Chapter 1
"Nice!" Dice said while clapping his hands after I'm done shooting some stunts. "Mas lalo ka yatang gumagaling?"
Naglakad ako papunta sa lamesa habang tinatanggal ang headphone ko at ang gloves na suot ko. Sinundan niya naman ako papunta doon.
"Wag kang mag-alala. Mas magaling ka pa rin." Nilingon ko siya pagkalagay ko ng gloves sa lamesa. Nakangiti siyang inilingan lang ako.
Hindi naman ako nakikipag-kompetensya sa kanya. Magaling talaga siya pagdating sa paghawak ng baril. He's a good shooter. Kahit malayo, kaya niyang matamaan.
Bata palang kasi siya ay tinuturuan na siya ng Daddy niya. Hindi niya naranasang maging bata dahil sa obligasyong ibinigay kaagad sa kaniya ng Daddy niya.
His family is kind of suspicious but I choose not to mind their business because after all, it's their business at labas ako doon kahit pa kamag-anak nila ako. Kasi hindi naman porket kamag anak ako, eh manghihimasok na ako. Ang akin lang, basta hindi madadamay ang pamilya namin sa kung ano mang ginagawa ng mga magulang niya.
The life that I have now as being a lawyer is dangerous.
I am meeting and interacting with a lot of criminals in this world at hindi ko na yata kaya pang problemahin ang kung ano mang ginagawa ng pamilya ni Dice.
Sa mundong ito kailangan mo maging matatag, matalino at maparaan. You also need to have a lot of connections 'cuz you can use that connection if something bad happens to you.
Magsasalita na sana ulit siya pero natigilan siya dahil sa isang tawag. Agad niya iyong sinagot habang nakatingin sa akin at nakahawak sa bewang niya ang isang kamay niya.
"Miss me?" He ask playfully. "I'm going to your condo later don't worry." Pagkatapos niyang sabihin iyon at nginisihan niya ako.
"Babae na naman." Nailing kong sabi.
"I have to go." Tumatawa siyang umalis at iniwan ako dito.
Pagkatapos ko dito sa shooting range nila Dice ay nagpunta naman ako sa gym. I just want to work out now because I'm kind of busy. Ngayon lang ako may libreng oras.
After doing my work outs umupo ako sa isang upuan habang pinagpapawisan at hinihingal na nakayuko.
"Hi, you are Attorney Esquire, right?" Hinihingal ako na nag-angat ng tingin sa babaeng nagtanong sa akin.
"Yes." I simply answered and stood up. Napatingin ako sa kamay niyang may hawak na towel at pinunas sa leeg kong puro pawis.
"I just want to ask you if you want to have breakfast with me?" She asks sweetly while smiling at me seductively. Kinuha ko ang kamay niyang gumagala sa katawan ko at saka seryoso siyang tinignan. Ibinaba ko ang kamay niya at magsasalita na sana pero napatingin ako sa likuran niya.
I saw Mav who's darkly looking at me while frowning her forehead.
Kaya naglakad ako papunta sa kanya. Hindi man lang pinansin ang babaeng kumakausap sa akin kanina.
"You are here!" Gulat na tanong ko sa kanya.
"Obviously?" She said sarcastically. "I didn't expect, I will see you with a girl again. The last time our paths crossed I saw you with a girl who's wearing a black short dress. Kailan ka mauubusan ng babae, huh?"
"I don't know her. She just suddenly approached me and talked to me. She's asking if I want to have breakfast with her. And yung babaeng nakita mo noon ay kliyente ko. May kaso siyang pinapabasa sa akin."
"Lahat ba kliyente mo ganon makadikit sayo?" Ismid niya sa akin.
"Mav naman..."
"Well, I don't care about your business anyway. You're just... kakilala." She said and walked out.
![](https://img.wattpad.com/cover/258978471-288-k126779.jpg)
BINABASA MO ANG
Inclement Season 2
Ficción GeneralLas Rozas Series #1 (Book 2) COMPLETED *PROOFREADING* Atty. Raze Gedeon Esquire, the man with principle and moral. In his life, everything and everyone around him has use and purpose. He is a ruthless and manipulative lawyer. He can manipulate someo...