ZERO

1 0 0
                                    

"Marinette Hydnn, ikaw ay nagkasala ng malaki at hindi ito mapapatawad ng ating kaharian" Malakas na sigaw ng Hari mula sa kanyang trono. Kalamado lang yung kanyang mukha pero halata sa tono nito na galit ito sa nangyayari.

Galit ito hindi dahil nagkasala ang babaeng nangangalang Marinette Hydnn kundi dahil wala siyang magawa upang pigilan ito. Wala siyang magagawa bilang ama para paalisin ang kanyang anak sa sitwasyon nito ngayon.

Nakikita ngayon sa harapan ng Hari ang isang babaeng maiksi ang haba ng buhok na kulay rosas, nagsisilbing isa siyang dugong bughaw, nakatiklop din ang kanyang pakpak na kulay Lila na may halong itim. Nakayuko lang ito habang nakatingin sa kanyang kapatid ang kanyang mga mata.

Kasalukuyang niyayakap si Emerald kanyang Kuya Ross habang walang pigil sa pagiyak nito. Mahigpit na ipinagutos ng Hari na huwag hahayaang makita ni Emerald ang pangyayaring ito, ngunit sa kasamaang palad ay narinig nito ang balitang itatapon ang kanyang kambal sa mundo ng mga tao.

Pilit na inaalis ni Emerald ang pagkakayakap ng kanyang Kuya sa kagustuhang nakalapit sa kanyang kakambal.

"Ikaw ay pinaparusahang itapon sa ibang mundo at hindi na maaaring bumalik pa sa mundo ng Hardenas." Pagpatuloy ng Hari at tumayo ito.

Si Marinette Hydnn daw ay tinangkaang patayin ang kayang ama na siya ay ang Hari at ang kanyang Kuya para mapasakanya yung trono.

Hindi ito nagwagi ng dahil nahuli ito ng isang katulong na nilagyan niya ng lason ang inumin ng hari at ng prinsipe.

Walang emosyong tumingin si Marinette sa kanyang ama, o sa hari. Yumuko ito na para bang binibigyan niya ito ng galang.

"Kahit anumang parusa ang ibibigay saakin, buong puso ko itong tatanggapin sapagkat ako'y nagkasala" Malamig na wika ng Marinette.

Pilit pa ring kumawala si Emerald sa bisig ng kanyang kuya at sa wakas ay nagtagumpay ito. Mabilis siyang lumipad papalapit sa kanyang kakambal at niyakap ito.

"Hindi! Hindi ako papayag na itapon niyo siya sa lupa. Kung iyon ay gagawin niyo sa aking kakambal, itapon niyo na rin ako sa lupa" Matapang na sabi nito habang nakayakap pa din sa kanyang kakambal.

"Em" Napatingin ito kay Marinette habang tumutulo paring umaagos ang luha nito. "Magtiwala ka sakin" Mahinang bulong nito na nakapagpatulala sakanya.

Hindi na niya namalayang nakalapit na sakanya ang mga kawal at hinatak siya papalayo.

"Pangako, magiging maayos din ang lahat" Huli niyang narinig bago ito nawalan ng malay.

Hindi nakatingin ang kuya Nina Marinette at Emerald sa kanilang dalawa. Hindi niya man gusto ang nangyayari sa kanyang kapatid ngunit wala na siyang magagawa pa. Ang ginawa nang kanyang kapatid ay isang malaking kasalanan para sa kanilang kaharian.

Si Marinette ay nakatingin lamang sa kanyang kakambal habang siya ay hinahatak ng mga kawal papunta sa lagusan.

Sa pagkakataong ito, nahagip ng mga Mata ni Marinette ang taong may kapakanan ng lahat ng ito. Nakatakip yung mga kamay nito sa kanyang bibig pero halata parin na ito ay nasasayahan sa nangyayari.

Bago pa tuluyang makapasok sa lagusan si Marinette ay ngumisi ito sakanya at bumitaw ng mga salitang sila lamang dalawa ang makakaintindi.

'I'll hunt you to the ends on time'

+++

This is inspired by Mariposa and Genshin Impact. Sana magustuhan niyo po ito..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LevionWhere stories live. Discover now