PROLOGUE

77 7 7
                                    

Stalking Series

Stalking The Dweeb #1

This is my first Series that i make, so please bear with me. And don't forget to comment your feedbacks.

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locations and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictional manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental...

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Please be advised that this story contains mature themes and strong language that are not suitable for very young audiences. Read at your own risk.

This is unedited. It might have typographical and grammatical errors.

Thank you sa Photocover/ bookcover: feuricia 💚

Prologue

Nakaupo ako sa aking piniling upuan habang hinihintay ang iba ko pang mga kaklase. Maaga kasi akong ginising ni mama kaya maaga rin akong pumasok sa school.

First day of school ngayon eh, kaya di daw dapat akong malate. Palagi kasi akong late pumasok sa school, kaya itatry ko naman daw ang maagang pumasok.

Di ko alam kung anong na kain ni mama at kung bat n'ya ako ginising ng alas-tres ng madaling araw. Nag-away panga sila ni papa kung bakit raw ang aga-aga akong ginising ni mama. Gusto ni papa na pabalikin ako sa pag-tulog pero di pumayag si mama at 'yun ang dahilan kung bat sila nag-away.

Nakarating ako dito sa school ng 5am, sarado pa ang gate at wala pang-katao-tao. Gusto kong bumalik sa bahay pero di ako bumalik, baka pagalitan ako ni mama. Baka bawiin pa ang baon na ibinigay n'ya sa'kin. Mabuti nalang nung pagka-5:10am dumating yung guard at binuksan yung gate.

Nagulat panga yung guard kung bat ang aga-aga ko raw na palagi naman daw akong late pumasok. Di ko nalang pinansin yung guard at pumasok nalang sa gate at hinanap yung section ko.

Tumayo ako sa upuan ko at naglakad patungo sa pinto kung saan nakadikit yung mga pangalan ng magiging mga kaklase ko.

Unang pangalan na nahagip ng mata ko ay ang pangalan ni Xylan, next is kay Lyce at ang sunod ay kay Hanna. Bahagya akong napangiti dahil magkaklase na naman kami ni Lyce.

Si Lyce lang kasi ang kaisa-isa kong bestfriend noong pag-elementary. Sa lahat ng naging kaibigan ko, siya lang ang nagtagal sakin. Yung iba kasi, di na ako pinapansin, wala naman akong ginawang mali o kasalanan sa kanila para di nila ako pansinin.

"OMG! Jani?! Is that you?"- napalingon ako sa gilid ko nung may biglang nagsalita, "OMG, ikaw nga! Teka, himala yata at napaka-aga mo. Dito ba ang room mo? Sino ang magiging kaklase mo? Nakita mo ba ang pangalan ko?"- sunod-sunod na tanong ni Lyce, imbis na sagutin tinuro ko nalang ang pangalan niya.

Tumabi naman ako para makita niya, biglang nanlaki ang mata niya ng makita niya ang pangalan niya. Napatingin agad niya sakin, "OMG! Totoo ba 'to?! Magkaklase tayo?! OMG! Pati si Xylan kaklase rin na'tin?!"- tumango-tango lang ako sa kanya.

"Teka, bat ba napaka-aga mo? Eh palagi ka namang late ah."- taka niyang tanong sakin, napataray nalang ko sa kanya at pumasok sa room sabay upo sa upuan ko. Tumabi naman siya sakin at nilapag ang bag niya bago umupo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stalking The Dweeb (Stalking Series #1)Where stories live. Discover now