Chapter 1

8 2 0
                                    

Keila's Point of view


Entrance ceremony ngayon ng school namin at grade 10 na ako, kasalukuyan kaming nakaupo sa loob ng gym at walang ideya kung sino sino ang aming kaklase dahil ngayong araw lang din ang mismo ang hanapan ng room at section, sa ngayon ay katabi ko ang madaldal na Kairo na kung ano ano nanaman ang kinukwento sa akin, mga bagay na di ko mantindihan.

"Ang tagal naman mag simula gusto ko nang malaman kug kaklase ba talaga kita" reklamo nito. Isang taon lang ang tanda ni Kairo sa'kin, 17 na kasi s'ya at 16 pa lang ako, kaka 16 palang n'ong June 27.

"oo nga e, sana magkaklase talaga tayo" sagot ko rin dito at sabay kaming nagbuntong hininga.

Hindi kami childhood bestfriend ni Kairo, pagkakaibigan lang na di sadya, magkaklase rin kasi kami last year at kaya kami naging magkaibigan ay dahil sa pagsali namin ng random contest at laging kami ang magkasama. Mabait si Kairo, hindi rin maitatangging guapo s'ya, maganda rin ang katawan n'ya, kulay emerald na bata at ang buhok na mala dagat ang kulay, maputi at kapag ngumingiti sa ay lumalabas ang dimples n'ya na lalong nagpapaguwapo sa kan'ya.

Oo naging crush ko s'ya, sino ba naman ang hindi, halos lahat ng babae laging sinasabi na maswerte ako dahil palagi kong nakakakasama si Kairo, pero ang di nila alam na napakamalas ng buhy ko dahil sa dami ng maging kasama si Kairo pa.

"Hoy!" natigil ako sa pag iisip nang biglaang pitikin ni Kairo ang noo ko" tulala ka nanaman d'yan, wag kang tumulala lumalaki ang mata mo at pumapangit ka" panlalait nito, ngumiti nalang ako ng peke at inirapan sya

"Ang malas ng buhay ko sayo" saad ko saka naman ito ngumiti sabay ng  pag akbay sa akin at bumulong...

"swerte mo, gwapo ako" asar kong tinanggal ang mga braso nito na nakaakbay sa akin

"pwede ba? tigilan mo yan, nakakadiri" pagtataray ko rito, simula kasi noong nalaman n'ya na may crush ako sa kanya lagi na syang gwapong gwapo sa sarili n'ya- well totoo naman, pero basta minus 1000 points

"sus parang 'di mo ko naging  crush ah? ano pang nakasulat sa love letter mo? Sana mapansin mo ko" pang aasar nito, mariin akong pumikit at kumalma. Pinagsisishan  ko nang naging crush ko s'ya.

magsasalita na sana ulit ako nang biglang nag announce ang isa sa admin ng school at bumati ng magandang umaga.

"Magsitayo muna ang lahat para sa ating pagdadasal" agad namang sumunod kaming mga estdyante at nagsimula ang magdasal "Lord, thak you for guiding these students and teachers and everyone na andito sa school na ito, nawa'y bigyan nyo sila ng knowledge and your wisdom, give them strenght and guide them until the end. Thank you through Christ our lord..."

"Amen!!!" malakas na tugon ng ilang libong studyanteng nandito ngayon

Pagkatapos ng maikling dasal ay pinatugtog na ang pambansang awit at sabay sabay nagkantahan ang lahat, iisang liriko, iisang ritmo.

"Ang mamatay nang dahil sayo" 

Pinaupo na kaming lahat at nagsimula na silang magpaliwanag tungkol sa mga rules and regulations ng school nila at nagpakilala base sa kanilang mga posisyon kahit alam naman na namin kung sino sino sila, pero dahil nga may mga transferees kailangan parin 'yon.

"Ang sakit na ng leeg ko, gusto ko nalang matulog" biglang bigkas nanaman ni Kairo, hindi ko na ito sinagot dahil alam kong lalawak lang ang usapan hanggang sa abutan nanaman ng bukas ang sasabihin n'ya.

" 'Yon lamang at maraming salamat sa pakikinig, maaari na kayong umalis at hanapin ang inyong sections" saad ng nag a-annouce at nag unahan namang lumabas ang mga studyante.

