This time maybe I'll be bullet proof.
" Huy! Cez! Tulala ka na naman "
Hindi ko Ito kinibo at patuloy lamang tinignan ang dalawang tao na natatanaw ko mula dito sa class room nasa gilid sila ng Isang malaking puno kaya sigurado akong walang nakakakita sa dalawa.
" Teka si Cromer yan diba sino yung babae? " usisa pa ni Bea at naki tingin narin.
" Nag aaway ba sila? Omg" dagdag pa nito
Si Cromer at si Angel ay sikat na love team dito sa campus "Perfect couple" ang tawag sakanila ng ilan.. Pero nitong kailan lang ay may kumalat na chismis na nagkakalabuan na daw ang dalawa ng dahil sa pinsan ni Cromer na varsity player sa kabilang school.
" Alam mo hindi ko ma gets si angel Kung totoo man ang chismis! Kung ako yun hindi ko na pagpapalit si papa Cromer! Look! Biyaya na yan BIYAYA!" May pag pikit pikit pang lintanya nito
Tama si bea Biyaya nga ang Isang
Cromer alexis Mondein bukod sa gwapo Ito ay napaka talino din at talentado ang Alam ko pa ay galing Ito sa mayamang pamilya ng mga Doctor." kapag binitawan niya sasaluhin ko " makahulugang Saad ko na ikinatawa lamang ni Bea.
Alam nitong matagal ko nang gusto si Cromer at lagi lamang ako nitong tinatawanan dahil suntok nga naman sa buwan na makilala ako nito..
Pero hindi naman dapat ako mawalan ng pag asa Ito na yung sign na matagal kong hinihintay...
Agad akong tumayo at tumakbo palabas ng room narinig ko pang tinawag ako ni Bea..
🌸🌸🌸
Shiittt ha, ha!
Habol hininga ako nang marating ko ang puno na tinatanaw ko lamang kanina..Agad din bumagsak ang balikat ko ng marealize kong umalis na din si Cromer..
Hindi ako umabot... Pero okay lang may next time pa naman siguro..
"dito nalang muna siguro ako tatambay" bulong ko saking sarili
Dahan Dahan akong umupo sa lilim ng puno at tsaka pumikit...
Pero Agad din napamulat ng marinig ang baritonong boses
" are you really gonna sleep here?"
Nag palingon lingon ako upang hanapin ang nagsalita..
" up here"
Tumingin ako sa itaas ng puno at nakita ko si Cromer..
Agad naman itong tumalon paibaba at umupo saaking gilid.." ahm Hindi ako matutulog nag pa pahinga lang ako.." nakangiting sagot ko dito..
" hmmm "
Ilang minuto din ang lumipas ngunit
Hindi na Ito muling nag salita kaya Nilingon ko Ito..
Nakapikit na Ito at payapang natutulog.." Cromer... Cromer..." tinapik ko pa Ito ngunit hindi Ito nag mumulat..
Napangiti ako ng bahagya.. Shettt Biyaya Ito! Biyaya!
biyayang mapag mamasdan ko siya maghapon..!" Alam mo Cromer gusto kita... Alam kong hindi moko naririnig dahil tulog ka pero kahit ganon gusto kong sabihin sayong gusto kita "
Halos mabuwag ako sa pagkakaskwat ko at napaupo sa lupa ng nag mulat Ito at tignan ako sa mga mata..
" then help me...
Help me ease the pain.... "