"Lansing". Kumain kana ba? Nakangiting salubong ko sa anak kong anim na taong gulang.
"Hindi pa po mama sabi ni ate ann wag daw po akong kumain nang marami kasi masisira na daw po yung timbangan dito sa center". Nakatawang sagot nito. Namumutok na nga ang pisngi nito sa katabaan at medyo malaki nga ito para sa edad nya.
"Halika may dala akong ubas nagka pera ako sa pagpipinta kanina madami akong nabili". Pinakita ko sa kanya ang dala kong prutas mabilis niya yung kinuha at pinagsaluhan naming dalawa.
"Mama kailan ba po tayo magkakasamang dalawa? Di kapa ba magaling?". Ngumunguya nitong tanong.
"Hindi ko alam anak hindi pa ako magaling wala pa akong naaalala sa nakaraan ko at medyo umaatake din ang panic attack ko sa gabi sabi ni doktora elise sign daw yun na makakaalala na ako". Mahaba kong paliwanag sa kanya.
"Sabi po nung kalaro kong si alex aampunin na siya nung mag asawang pumunta po dito kanina kaya nalulungkot po akong mag isa sa kwarto namin". Nakatungong saad nito
Anim sila dati sa isang kwarto pero dahil kinaawaan ng diyos ang mga batang yun ay may tinuturing na silang pamilya ngayon at kasama na din pala yung nag iisang kasama ni lance sa kwarto niya.
"Hayaan mo anak magpapagaling na si mama para magkasama na tayo".
Pang aalo sa kanya"Pangako mo po yan ma ha." Tinaas pa nito ang kanyang kamay na parang nanunumpa."Magpromise ka po ma dali". Pangungulit pa nito sa akin.
"Opo sir" natatawa kong tugon sa kanya.
"Lala Oras na nang balik natin halika kana may emergency kasi sa bahay kaya maiksi lang ang oras niyo ngayong mag ina". Malungkot na paliwanag ni nurse mika sa kanila.
Naluluha na lumingon ako sa anak ko nakangiti naman siyang humarap sa akin at parang matandang nagbibilin.
"Makikinig ka kay nurse mika mama ha tapos kay doktora elise para po gumaling kana at magkatabi na po tayong matutulog dalawa" naiiyak na din na bilin nito sa kanya.
Yumakap ako nang mahigpit at hinalikan ko ang pisngi niya na. Ganito kami lagi pag nagpapaalam sa isa't isa. Nasa pangangalaga kasi ang anak ko ng DSWD. Nakakalungkot pero dahil wala akong kakayanang pinansyal at may sakit pa ako hindi ko matugunan ang pagiging isang magulang sa anak ko.
"Opo mahal ko dadalhan kita uli ng ubas". Pang aalo ko sa kanya at tuluyan nang umalis kasama si nurse mika.
Dalawang kanto mula sa DSWD ay ang isang Mental Institution na tinutuluyan niya. Nasa regular na kwarto na siya kasama ang mga ibang pasyente na nagrerecover o naka schedule nalang ang session sa resident Psychiatrist nila dito sa institution na walang matutuluyan katulad niya.
"Hi Lala kumusta na ang anak mo sa center?". Nakangiting bati ni nurse lemuel sa kanya.
Isang kiming ngiti lang ang sinagot ko sa kanya hindi ako komportable sa mga nurse na lalaki o kahit sinong lalaki na lumalapit sa akin.
Napakamot na lang sa batok niya ang nurse at tinukso nang mga kasamang nurse na naroon. " Sakit di pinansin ni crush" nakatawang sabi ng isang nurse doon.
Di ko na sila pinansin at naghanda na para sa session ko kay doktora elise.
Susunduin nalang ako ng assistant nito dito. Maya maya nga dumating ang si nurse grace na assistant nito.
Dinala ako sa opisina ni doktora pagdating namin doon may iba pa siyang kasama sa kwarto isang lalaki at isang babae.Mabilis akong nilapitan ni doktora
"Lala nakikilala mo ba sila?". Banayad na tanong ni doktora sa kanya.Bahagya kong tiningnan ang babae may luha sa mata nito pero bago pa ako makapag salita ay isang pares ng mainit braso ang yumakap na sa akin dumadaloy ang luha sa mga mata nito. Bahagya kong tinitigan ang mukha nito parang naaalala ko ito pero napaka labo. Kaya bahagya ko siyang itinulak na kina gulat niya.
"Hindi ko sila kilala". Tugon ko sa doktora malungkot na nakatingin ang babae sa akin.
"Lala matagal kana nilang hinahanap mga kaibigan mo sila". Pagpapaliwag ng doktora sa kanya.
"Hindi niya ako kaibigan ASAWA niya ako!". May galit na sigaw ng lalaki kay doktora na nagpalingon sa akin sa kanya. " You're Dasha Azalea Moreno-Saldivar my wife". May bahid ng pighati na saad nito.
"Mister Saldivar napag usapan na natin ito hindi dapat natin siya binibigla ng mga impormasyon". Mahabang paliwanag ni doktora dito.
Bigla nalang akong nanlamig at lumalakas ang kaba sa aking dibdib kinakapos ako ng paghinga. PANIC ATTACK. bigla nalang nandilim ang aking paningin bago pa ako mabuwal sa pagkakatayo nasalo na ako ng lalaki.
"You're now Home MyLove". Banayad na bulong nito sa akin bago ako ginupo ng dilim.
****
zalier21PLAGIARISM IS A CRIME🙃
BINABASA MO ANG
Love me
General FictionGusto niya lang maranasan na mahalin dahil sa mismong kinikilalang pamilya niya ay pinagdamot yun sa kanya. James Lance Saldivar her childhood friend is the only one made her feel loved pero iniwanan din siya nangakong babalikan siya pero hanggang k...