kasi nang lola mo.sabi nang maid nanagbukas sakin

Ahh ganon po ba sige.sabi ko at tuloy tuloy na nag lakad papunta sa loob nang mansion

Pagpasok ko sa loob ay bumungad agad ang nag aalalang lola mella
Nakita ko din sila mama at papa na kumakain na pero diko makita si zandra

Asan ang sistah ko...

Lumapit ako kila lola at nag mano sunod kong milapitan si mama at yumakap sa kanya pero tinignan niya lang ako sunod kona sanang lalapitan si papa kundi lang sya tumayo at nag lakad papunta sa kung saan dahil tapos na syang kumain....

Saan kaba nang galing at ngayon kalang nakauwi?.sabi ni lola at tinignan ako mula ulo hanggang paa
At....anong nangyari sayo bakit ka pawis na pawis??!!!.sabi ni lola mella at pinunasan ang likod ko gamit panyo niya

Habang ang mama ay nakatingin lang samin ni lola pero may nakikita akong kalungkutan sa mga mata niya

Bakit kaya?

Nang mapansin na nakatingin ako sa kanya ay agad na nag iwas sya nang tingin at pinagpatuloy ang pag kain

At dahil nag tanong ang lola kung bakit ngayon lang ako nakauwi ay bibigyan ko sya nang magandang dahilan kung bakit ngayon lang ako nakauwi

Its story time!!!!!

Lola kasi...mahaba haba po ito kaya umupo muna kayo...sabi ko at naupo naman si lola sa tabi ni mama at ako naman ay umupo sa tabi ni lola

At nag simula na akong mag kwento
Simulang simula yung nakilala ko si josh at yung na ligaw ako pero diko sinabi kay lola at mama ang tungkol kay sammy

At ang dahilan kung bakit diko sinabi ay..........NAHIHIYA AKONG SABIHIN!!!!!!!!!!at baka asarin ako ni lola at maging kamatis nanaman ang mukha ko!!!!!

Pero shempre diko pinalampas ang paghabol sakin nang aso at kung papano ko natakasan yun gamit ang mga bata

Habang nag kwekwento ako ay tawa naman nang tawa si lola sa ginagawa ko kasi habang nag kwekwento ako ay dinedemonstrate ko yung bawat detail sa kwento at may pa sound effect pa!!!!!

Narinig ko ang mahinang tawa nang mama ko kaya nilingon ko sya at napangiti ako dahil nakita kosyang nakangiti sakin

First time kung makita si mama na ngumiti nang dahil sakin o sa mga kalokohan ko pero sarap pala sa pakiramdam yung napapatawa mo yung magulang mo

Iniwas ko agad ang tingin ko dahil baka mawala pa ang ngiti sa labi ni mama kapag napansin niya kong nakatitig sakanya at ayuko nun...gusto ko nakangiti sya sakin...

KUYA'S LOVE(On Going)Where stories live. Discover now