Para sa mga Single o NBSB/NGSB diyan.. hintayin mo lang ang taong magmamahal sa iyo sa tamang panahon at tamang pagkakataon. 'Wag mong madaliin ang pag-ibig, lagi mong tandaan ang lahat ng minamadali ay madali ding mawawala. May tamang oras para sa lahat ng bagay. Kung nahanap mo naman ang pag-ibig mo dahil bored ka hindi yan true love.. para ka lang nakahanap ng kalaro mo kung ganun. Kung alam mo namang nahanap mo na siya, huwag mo ng pakawalan! Grab the opportunity. Ano yun? Papakawalan mo tapos iyak-iyak ka diyan at nanghihinayang. Talo ka! Kapag alam mong siya na ang taong 'yun. Huwag kang kabahan kung mauunahan ka ng iba, huwag kang sumuko kung alam mong wala kang laban at huwag kang matakot kung alam mong wala kang pag-asa. SUBUKAN MO, kung hindi siya 'yun o kung ayaw niya edi move on. Marami pang taong darating sa buhay mo. Umibig ka kapag handa ka na! Hindi yung mapapa-isip ka pa kung "Paano kung masasaktan ako?", "Mahal ko ba siya?", "Paano 'to?", "Paano kapag wala na kami?", "Mahal niya ba ako?". Kapag magmamahal ka dapat handa ka. Handa kang masaktan, umiyak, matuwa, ngumiti, makumpleto, mag selos, ma-surprise. Kung masasaktan ka naman dapat kayanin mo! Lahat ng nagmamahal nasasaktan, kung hindi ka nasaktan hindi ka nagmahal. Ganyan lang yan! May mga Single naman na sadyang simple lang at masaya. Maging masaya ka din kahit wala kang lovelife. Meron ka namang mga kaibigan, pamily at si God. Dapat lagi kang makuntento sa mga bagay na meron ka. 'Wag kang mainggit sa iba dahil may mga bagay na meron ka na wala sila. Kung feeling mo naman na nag-iisa ka lang sa buhay mo kahit na meron kang kaibigan at pamilya na masasandalan.. may isang tao talagang nagmamalasakit sa'yo, may pake sayo pero 'di mo lang siya napapansin. Okay?! ..... SAWI = "Single At Walang Iniintindi". Sawi ka man, smile lang lagi. :)
BUHAY SINGLE:
No lovelife No heartbreak No relationship More crushes No commitments No dates More sleep Less stress No complicated things More time for yourself Friends, Family and God
BINABASA MO ANG
Usapang pag-ibig..
RomancePara sa mga taong nagmamahal, nagmahal, nag-iisa, broken hearted, nagmo-move on, nakapag-move on, nasaktan, iniwanan, pinaasa o umasa.. ang story kong ito ay para sa inyo. Ang pag-ibig ay nagsisimula sa simpleng komunikasyon o usapan, naging araw-ar...