SIMULA

1 1 0
                                    




Simula

Ang ganda talaga sa probinsya. Sariwa ang hangin, malinis ang palagid, at tahimik, kung pwede lang na dito nalang ako tumira at mag-aral.

Nasa gate pa lang ako, rinig ko na ang boses ng kapatid kong batugan at ang mga kaibigan niyang batugan rin, sabi nga nila 'Birds with the same feather, flocks together.'.

Bumungad sa akin ang mga nakahilatang binata sa sala.

"Ang bobo mo talaga Wil! Ayan tuloy talo!" asar na bunton ni Kier kay Wil. Kawawang Wil.

"May isa nga diyan, e. Pabuhat." Parati nalang silang ganyan, nagsisisihan.

"Kung talo kayo edi talo kayo. Ni hindi man lang ako binati ng mga 'to." Nagtatampo-tampuhang sambit ko sa kanila.

Gulat na gulat na tinignan ako nina Wil, Mig, at Dery. "Ate Fiya!!!" sabay-sabay na sambit ng tatlo at nanakbo palapit sa akin.

"Hoy mga tipaklong, hindi ako makahinga." nahihirapang sambit ko. Paano ba naman kasi yinakap ako ng tatlo. Ang sweet naman nila pero batugan pa rin.

At ang aking bunsong kapatid ay naka-upo lang, bored na nakatingin sakin. Wala man lang hug, ni ha ni ho, WALA! Pinakabatugan talaga to sa kanila.

"Ate, bakit hindi ka nagpasabi? Kami sana yung sumundo sayo." Sambit nitong si Mig na nakabitin na sa balikat ko. Akala naman niya ang gaan niya, e mas mabigat pa to sakin.

"Sinabihan ko yang si Kier kagabi na uuwi ako at magpapasundo ako pero sabi niya may gagawin daw kayo kaya si manong nalang ang sumundo sakin." Hindi ko naman alam na mag-e-ml lang pa kayo.

Wala talagang kwenta yang kapatid kong yan.

"Hoy, Kier! Bakit hindi mo sinabi na uuwi na si Ate Fiya?" Wil asked while pouting. Ang cute talaga nito.

"Hindi naman kasi kayo nagtanong." Walang kwentang sagot ng aking dearest brother.

Uupo na sana ako ng may nakita akong bagong mukha. Bagong barkada siguro.

"At sino naman tong gwapong binata?" nakangiting sambit ko sabay lahad ng kamay. "Fiya."

Tumayo ito at tinanggap ang aking kamay. Ang tangkad, mas matangkad pa sa akin.

"Tyke." Seryosong sagot nito. Ilang taon na ba 'to?

"Kaedad mo lang ba sila Kier?" nagdududang tanong ko rito. Matangkad naman sila Kier at mga kaibigan niya pero kasing tangkad ko lang.

Tumango ito ng marahan bago umupo. Napatakip ako sa bibig dahil sa gulat, so kung 16 sila Kier, 16 rin siya. Malamang Fiya. Akala ko kuya siya ng isa sa mga kaibigan ni Kier.

"O, bakit parang gulat na gulat ka ate Fiya?" natatawang tanong ni Dery.

"Tignan niyo naman ang mukha, katawan, at height nitong si Tyke, akala ko kaedad ko to. Hindi gaya niyo mukhang hindi pa mga tuli. Mga totoy." Pang-aasar ko sa apat.

Naka-pout ang tatlo, inirapan naman ako ng aking kapatid.

Tumatawa ako habang binubuksan ko ang bag na dala ko. "O, tag-iisa kayo niyan baka umiyak na kayo diyan. May pangalan yan kaya wag kayong mag-agawan." Natatawang sambit ko sa kanila sabay abot ng mga pasalubong ko sa kanila.

"Wahh! Gamepad!" Mig shouted in excitement. Mukhang ngayon lang nakakita ng gamepad.

"Mukha kang tanga." Natatawang giit ko.

Ang OA naman ng mga batang to.

"May pangalan ko! Personalized to, ate?" Nakangiti akong tumango kay Dery.

Si Kier naman ay manghang-mangha rin sa personalized gamepad na pasalubong ko.

At muntik ko nang makalimutan na wala pala akong pasalubong kay Tyke. Hindi ko naman alam na may bagong tropa pala sila Kier.

Nakita ko itong nakangiti habang tinitignan sila Kier. May kinuha ako sa bag bago ko nilapitan si Tyke.

"Ahm, Tyke? Sorry kung wala akong pasalubong sayo, ngayon ko lang kasi nalaman na may bago palang barkada sila Kier." Panghihingi ko ng paumanhin kay Tyke.

"Okay lang." nakangiting sambit nito. Nakakailang ang mga titig ng batang ito.

"Naku! Hindi pwede na hindi lahat makakatanggap ng pasalubong. Okay lang ba na yung gamepad ko nalang ang ibigay ko sayo? Dalawa kasi yung pinagawa kong personalized na gamepad, sa iyo na ang isa yun nga lang may pangalan ko, okay lang ba?" nakangiting tanong ko rito. Sige lang Fiya, ngiti ka lang para hindi halata na kinakabahan ka. Bakit ba kasi ako kinakabahan sa harapan ng batang 'to?

Tumango ito at ngumiti sakin. Ako lang ba o talagang nakakaakit ang ngiti ni Tyke. Maghunos dili ka Fiya.

Inaabot ko sa kaniya ang gamepad at kinuha niya naman ito kaagad.

"Nagustuhan niyo ba?" tanong ko sa kanila.

Nakangiting tumango ang lima. Mabuti naman at nagustuhan nila pati na rin ni Tyke.

"O, nasaan na ang kiss ni ate? Last na 'to kasi mga damulag na kayo."

Nakasanayan na namin na lage nila akong e-ki-kiss sa cheeks pag may pasalubong ako sa kanila. Parang gesture ng pasasalamat, mga baby ko to e.

Naunang humalik si Kier sakin. "Salamat ate, nagustuhan ko ang pasalubong mo." Nakangiting sambit nito. Minsan lang to ganito sakin, mas madalas ang pagiging salbahe nito.

Sumunod naman si Dery. "Thank you, ate. Gagamitin ko 'to palagi."

Pangatlo si Mig. "Thank you, ate Fiya. I love you." Sweet na bata talaga tong si Mig, yun nga lang mahilig lumambitin. Nakalambitin na naman sa braso ko.

"Hoy, Mig! Umalis ka na nga, tapos ka na e." giit ni Wil habang tinutulak si Mig palayo sakin.

"I miss you, ate Fiya. Maraming salamat sa gamepad." Nakangiting sambit nito.

"Oy pareng Tyke, ikaw na!"

Para akong natuod sa kinatatayuan ko nang marinig ko yun. Nakita ko ring natigilan si Tyke pero tumayo naman ito at dahan-dahan na lumapit sakin.

"Pwede ba dito?" tanong nito habang nakaturo sa right cheek ko.

"Bakit hindi sa left cheek?" naguguluhang tanong ko pabalik. Kahit saan naman pwede kasi pareho lang naman yung cheeks pero kasi tinanong niya pa kung pwede sa right cheek, na-curious tuloy ako kung bakit hindi ayaw niya sa left cheek.

"Diyan sila humalik lahat. Samantalang dito sa kanan, ako lang." seryosong sagot nito.

"H-huh?" Nautal tuloy ako. Ano ba naman kasi pinagsasabi ng batang to?

Ngumisi ito at tsaka ako hinalikan sa pisngi. "Thank you, Fiya," bulong ni Tyke bago ito tumalikod at bumalik sa kanyang kinauupuan.

Fiya? Bakit hindi siya nag-ate? Dapat mag-ate siya sa akin. Remember the 5 years gap Fiya, wag mo yang landiin at wag kang magpapalandi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Against the Wild Gulf (Rollarata Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon