First day high...kinakabahan si Jay dahil nasa ibag level na siya ngayon.Tapos na ang buhay elementarya niya.Okay sana kung andito si Zev para atleast may karamay siya at hindi siya nangangapa sa pakikipagkaibigan.
Nasisiguro niya na sa mga sandaling ito may naging kaibigan na ito dahil si Zev ang klase ng tao na ma-"P.R"...palakaibigan ito.Hindi naman siya nagsisisi sa pinasukan niyang University nalulungkot lang siya dahil wala na ang buddy niya.Sa kakaisip niya habang naglalakad ay hindi niya napansin ang kanyang nakasalubong na nagmamadali rin.Nagkalat ang bitbit nitong mga libro sa sahig.Alam niya sa sarili na may kasalanan siya dahil kung saan saan lumilipad ang utak niya at hindi niya nabibigyan ng pansin ang mga nakakasalubong niya.
"ang cute niya..." "ang gwapo niya..."ano kayang pangalan niya?" "sana ako na lang ang may dala ng mga aklat..."
Ang mga naririnig ni Jay sa kapwa estudyante na mga babae.Mukha namang mabait ang nabangga niya.Umupo siya at tinulungan ang lalaking nabunggo niya.Pinulot niya ang mga nagkalat na libro.Para tuloy siyang na-guilty dahil baka na late na ito dahil sa kanya.
"Pare,hindi ko sinasadya...sorry." ang mapagkumbabang paumanhin ni Jay sa nakabangga niya.Sinipat niyang mabuti ang lalakiNapaka nerd nito na jologs na ewan.At ang amoy ng buhok amoy PUMADA..."sana nagwax siya o gel man lang..." ang nasabi ni Jay sa isip niya pero agad niyang sinita ang sarili.Wala naman siyang pakialam sa trip ng lalaking ito.
"Okay lang,pare.Sa susunod tumingin tingin ka na lang sa dinadaanan mo." ang sabi ng lalaki na hindi naman galit.Agad na itong umalis.
Nang tumayo na siya at inilibot ang mata sa paligid saka niya napansin na nasa harap na pala niya ang hinahanap na room.Andoon na ang teacher kaya napatingin siya sa suot na relos kung late na ba siya.30 mins pa naman.Maganda ang guro nila pero tantya niya nasa 30's na ito.Hindi naman mukhang strict.Pumasok siya at bumati.Ngumiti ito at tumayo.Napansin niya ang malaki nitong tiyan.Buntis pala ang teacher niya.
Nakaramdam siya ng relief dahil hindi naman pala terror ang guro nila.Sobrang bait nito.Napansin niya agad na maraming nagpapacute sa kanya na mga girls.Pero hindi niya ito pinapansin kaya ang iba napapasimangot.Ni hindi siya nagsmile sa mga ito dahil naiinis siya sa mga babaeng nagbibigay motibo.Marami rin siyang classmates na gwapo,may isang gwapo na tumango sa kanya.Tinanguan niya rin ito bilang ganti.Nang magsisimula na ang klase nila ay may bumungad sa pinto ng room nila...Ang lalaking nerd na nabangga niya!Ngumiti at nagpasalamat ang guro nila.Kaklase niya pala si "nerd" dito pala ito nanggaling sa room nila.Naupo ito sa tabi niya dahil andun ang bag nito.
Dahil unang araw ng pasok hindi maiwasan na magpakilala ang bawat isa sa harapan.Unang nagpakilala ang guro nila.Mabait nga ito at hindi siya nagkamali.Dalawang buwan lang pala nila itog makakasama dahil magsisimula na ang maternity leave nito.Pero babalik rin daw ito ulit pagkatapos manganak.