Tumayo nako at hand na ring makipagsiksikan pero napansin kong di pa tunatayo 'tong kasama ko "hoy ano pang hinihintay mo?" tanong ko rito

"si Drake, kaibigan ko, nagtransfer kasi sya dito. Hindi nya alam kung saan ang building ng grade 10 kaya isama na natin" sagot ni Kairo habang nakatingin sa cellphone "papunta na raw sya dito kaya hintayin nalang natin" dagdag nya pa, tumango lag ako at umupo ulit sa tabi nya at nakihintay na rin sa kaibigan n'yang 'di ko kilaala.

"baka maging crush mo rin itong kaibigan ko ha" pang aasar nito.

"Ewan ko sa'yo" maikling saad ko at kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng may kaiklian naming paldang uniform at nag facebook nalang din


Maya maya lang ay nagsalita ulit si Kairo

"andyan na sya"aniya na nakatingin sa isang dereksyon kaya sinundan ko ito ng tingin.

Nangingibabaw sa paparating na expected person ang kulay abo nyang buhok, maputing balat, makisig na tinidig, at maamong mukha. Napakagwapo.

Nang makalapit ito ng tuluyan ay saka ko lang malinaw na naaninag ang kulay ng mata nito, sea green ang kulay nito nakakalusaw na ngiti, walang dimple pero matangos ang ilong, matangkad mala korean pop star ang hair style. Natupok ako sa kinatatayuan ko sa pagkamangha sa angkin nitong kaperfect-kan

"Oy Dre, salamat ah, may kasama ka pala, Girlfriend mo?" para akong binuhusan ng malamig na tubig nang narinig ko ang tanong n'ya at ako na ang sumagot

"Ah! hindi, asa" saad ko habang binabawi ang lakas na nhigop dahil sa pagkilatis ko sa isang ito.

Tumawa ito na lalong nagpawala sa maharot kong isipan "Speed naman ng sagot, Drake nga pala" pagpapakilala n'ya at inilahad ang mga kamay para sa engrandeng shake hands

Mabilisan kong tinanggap ang kamay nito "Keila" pgpapakilala ko rin na pilit kinakama ang sarili nang nakangiti

"Ehem, hoy keila, kilala mo pa ba ako?" singit ng demonyong Kairo, binalingan ko ito ng tingin ang pekeng nginitan habang sinesenyasan na manahimik, pero dahil sya si Kairo. Hindi mananahimik yan

"Ahh magkaibigan lang pala kayo haha" saad ni Drake" pero anong oras na, maghanap na kaya tayo ng room?" pag aya nito sa amin na agad naman naming sinang-ayunan.

Habang naglalakad ay nagkukwentuhan lang kami kasabay na rin ng asaran kung paano kami naging magkaibigan ni Kairo at kung paano rin sila naging magkaibigan. Hindi naman maitatangging kahit saan dalhin si Kairo ay magkakaroon parin ito ng maraming kaibigan dahil bukod sa friendly s'ya ay mas'yado rin s'yang magaling makibagay sa lahat.

Nang makarating sa building ng grade 10 ay nag hiwa-hiawalay kaming maghanap, itong matalinong Kairo ay nakaisip ng pakulo. Gumawa sya ng group chat apara mas madali raw ang paghahanap namin.

Tahimik lang akong naghanap ng pangalan ko sa bawat papel na nakapaskil sa labas ng rooms.

Ilang minuto na rin halos bago ko makita ang pangalan ko ganon din si Kairo.

Sabay kaming nalungkot nang malamang hindii kami magkaklase, inutusan n'ya akong tignan at hanapin kung naroon din ang pangalan ni Drake at saka ko lang nalaman ang buong pangalan pala nito ay Drake Villardes.

"Oo ndito ang pangalan mo" saad ko sa video call at di nag atubiling patayin ang tawag.

maya maya lang ay dumating na si Drake "Salamat Kei" pagpapasalamt nya, nginitian ko lang ito at nauna nang pumasok sa loob ng classroom. Pansin kong medyo kakaonte lang ang nandoon kaya bawas pag aalala na rin, pinili kong umupo sa may bandang bintana dahil ito palagi ang paborito kong spot sa eskwelahan, umupo naman si Drake sa tabi ko.

"Ayos lang naman magtabi tayo diba?" inosente nitong tanong kaya bahagya akong tumawa

"Oo naman ano ka ba" at sabay kaming tumawa for unknown reason.

BRIGHTEST DARKWhere stories live. Discover now