"Nagda - Drawing ka na naman?" Lumitaw sa tabi ko si Philip habang nagda - drawing ako sa may hagdan. Dinaw - drawing ko 'yung nasa harap naming mga puno at halaman dahil wala akong magawa. Wala pa ring masiyadong taong dumadaan dahil nagsi 6:00 AM palang."Ang aga mo Ah." Puna ko kay Philip, dahil madalas naman siyang late.
"Siyempre, nagba - bagong buhay ako e." Sagot niya. Talaga lang Ha?
"Mahilig ka pala mag - drawing 'no?" Sinulyapan ko lang siya nang magsalita siya ulit. Alam naman na yata ng lahat na mahilig ako mag - drawing dahil palaging ako ang pinanlalaban kapag may mga contest na ganiyan. Maya - maya pa ay dumating na ang iba pa naming kaklase at mga school mate kaya pumasok na rin ako sa room.
"Jei, sasama ka ba mamaya sa Birthday party ni Elena?" Tanong ni Jairus nang maka - upo ako. Nagkibit nalang ako ng balikat. Hindi naman ako mahilig sumama sa mga ganiyan. Kahit nga sa swimming hindi ako sumasama e. Ayoko sa maraming tao. Ayoko rin kapag maingay. Madali akong mairita.
"Hindi ka sure? Ano ba 'yan! Sige na, sumama ka na! KJ naman nito Oh! Pupunta kaya ang buong klase!" Sigaw pa ni Jairus. Pupunta naman pala ang buong klase bakit kailangan pa kasama ako? Hindi rin naman mapapansin kung may kulang na isa e.
"Ayoko. Nakakatamad." Sagot ko nalang para tumigil siya.
"Jeia! Punta ka ha! May sasabihin ako sa'yong importante!" Nagulat ako ng lumitaw sa harap ko si Elena.
"Ano 'yon? Bakit Hindi mo nalang sabihin ngayon?" Tanong ko saka nagtaas ng kilay.
"E, Basta dapat mamaya e!" Sigaw niya saka lumapit pa sa may tainga ko para bumulong. "Importante 'to. Ha? Please?" Nag Puppy Eyes pa siya. Tinanguan ko nalang siya. Wala rin naman siguro akong gagawin mamaya kaya okay na rin.
"Isama mo ang kuya mo Ah?" Pahabol niya pa saka tumakbo. Ha? Bakit ko isasama si Kuya? Saka hindi naman sila close e. Hindi ko rin sure kung papayag ba si kuya kung yayayain ko siyang sumama. Pero dahil Birthday naman niya. Okay na rin siguro kung yayain ko si Kuya para siya na ang mag Drive sa akin papunta at pauwi.
"Kuya dito nalang sa gilid." Sabi ko kay Kuya nang makita ang bahay na nasa picture na sinend sa akin kanina ni Elena.
"Tara na, samahan mo ako sa loob." Sabi ko at dali dali naman siyang sumunod ng hindi man lang nagda dalawang isip. Ang weird niya ha. Dati madali siyang magalit. Ayaw niya ring nauutusan.
"Jei jei! Buti naman na'ndito ka na!" Sigaw ni Elena 'pagkapasok namin.
"Hello kuya Justin." Sabi ni Elena nang makitang kasama ko si Kuya. Nakita kasi dati ni Elena si kuya sa mga picture na nasa Cellphone ko. Na Curious siya kaya sabi niya gusto niyang makilala si Kuya. Magpapatulong lang siguro 'to sa mga gawain sa School e.
"Kuya si Elena nga pala," Sabi ko dahil nakatingin lang si Kuya sa kanya.
"Ano ka ba, Hahaha. Kuya, Elle na lang. Elle." Sabi ni Elena sabay ngiti kay kuya.
"Uhm, Tara na sa loob. Nasa likod na ang mga bisita." Sabi ni Elena at nauna ng maglakad. Sumunod naman ako sa kanya. Napansin kong palingon lingon siya sa amin ni Kuya nang nakangiti. Tinignan ko naman si kuya na poker face lang.
"Wow, first time Jei ah. First time maka attend." Puna ni Philip. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Ito kasi Oh, Hindi nagi - isip. Sabi ko sa akin ipasa 'yung bola tapos pinilit mai shoot! Ayun! Palpak naman pala! Abno!" Napalingon ako sa mga lalaking nagsi sigawan at nagtatawanan. Nagkukulitan sila habang may hawak na bola at pawis na pawis. May mga towel sa balikat nila at ang iba ay nakabukas ang butones ng polo at ang iba naman ay naka T Shirt na. Mukhang naglaro sila ng Basketball. Nagkatinginan kami ng isang lalaki. Moreno ang kulay ng balat niya, matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata at bilog ang mata. Ngumisi siya sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay bago umiwas ng tingin. Feeling gwapo, Tsk.
"Hi Johan! Buti nakarating kayo! Kumusta ang Basketball?" Narinig kong tanong ni Elena sa lalaki kanina.
"Ayos na ayos naman. Laban na namin next week. Punta kayo ha?" Malaki ang ngiti ng lalaking tinawag ni Elena na 'Johan' habang nagsasalita. Halatang babaero. Napansin ko ang uniform nila. Ah. Taga Moreno. Ayoko sa mga taga Moreno. Bukod sa Warfreak at dugyot ang mga tao do'n, literal na mukha silang mga Yagit. Naalala ko pa 'yung mga taga Morenong babae na mahilig maghamon ng away sa amin. Tsk. Nakakairita. Isa pa 'yung nga lalaking halatang manyak. Mga future rapist. Ew. Nakakadiri.
"Oo naman! Sama ko bestfriend ko tsaka mga classmates namin!" Sabay siko sa'kin ni Elena.
"Hindi ako sasama." Masungit na sabi ko tsaka dumiretso na sa lalagyan ng pagkain para kumuha doon. Sayang pa sa oras, pwede ko pang gamitin 'yon sa pag - aaral o kaya magpractice nalang akong mag - drawing. Nahanap ng mata ko si kuya at nakitang kausap niya ang mga iilang kakilala niya doon kaya hinayaan ko nalang siya at kumain nalang ako.
"Hi. May naka upo ba dito?" Napa angat ako ng tingin ng mag hila ng upuan 'yung 'Johan' sa harap ko.
"May nakikita ka bang naka upo?" Tanong ko sabay subo. Dumadamoves din 'tong isang 'to e. Galawang babaero.
"Sungit naman. Haha! Hindi ka mahilig sa Basketball?" Tanong niya tsaka nilapag ang plato niya sa harap ko at kumain na rin. Feeling close naman 'tong babaerong 'to. Halatang may planong masama sa akin. Not to mention na taga Moreno pa siya! At nagpapakita siya ng motibo! Alam ko na ang nga ganyang lakaki. Gusto lang niyang makahanap ng magandang Girlfriend na maipagmamayabang sa mga kaibigan niya, Lalo na't taga Mabini pa naman din ako.
"Hindi ako mahilig sa Basketball player." Sagot ko ng diretso. Tumawa naman siya ng malakas.
"Gano'n ba. Ang malas ko naman pala kung gano'n." Sabi niya habang kumakain.
"Sino nagsabing puwede kang umupo dito?" Naiirita kong tanong.
"Sabi mo wala namang nakaupo Ah." Sabi niya.
"Oo, pero wala akong sinabing pwede kang umupo!" Sabi ko.
"Bakit naman hindi? Hindi naman sa'yo 'tong upuan na 'to." Sabi niya sabay ngisi. Lumalaban pa nga! Nakakairita!
"E, bakit hindi ka nalang kasi tumabi sa mga kaibigan mo? Ha?" Diretso kong tanong.
"Mas gusto ko dito e." Sabi niya sabay kindat. Yuck!
"Ew, Kadiri." Bulong ko pero siguradong narinig niya.
"Ang sungit naman nito. Tatanda kang maaga niyan." Joke niya pa.
"Oh, Pake mo ba?" Sabi ko pa.
"Kung sabagay, Okay lang rin. Aalagaan naman kita kahit tumanda ka pa." Sabi niya habang nakangiti. Ngumiwi lang ako. What the Hell? Anong trip ng manyak na 'to?! Naiinis ako sa kanya. Ngayon lang kami nagkakilala tapos humihirit na siya ng ganyan!
"Ayoko sa jejemon. Ew." Sabi ko.
"Tara na Johan!" Hinila siya ng mga kaibigan habang nanatili akong nakatingin sa kanya at tinitignan siya ng masama.
YOU ARE READING
Made for Me, Love In You (Daet, Camarines Norte Series #1)
RomanceJeiea Meryll A. Sanchez is a grade 11 Student in Mabini Colleges. She is an aspiring Architect and She will do everything to study in University Santo Thomas (UST) for a better career. In the first place, Her plan is to study in Manila because of be...