Chapter 4 - Rest Day

19 1 1
                                    

12:00pm na ng hapon ng magising si Yuri, wala naman silang pasok kaya ok lang. Tumayo sya ng bahagya at tumingin saglit sa salamin.

"Yuri!! bakit ba kasi lapitin ka ng mga lalaki? Bakit kasi pinanganak kang maganda" sabi ni Yuri sa kanyang sarili habang nakahawak sa kanyang mukha.

Tumayo na si Yuri upang mag ayos ng kanyang sarili. Bumaba narin sya para kumain. Pero nagtaka sya dahil wala ang mama nya sa bahay pero nakahanda na ang umagahan.

"Mama? Mama? Hala nasan kaya yun? sigaw ni Yuri habang hinahanap ang kanyang mama.

Maya maya ay medyo nakakarinig sya ng naguusap sa labas kaya naman hinanap nya kung saan ito nanggagaling. Nakita nya ang kanyang mama sa harap ng pintuan kasama ng kausap nya. Napansin nya na parang pamilyar sa kanya kung sino yung kausap ng mama nya.

"Si Myterious Man?" nagtatakang tanong ni Yuri sa sarili.

Kaya naman patago syang sumilip sa may pintuan. Agad naman syang napansin ni MM (short for Mysterious Man) kaya naman nagmadali agad itong umalis at sumakay sa kanyang kotse.

"Uyy MM!!!" sigaw ni Yuri habang tumatakbo palabas ng bahay.

"Sayang naman gusto ko pa naman syang kausapin" pabulong ni Yuri sa sarili.

"Ohh! Nandyan ka pala? tanong ng mama ni Yuri.

"Ma anong pinagusapan nyo? sabik na tanong ni Yuri.

"Ahh yung lalaki kanina? Wala naman kinumusta kalang nya sabi ko tulog kapa kaya naman hindi ko na sya pinapasok ng bahay" sagot naman ng mama ni Yuri.

"Yun lang? Wala nang iba?" sabay kamot sa ulo ni Yuri

"Bakit may iba pa bang sasabihin sya? medyo pataray na sabi ng kanyang mama

"Ahm wala naman hahaha" sabay tawa ng malakas.

After nilang mag usap ay pumasok na sila upang kumain ng umagahan. Then pagkatapos kumain ay nagsimula ng maglinis ng bahay ang mag ina. Sinimulan nya ang kanyang kwarto na sobrang gulo. Sa kanyang paglilinis ay may napansin syang isang kahon na para bang napaglipasan na ng panahon. Na curious ngayon si Yuri kaya naman binuksan nya ang kahon. Pagbukas nya ay nagulat sya dahil nakita nya ang mga laruan nya nung bata pa sya. Naalala nya tuloy ang kanyang kabataan. Pero mas nagulat sya ng makita nya ang isang picture ng isang lalaki. Di nya kilala kung sino yun kaya naman pinuntahan nya ang kanyang mama para itanong.

Sa may salas.

"Mama! May nakita akong litrato, sino to ? sabay pakita ng picture.

"Ahh!! yan ang papa mo nung binata pa sya, ang pogi nya no? Kaya nahulog agad ako dyan eh hahaha" sabay pahid ng luha sa mata.

"Ma bakit ka umiiyak? tanong ng ni Yuri

"ahm wala ito. Naalala ko lang ang papa mo" nakangiting sabi ng ina ni Yuri.

Si Yuri naman ay hinimas himas ang likot ng kanyang ina para mapawi ang lungkot nito. Napangiti naman agad ang kanyang ina kaya naman hinimas himas nito ang ulo ni Yuri.

"Anak salamat ha! Dahil hindi mo ko pinababayaan kahit wala ang papa mo dito" sabi ng kanyang ina.

"Ano kaba Mama. Syempre naman Mama ko kayo eh. Kahit wala si Papa nandito ako para alagaan ka" sabay halik sa pisngi ng Mama ni Yuri.

After ng kanilang paguusap ay nakaramdam sila ng gutom kaya naman bumili si Yuri ng makakain nila. Habang naglalakad si Yuri ay nakasalubong nya ang tropa ni Jhayel na sina Ceejay at Deejay.

"San kayo galing?" tanong ni Yuri sa dalawa.

"Ahm dyan lang nag miryenda, ikaw san pupunta?" tanong naman ni Ceejay.

"Dyan lang bibile lang ng makakain, nga pala nasaan si Jhayel? Bakit hindi nyo kasama? tanong naman ni Yuri.

"Nandyan sya sa tindahan may kausap. Sige alis na kami may gagawin pa kasi kami eh." sabay alis ng dalawa.

"Sige" sabay high five sa dalawa.

Habang naglalakad ay medyo natatanaw na ni Yuri si Jhayel sa daan. Natanaw nya rin ang isang babae na kausap ni Jhayel.

"Sige sige ingat ka ha" huling sinabi ni Jhayel sa babae.

"Uy! Sino yun? Ang ganda nya ah. Di mo sinasabi sakin na may GF ka na tapos kung manlandi ka sa School parang wala lang" sabay tapik sa balikad ni Jhayel.

"Ha? Anong Girlfriend? Hahaha tae ka pinsan ko yun." sagot ni Jhayel na matawa tawa.

"Sus haha. Nga pala bakit ba wala kang Girlfriend eh marami namang nagkakagusto sayo." tanong ni Yuri.

"Bakit mo naman natanong? Mag apply kaba? Hahaha" sagot naman ni Jhayel.

"Anong apply ka dyan baka gusto mo nanaman makatikim ng sapok ni darna" sabay akmang sasapukin si Jhayel.

"Nagbibiro lang naman eh haha. Alam mo Yuri kahit na maraming nagkakagusto sakin iba naman ang hanap ko sa babae. Pero nag tatry naman ako na magka relasyon pero hindi kami tumatagal kasi nga hindi ko mahanap sa kanila yung gusto ko." seryosong sabi ni Jhayel .

"Eh ano ba ang gusto mo sa isang babae? " tanong naman ni Yuri.

"Yun bang hindi masyadong MAARTE. Gusto ko SIMPLE lang. KATULAD mo" sabay ngiting nakaka-akit.

"Tumigil ka nga dyan Jhayel wag mo kong idamay sa kalokohan mo hahaha" sabay batok kay Jhayel.

"Aray!! Sakit nun ah." sabay ganti kay Yuri.

"Eh ikaw Yuri. Bakit wala kang boyfriend? Napaka ganda mo tsaka napakabait pa. tanong ni jhayel kay Yuri.

"Nako, wala pa sa isip ko ang ganyan. Mas gusto ko pang mag aral kaysa isipin ko sila" sabay tawa na parang wala nang bukas.

"Edi pwede pala akong mag APPLY?" tanong ni Jhayel.

"Jhayel wag ka na kasing umasa na magugustuhan kita. Bukod sa sobrang YABANG mo, saksakan ka pa ng KALOKOHAN." sagot naman ni Yuri.

Sa kanilang pag uusap ay naalala ni Yuri na may bibilhin pa sya kaya naman nagpaalam na sya kay Jhayel.

"Sige uwi na ko. Dyan kana." paalam ni Yuri kay Jhayel

"Sige kitakits nalang sa School" sabay kindat kay Yuri.

Umuwi na si Yuri dala dala ang kanilang miryenda. Pagdating ni Yuri ay agad ngang binuksan ang dala nyang tinapay at nagtimpla ng gatas.

"Ma! Tara kain na tayo" sigaw ni Yuri sa mama nya.

"Sige! Tapusin ko lang to!" sagot naman ng mama ni Yuri.

Maya maya pa ay lumalit na rin ang mama ni Yuri at kumain na silang dalawa. After kumain ay pumunta na si Yuri para magpahinga sa kanyang kwarto. Dinisplay ni Yuri ang picture ng kanyang Papa sa kanyang malaking salamin para sa tuwing mag sasalamin sya ay makikita nya ang kanyang Papa. Sa sobrang pagod ay humiga na si Yuri at naidlip.

To be continued ..........

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Sweet Girl Once Who Has A Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon