Kiarra Pov
Ang aga-aga palang pero para na akong nilechon na manok dahil sa sobrang init ng panahon. Halos panligo ko na ang pawis ko sa sobrang init. Papasok pa nga lang ako ng school tapos hindi na ako fresh. Gosh! Baka makasalubong ko si Hadley, my loves tapos amoy bayabas ako. Yucks! Hindi na nga ako pinapansin non baka maturn off pa saakin. Hindi pwede!
Dumaan muna ako sa rest room para ayosin ang sarili ko dahil nakakahiya naman sa crush kong laging fresh! Iba talaga basta anak mayaman. 'Di aircon ang kotse. Nang sa tingin ko ay mukhang tao na ulit ako ay saka na ako dumeretso sa classroom. Bumungad agad saakin ang mga maiingay kong kaklase well maliban sa tatlong magkakaibigan na elegante paring nakaupo habang nag-uusap. Sa galaw palang halatang mga anak mayaman.
" Good morning Kia!"
" Hi Kia!"
" Ganda natin Kia ah"
Ngumiti ako sakanila ng matamis na matamis. Kia talaga ang tawag nila saakin kapag dito sa campus, tinatamad daw silang banggitin ang buong pangalan ko eh Kiarra lang naman. Two syllables only.
" Good morning guys!" Bati ko sakanila pabalik.
Umupo na ako sa tabi ng kaibigan kong si Maggie na kausap ngayon ang isang kaklase ko. Napatingin ako sa gawi ni Hadley pero busy parin itong makipag-usap sa dalawang kaibigan niya. Ngumiti naman saakin si Andy, isa sa kaibigan niya kaya ngumiti din ako pabalik. Mabait naman ang dalawang kaibigan niya at nakikipag-usap din saakin minsan pero iba si Hadley. Ni tingin hindi niya man lang magawang ibigay saakin. Ang damot diba?
Minsan natatanong ko sa sarili ko kung bakit , at isang sagot lang din ang alam kung dahilan.
Inagaw ko ang pagiging top 1 niya sa klase. Simula kasi noong junior highschool kami laging siya ang nangunguna sa klase. Hindi ko pa naman siya gusto ng mga panahon na yon dahil nasa matuwid na daan palang ako at tsaka may boyfriend pa ako noon. Nang mag senior high na kami ay doon na nagsimula ang balikong daan ko dahil narin siguro sa matagal akong hindi magkaboyfriend tapos may kaibigan pa ang lesbian kaya maimpluwensyahan narin ako pero hindi ko naman sinisisi si Maggie dahil hindi naman niya sinabi saakin na dapat bumaliko na ako. Kusa ko yung naramdaman pagdating kay Hadley.
" hoy wag ka namang masyadong pahalata sa feelings mo doon kay Ms. straight" siko ng kaibigan ko. Masyado na palang matagal ang pagkatitig ko sakanya. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko at hinarap sakanya. " Saakin kalang tumingin" kumindat pa saakin.
" Grabe maawa naman kayo sa mga single!"
" Ang sweet naman niyan!"
" Hindi ko alam na possessive ka pala Mags"
Kantyaw ng mga kaklase namin. Out and proud kasi si Maggi sa sexuality niya kaya akala nila may namamagitan saamin eh alam naman nilang best friend kami mula pagkabata pero sabi nila pwede namang mafall sa best friend. Kadiri kaya yon!
Hindi kasi nila alam na si Hadley talaga ang gusto ko. Mas mabuti nayon para hindi nila ako kantyawan tapos baka magalit pa si Hadley.
Tinabig ko ang kamay ni Maggie at mabilis na tumingin sa gawi ni Hadley na walang reaction lang na nakatingin saakin.
Napalunok ako dahil feeling ko nagtaksil ako kahit wala namang kami. Umiwas nalang ako dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.
After ng last subject namin sa tanghali ay hindi kami sabay ni Mags pumunta sa canteen dahil pinatawag ako ng teacher namin sa hindi ko alam na kadahilanan. Siguro mang-uutos na naman siya. Ang hilig pa namang mang-utos ni Mrs. Cruz ganun siguro kapag buntis. Noong naglilihi nga siya lagi akong nasa office niya dahil ako pinaglihian. Wala naman akong magawa dahil ganun talaga kapag maganda! Ikakapasalamat nalang ni Mrs. Cruz na kasing ganda ko ang magiging anak niya. Hay buhay talaga!
BINABASA MO ANG
You're mine [one shot story]
Short Story"You're Mine. Remember?" Highest Ranking: #1-Yourmine