IN BETWEEN- 05
"I know you're still up, baba ka alis tayo."
I ignore Chael's message, dapat talaga ay hindi ko na inaccept ang request nya sa ig. Hanggang dito ba naman ay nangungulit sya.
"Bilisan mo na, ang dilim dito sa baba natatakot na ko ༎ຶ‿༎ຶ" sabi nya pa at may kasama pa talagang emoji.
"I'm trying to sleep, shut up." reply ko nalang sa kanya.
"I know, kaya nga aalis tayo at magpapaantok." umiling ako saka pinatay ang cellphone ko, bahala sya sa buhay nya. Umalis sya magisa, bukas na bukas ay iboblock ko na sya.
Pumikit ako saka niyakap ang unan na nasa tabi ko, umaktong matutulog kahit alam kong magdamag lang ding bukas ang diwa ko.
"Alessandra..." napamulat ako ng may marinig na tawag, napalingon ako pero wala namang tao dito.
"Alessandra..." napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang marahang pagkatok sa pinto.
"Pusanggala." sambit ko saka tumayo para pagbukasan sya.
"You freaking freak!" pabulong kong sigaw sa kanya sa takot na baka may magising kami.
"Tara na," sabi nito sabay abot sa akin ng helmet, napakunot naman ang noo ko. Don't tell me na papasakayin nya ako sa motor.
"Do you have any idea what time is it?"
"15 minutes before 12?" naguguluhan nyang sagot habang nakatingin sa relo nya.
"Exactly! Saan naman tayo pupunta ng ganitong oras? Nasisiraan kana ba?"
"No, just trust me. May coffee shop na nagbubukas dito every 12 in the midnight." Lalo lang akong nawalan ng gana sa sinabi nya, who would open a coffee shop in the middle of the night? "I swear!" sambit pa nya.
"I have no jacket." palusot ko, totoo din naman bukod pa dito ay panjama lang ang suot ko. Bigla nalang itong napangisi saka inabot sa akin ang isang jacket na nakatago sa isang kamay nya.
"I know so I got you covered."
"You are freaking annoying." usal ko, wala na na din akong nagawa dahil mukhang wala syang balak na tantanan ako pag hindi ako sumama.
I always sneaked at our house, I also sneaked at this house on my first day here but sneaking with someone feels weird. I feel like a criminal.
"My Papa would kill you if he sees us." napangisi naman sya dahil sa sinabi ko.
"Pinamaalam kita sa Mama mo kanina." tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi nya, bakit ba ang lakas nya kay Mama?
"Nakasakay kana ba sa motor?" tumango naman ako, Cayden even taught us how to ride a motorbike. Lagi nga lang akong napapagalitan ni Mama dahil ayaw nya akong sumakay ng motor, but then, si Cayden ang taga sundo ko kapag malelate na ko sa school.
"Yeah,"
"Hawak ka sakin, baka malaglag ka." usal nya, umiling naman ako.
"Nah, I can manage." sambit ko saka humawak sa likod ng motor. Dito ako lagi humahawak kapag sumasakay ng motor, ayaw kasi magpahawak ni Cayden sa balikat dahil may kiliti daw sya.
YOU ARE READING
IN BETWEEN
AdventureWhen her unhealed scars become open again, the chaos and pain is eating her up then. When the fire within her starting to cease, and her soul being in between. How will she manage to stand up again?