Chapter 4

186 7 0
                                    

****

HINUBAD NI DENISE ang suot na gloves, facemask at cap saka naghugas ng kamay. Bumuntong hininga sya at saka pinunasan ang mga kamay gamit ang towel

Nagtungo sya sa opisina nya para magpalit at nagtungo sa headquarters nila para magpahinga. Ganito ang routine nya sa loob ng dalawang linggo

Magtatrabaho sa loob ng tatlong araw. Magpapahinga ng lima hanggang walong oras saka babalik ulit sa pagtatrabaho. Si Devon ang palaging nasa ospital kaya't napapansin nya ang bawat kilos ni Denise

Alam nyang may problema ito ngunit ayaw nyang kausapin dahil alam nyang hindi ito magsasalita. Si Andy lamang ang tanging pinagkakatiwalaan nito

"Excuse, Doctor?"

Napalingon sya sa tumawag sa kanya at nginitian ang lalaki "May I help you?"

Tinignan nito ang ID na suot nya saka ngumiti "I'm looking for Doctor Denise Falcon"

Pinigilan nya ang pagtaas ng isang kilay sa halip ay pinanatili ang ngiti nya "It's her off, she's not around"

Bumagsak ang balikat ng lalaki at parang nalugi ang mukha nito

Sa itsura ng lalaki ay mukha itong mabait. Yung tipong hindi makakapatay ng ipis at lamok ganun kabait ang itsura ngunit malakas ang dating

"Boyfriend ka ba nya?" diretsyong tanong ni Devon "She's a friend of mine"

Umiling ang lalaki "I'm Lexxus Echavez, we're not friends"

"Then you're her?" tanong ni Devon

Sasagot na sana si Lexxus ng biglang may magsalita sa likod nya

"What do you want to my sister, Mr. Echavez?"

Napalingon si Lexxus at napangiti ng makita si Andy "Hi, Andy. I want to see Denise"

"The wedding is off, Mr. Echavez. Then why do you want to see her?"

Tumaas ang isang kilay ni Devon sa sinabi ni Andy at kumunot naman ang noo ni Felix na kasama ni Andy

"We're close enough to be called acquaintance"

"How close?" masungit na tanong ni Andy

Napaiwas ng tingin si Lexxus at napakamot sa batok "Well, you see---"

"Ehem!"

Napalingon sila sa tumikhim at agad na nagliwanag ang mukha ni Lexxus "Hon!"

Nanlaki ang mata ni Andy sa tinawag ni Lexxus kay Denise na kararating lang. Bagong ligo ito at mukhang wala pang tulog

"What brings you here?"

Nawala ang maliwanag na mukha ni Lexxus ng makita kung gaano kalaki ang binaba ng timbang ni Denise mula ng huli nya itong makita "Did you eat and rest?"

"I asked first, Echavez" sabi ni Denise at pinagkrus ang braso

"I'm worried so I checked on you. And now, answer my question"

Napairap si Denise at nilingon ang kakambal "It's not what you think, don't worry" sabi nya at hinawakan sa braso si Lexxus saka ito hinila palabas ng ospital

Bumuntong hininga si Andy at nilabas ng cellphone "Dad, we need to talk"

Pinagmasdan ni Devon si Andy na nakikipagusap sa ama habang nakatingin kay Denise at Lexxus at sinilip si Denise na kausap si Lexxus

Between Lies (AGENT SERIES #14)Where stories live. Discover now