Raffy

50 0 0
                                    

Sampung taon na ang nakalilipas mula nang magturo ako sa high school. Kaga-graduate ko lang noon sa college at na-assign ako sa Fourth Year. Sa isang all-boys school iyon sa probinsiya na alma mater ko rin.

Apat na taon lang ang tanda ko sa mga estudyante ko kaya halos wala kaming generation gap. At dahil pulos lalaki ang mga ito, kinailangan ko silang kontrolin sa kanilang mga kapilyuhan at kalokohan. Bukod sa pagtuturo, iyon ang higit na pinagtuunan ko ng pansin at hindi ang  magkaroon ng admiration o special treatment sa kung sino ang guwapo. Bilang kanilang guro, pangunahing tungkulin ko ang kanilang pagkatuto at layunin ko ang maging magandang ehemplo upang ako ay kanilang irespeto.

Mahirap noong una dahil susubukan ka talaga nila, titimplahin kung kakayanin ka, kung titiklop ka sa kanilang mischief. Ang naging approach ko, kamay na bakal muna. Mahigpit, istrikto, malupit. At nang magkaroon na sila ng takot sa akin at mapasunod ko na sa pamamagitan lamang ng tingin, unti-unti na akong lumuwag at lumambot. In fact, naging friendly na ako at sila ay nagsimulang maging malapit sa akin. Sa loob ng classroom, seryoso kami sa mga leksiyon but outside of it, naging halos magkakabarkada na lang kami.

Isa sa mga naging malapit sa akin ay si Raffy.

Personable si Raffy. Isa siya sa mga namumukod-tangi pagdating sa looks department sa aking klase. Matangkad, likas na matikas, maganda ang kutis na bagama’t moreno ay walang pimples at makinis. Laging nakasuklay, plantsado ang uniporme at malinis ang sapatos. Nang una ko siyang makita, ang agad kong napansin ay ang kanyang pagiging neat.

Hindi siya ang pinakamatalino sa klase -- average lang -- subalit masipag siyang mag-aral at masigasig. Well, at least iyon ang aking naobserbahan pagdating sa aking subject. Hindi ko lang alam kung gayon din siya sa iba. But as far as English is concerned, kapag may hindi siya naiintindihan sa aking itinuturo, magpapaiwan siya pagkatapos ng klase, lalapit sa akin at magtatanong. Masaya akong sagutin ang kanyang mga tanong hindi dahil sa kung anupaman kundi dahil naa-appreciate ko iyong interest niya na matuto at maintindihan ang aking leksiyon.

May mga pagkakataon na pagkatapos ng klase, I would hang out with some of my students sa corridor at laging naroroon si Raffy, kabilang sa mga nakikipaghuntahan sa akin. We would swap jokes, makikinig ako sa mga kuwento nila at makikinig din sila sa mga payo ko from the mundane -- Huwag magmemedyas kung basa pa ang paa at tuyuin muna ang pagitan ng mga daliri para di magka-fungal infection -- to the thought-provoking -- Take stock of your strengths and weaknesses, likes and dislikes, hobbies and interests at gawing batayan ang mga iyon sa pagdedesisyon sa kursong kukunin mo sa college upang makasiguro na ikaw ay magiging masaya at matagumpay. Kapag nagbibigay ako ng advice lalo na sa mga seryosong bagay, si Raffy ang nakikita kong pinaka-attentive sa lahat na para bang dina-digest niya talaga ang mga sinasabi ko. At siya rin ang pinakamatanong na kadalasan ay nauuwi sa pangangantiyaw ng mga kaklase subalit ganoon talaga siya, laging curious at hindi matatahimik kapag may hindi naiintindihan.

Ang pagiging malapit sa akin ng aking mga estudyante partikular na ang barkadahan nina Raffy ay nag-extend sa labas ng paaralan. Isang gabi, katatapos lang naming maghapunan ng buong pamilya at nasa salas kami sa harap ng TV nang magkahulan ang mga aso namin. May tao sa gate. At nang lumabas ako upang sinuhin iyon, nagulat ako nang makita ko ang buong barkadahan nila, pulos naka-bisikleta, na sa kanilang paglalakwatsa on a Friday evening ay nakarating sa lugar namin. Taka man kung paano nilang natunton ang bahay namin -- marahil nalaman nila ang address mula sa isang kaklase na tagaroon din sa amin -- ay natuwa ako na sila ay makita dahil parang mga kaibigan na rin ang turing ko sa kanila.

“Ano’ng ginagagawa n’yo rito?” ang bungad kong tanong.

“Wala, sir. Napadaan lang,” ang sagot ng isa sa kanila na parang nagsisilbing pinaka-lider.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RaffyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon