"Realizing all the chances you were
given seem to pass you by...
Memorizing the lines, Lord knows, it
hasn't got you too far.."*******
William thought that once he graduated college, ay hindi na siya gigising ng madaling araw. But 10 years after ng last day niya sa University of Cebu ay nagising siya sa maingay niyang alarm.
"Five more minutes..."
Kinuha niya ang cellphone at pinatay ang alarm. Iidlip pa sana siya ulit nang bigla namang tumunog ang telephone na nasa bedside table. Nagmulat siya ng mata bago bumangon at sinagot ang tawag.
"Captain Lee, we need you now at the bridge."
"Copy. Give me 15minutes."
Matapos niyang ibaba ang telepono ay nagtungo na siya sa banyo para magshower. Makalipas ng ilang minuto ay nagbihis naman siya at humarap sa malaking salamin. Tinignan muna niyang mabuti ang sarili bago tuluyang lumabas ng silid.
"Good morning Captain Lee!" Bati ng kanyang Firstmate pagdating niya sa bridge ng barko. Sumaludo ito kasabay ang ibang crew na naroroon.
"Good morning."
"Malapit na pong matapos ang loading ng oil sir."
"Great. Mas maagang matapos mas maganda."
Tamango tango si William at tinanaw mula sa window ang nagaganap na loading ng oil sa isa pang oil tanker vessel. Lumapit naman ang second mate crew nya at iniabot ang isang folder na naglalaman ng report nito. Tinanggap iyon ni William at binuksan para tignan.
"Dumating na rin pala ang helicopter na naghatid kay Captain John. Maaga ang pagdating nila compare sa nakatakdang schedule. Nasa office siya at hinihintay kayo sir. Iyan na po ang mga details na need ninyo para sa endorsement."
"Good job, thank you very much."
Tinapik ni William ang balikat ng FirstMate Crew niya. Matapos niyon ay umalis na siya ng bridge para puntahan ang kapalitan niyang kapitan.
Sa office nadatnan niya itong nagkakape. Isa ring pinoy ito ngunit matanda lang sa kanya ng 15 years. Sumaludo siya rito at nakipagkamay.
"Welcome to Avia, Captain John!" Bati ni William. Sumaludo rin ito at nakipag kamay sa kanya.
Natuwa si William. Inaya niyang maupo si Captain John sa sofa para makapagkwentuhan muna sandali.
"Sorry Sir at hindi kita nasalubong sa pagdating mo."
"Ayos lang, Don't worry. Talagang sinadya kong makarating dito ng mas maaga para mameet ka. Its been 10 years since nagsimula ka sa company. Ive heard a lot of things about you and this is the first time na makikilala kita ng personal. Balita ko top 1 ka sa batch mo. Nagtapos ka na isang Magna Cumlaude."
"The pleasure is mine sir. Madami din po akong naririnig na magagandang bagay tungkol sa inyo. Even though ive been working here for 10 years now madami pa din akong kailangang matutunan and malaking opportunity po para sa akin ang matuto mula sa katulad nyong matagal na sa company."
Natawa si Captain John. Natuwa siya sa pagiging magalang ng binatang kaharap niya.
"Im just wondering, 30 years old kana but your still a bachelor, mukhang ikaw na ata ang magtatapos sa masamang image ng mga seaman." Nagbiro ang Kapitan. Natawa rin naman si William.
YOU ARE READING
Final Distance
RomanceWilliam don't like Long Distance Relationship so he dicided to be single because of his profession as a seaferer. But living alone is not easy, he change his mind after meeting his first love, Megan. Being far from her for so long is enough and he w...