Chapter 1

2.6K 61 0
                                    

I'm Yarah Elaine de Guzman. A college student here in Marchioness University.


Isang unibersidad na pinapangarap ng lahat na mapasukan ngunit iilan lang ang mga pinapalad lalo na iyong mga kapos sa buhay na katulad ko. Mayayaman kasi lahat ang nag-aaral dito kaya hindi na nakapagtataka. At ang ikinaganda ng school na ito, bukod sa kalidad ng edukasyon ay iyong kapag dito ka grumaduate, sila mismo ang maghahanap ng trabaho para sayo. Hindi ka din tatanggihan ng mga aapplyan mong company once na malaman nilang gradute ka sa unibesidad na ito. This is how powerful the Marchioness University is.


"Hoy Yarah-ng tanga." pukaw ni Zyrah Ferrer sa atensyon ko. She's my bestfriend, by the way. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin dahil sa uri ng pagtawag niya sa amin.


"Ang aga Zyrah ha." panenermon ko dito.


"Ah, may oras ba ang pagmumura?" sarkastiko naman nitong tanong. Inilingan ko na lang siya.


"Bakit ba?" tanong ko dito. Nananatili pa din akong nakaupo dito sa may lounge.


"Kanina ka pa nakatitig sa may Engineering Department, may hinihintay ka ba?" nakangising tanong nito.


Agad naman akong umalma. "Gaga, wala. Masama bang matulala?"


Nasa tapat ko kasi mismo ang building nila kaya akala nitong isa may hinihintay ako.


"Ah.. talaga ba? Balita ko kasi ay pinupormahan ka daw ng isang estudyante mula sa Engineering Department." pasaring na sabi niya bago inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Napabuntong hininga na lang ako.


"Baka taga-Marine Engineering Department." pagtatama ko naman dito.


"So mayroon nga?" nailayo niya ang mukha niya sa akin habang nakatakip sa sariling bibig.


"Oo. Hindi ko naman pinapansin. Wala akong time para sa gano'ng bagay." diretsahang sambit ko dito.


'Kawawa naman pala ang Kuya ko.'


"May sinasabi ka?" tanong ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay may binulong siya sa hangin.


"Wala. Tara na." pagyayaya niya kaya tumango naman ako at kinuha na ang gamit ko.


Parehas kasi kaming Tourism Management. Iyon iyong course na parehas din naming gusto simula pa no'ng Senior High kami.


"Nga pala Yarah, anong tipo mo sa isang lalaki?" biglang tanong niya na ikinabigla ko. Hindi ko kasi inaasahan na magtatanong siya ng gano'n.


Kinunutan ko siya ng noo. "Bakit mo naman naitanong?"


"Wala lang. Masama ba iyon?" pasaring naman niyang sagot.

Hope In The Darkness:Family Love||CompleteWhere stories live. Discover now