March 17, 2012
"Ms. Dominique.. good posture, but dont walk too fast. Sabay dapat kayo ni John magmamartsa paharap." Ani ng aking guro.
Mainit at nakakasilaw ang tama ng sinag ng araw sa mukha ko habang sinasabihan kami ni Ma'am Anne, ang aming adviser, ng mga dapat gawin sa aming paparating na graduation. Isang linggo kaming nagkaroon ng graduation practice dito sa field ng aming eskuwelahan, ang Masley Mount High, at ngayon ay last day na. Sa Lunes na gaganapin ang aming mismong graduation.
"Yes po.." sabi ko at nilagpasan na kami ni Ma'am Anne. Inayos ko ang sleeves ng three-fourths kong kulay pula't puti at hinarangan ang tumatamang sinag ng dapithapong nagbabadyang dumating gamit ang aking kanang kamay.
"Nique, tayo na." Ani John at naglakad na kami gaya ng payo samin ni Ma'am Quianne. Gaya ng mga nakaraang praktis ay natapos ito bago pa tuluyang lumubog ang araw.
"Kumusta ang valedictorian ng Batch 2012, Ms. Dominique Faith V. Altoveros?!"
Naglalakad ako palabas ng campus ng bigla kong narinig ang hiyaw ng aking kaibigan. Paglingon ko ay nakita ko ang aming buong tropa. Napatingin sa'kin lahat ng taong naroon.
"Ivy.." sabi ko sabay ngiting umiiling habang hinihintay silang makapunta sakin, ang aking mga palad ay nakalagay sa aking mukha sa kahihiyan.
"Congrats, Nique!" bati sakin ni ate Hazel at niyakap agad ako nang makalapit sila sa akin.
"Thanks, ate Haze.." ani ko at marahan na binalik ang kanyang yakap. Sa aming lima, si ate Haze ang hindi ko pinaka-close. Magkaibigan kami pero hindi sa punto na bibitawan ko ang pagtawag ng 'ate' sa kanya,
"Di ka pa nakakagraduate, iniiwan mo na agad kami, huh? Ikaw talaga may matinding leaving tendencies sa ating lima eh!" sabi ni Dos, ka-year ni ate Hazel. Nakamaong siya at simpleng white fitted shirt na may logo ng Under Armour sa gitna.
"Hey, you were literally named after one of the few good leaving groups in Chemistry. Do not start with me, Iodos Ezekiel!" angil ko kay Dos nang nakalapit na sila sa akin.
Patuloy lang kaming naglakad at isa-isang pina-check ang aming mga bags sa guard upang makalabas na.
"Ooooh Dos! You got chem-slapped by a student from a lower level.." ani Abigail, a year older than me.
Tumawa naman si Dos at inakbayan ako. "Indeed a buzzkill, Nique! We don't need that kind of spirit right now. Plus, I'm still two years older than you! Don't spare the respect, lil girl." aniya at ginulo ang buhok ko na parang aso.
Agaw pansin ang kanyang itim na itim na buhok na animo'y binuhusan ng uling, sinabayan pa ng kanyang makapal na kilay na tumpak na tumpak sa hugis ng kanyang mukha, at ang mga mata niyang kulay-del-carmen na nawawala tuwing ibinibalandra niya ang kanyang ngiti.
Dos is that typical guy from your favorite chick-flick movies—tall, dark, and handsome.
""Your age doesn't have anything to do with my respect. Earn it, Iodos!" kunot noo kong inayos ang buhok kong ginulo niya, "And may I remind you, sa ating dalawa, ikaw ang tunay na mangiiwan!" sagot ko kay Dos sabay pabirong umirap.
"Wew, LQ ba 'to?! Feeling magjowa lang?" komento ni Ivy at humalakhak naman kaming lahat.
"Hitting on kids now, Dos?" biro ni ate Haze at tumawa muli. Medyo.. hmm..
Dos is just a 12th grader, same with ate Hazel, Abigail, an 11th grader, then there's me and Ivy, both 10th graders.
"Maybe.. maybe not, Haze." ani Dos kay ate Haze at kinindatan ako. Paasa talaga. "Uuwi na ba kayo? I'm thirsty! Tea house muna kaya?"
BINABASA MO ANG
Sa Gitna ng Pagitan
ChickLitAng eskuwelahan ang isa sa mga pangunahing lugar kung saan marami tayong matututuhan sa buhay. Mapa-Agham man o Sipnayan, hindi natin maitatanggi na ang paaralan ay labis-labis na nakapag-ambag sa ating kaalaman ukol sa samu't saring paksa. Ngunit h...