C-4 WORKMATES

4 1 0
                                    

Gray's POV

Maaga akong nagising para makapag asikaso na sa opisina bago simulan ang photoshoot ni Blake.

I knock on the Bathroom twice and she opened it.

"Do you need anything?" Sabi niya habang tinutuyo yung basa niyang buhok.

Nanuyo ang lalamunan ko habang nakatingin sa kanya.

"Tapos ka na ba?"

"Oum. Wait lang." Sabi niya saka sinara ulit ang glass door ng bathroom. Ilang saglit pa ay lumabas na siya.

Ako naman ang sunod na naligo at nagbihis. Papalabas na ako ng bahay ng makita kong pababa na siya ng hagdan.

"Sumabay ka na sa akin."

"Hindi na." Tanggi niya.

"Iisa lang naman pupuntahan natin kaya sumakay ka na sa kotse ko."

"Sus. Baka mamaya may makakita sa atin." Ah worried about her career.

"Don't worry exclusive yung lugar na pagsho-shootingan niyo."

"Wow. Yaman."

"Tss tara na baka ma-late tayo."

"Okay."

Tahimik kaming nakarating sa site.

"Nandito na pala si Mr. CEO sinundo ang ating Main Event." Sabi ng photographer.

"Hi, Miss Jilliene. Naku sobrang ganda niyo naman po. Mapapadali trabaho namin sa inyo ma'am. Kokonti lang ire-retouch sa face niyo." Sabi ng make up artist.

"Ah hehe salamat."

Umupo ako sa bangko na malapit sa editor.
"Sir, ang ganda ni Ms. Jilliene noh? Nakaka star struck." Sabi ng editor.

Kung alam niyo lang. Sanay na ako sa mukhang yan.

"Ask lang po. Girlfriend niyo po ba si Ms. Jilliene? Napansin ko po kasi kanina niyo pa siya tinititigan." Tanong ng isang staff.

"Ha? Hindi. We're just workmates." Simpleng sagot ko pero mukhang iba ang interpretasyon na dito. Ngumiti na lang ako sa kanila.

Di rin nagtagal lumabas na siya sa wardrobe. Wow.

"Okay. I'll take 5 shots straight in different pose Ms. Jilliene. Are you ready?" Tanong ng photographer.

"Ok."

Sinimulan na nila ang pag take at pinapakita naman sa akin ng editor yung mga pictures. One word.

Stunning.

"Sir, How was my pictures?" Napalingon ako sa kanya ng lumapit siya sa amin.

"Hello? Sir? Baka tumulo laway mo. Marami pa naman nakatingin." Natatawang sabi niya. Napalingon ako sa ibang naghahagikgikan.

"Ehem! It's okay. You did great." Sabi ko saka tumayo at umalis muna sa set.

"Hey, Mr. CEO." Tawag niya sa akin kaya napatigil ako.

"What?" Iritang tanong ko.

"Nagugutom na ako."

"Edi kumain ka. Magpa order ka."

"Hmp. Di ko naman saulo itong lugar dito tsaka di ako nag uutos ng basta basta." Sabi niya habang nakatingin sa malayo. Huminga ako ng malalim saka nagsalita.

RULES ARE NOT ALLOWEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon