Ulan

29 0 0
                                    

"Oyy, Claire! Una na ko. Umuulan." Turo ko sa labasan.

Sumulyap siya doon at tumango bagaman abala pa sa kausap.

"Sige. Eh pano yan isa lang payong ko?" tanong niya.

Saglit akong nadismaya. Wala din akong dala. Dapat pala nag-check ako ng forecast.

"Ayos lang. Mauna na ko." Sabi ko at kaagad ng lumabas.

Nagmamadali ako palabas ng building. Kailangan ko pang sunduin ang mga kapatid ko.

Sumisilong ako sa bawat madadaanan dahil hindi ko kayang suuingin ang lakas ng ulan.

May bagyo ba? Ba't ang lakas ng ulan?

Naghanap ako ng pwedeng ma samahan sa kanilang payong kahit hanggang sa waiting shed lang sa labasan. Ngunit wala akong nakita. Puros may mga kasama kung hindi kaibigan, boypren naman nila.

Hindi ko tuloy maiwasang tanungin na kung may jowa ba ako ngayon, may maghahatid din ba sa akin papunta sa waiting shed?

Nah! Baka nga hindi non umulan.

Iniling-iling ko ang ulo matapos humugot ng hininga at muli na sanang tatahakin ang ulan ng walang may maramdaman ni kahit isang patak.

Napatingala ako sa patak ng ulan. Kitang-kita iyong pumapatak ngunit hindi tumatama sa akin. Because I was protected by an umbrella. Lumipat ang tingin ko sa may hawak nito.

"Hatid na kita. San ka?" suwabe niyang tanong at nagawa pang ngumiti sa akin.

In other days I would decline his offer but not now na sobrang lakas ng buhos ng ulan. Bukod sa gwapo siya, once in a blue moon lang din to.

"S-sa waiting s-shed lang." Halos hindi ko pa maitawid ang salita ko.

He nodded.

"Let's go then." He said.

Tumango ako at sumabay sa kanya.

Alam kong mukha akong easy to get pero ganito talaga kapag nagmamadali.

Napairap pa ako sa naisip.

"Salamat." Huminto kami sa waiting shed at tumango naman siya sakin.

Naupo ako don at nag-aantay ng bus. Nakatayo lang din siya sa gilid at mukhang wala pang balak na umalis.

Bakit kaya? May payong naman siya?

Muntik ko nang maibuka ang bibig ko para tanungin siya ngunit nahinto agad ng pumarada ang isang sasakyan sa harap.

Tinawag siya ng kasama.

"Bilisan mo ang lakas ng ulan!" tawag sa kanya ng kasama.

Lumakad na siya palapit sa sasakyan ng bigla siyang lumingon sa akin. Nanlaki pa tuloy ang mata ko sa gulat dahil sa biglaang paglingon niya.

"Sumakay ka na." Sabi niya.

Nilingon ko pa ang paligid dahil baka mamaya may iba siyang kausap pero wala dahil ako lang ang nakaupo.

Tiningnan niya ang ulan. "Masyadong malakas ang ulan at baka gabihin ka din." Sabi niya.

Umiling ako bagaman nalilito parin.

"D-di na." Tanggi ko.

"C'mon. It's okay." Aniya.

Nalilito akong tiningnan ng kasama niya ngunit umiling na lang din na parang sanay na sanay na ito.

"Wag na." Pamimilit ko.

He smiled.

"Please. I insist." Aniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UlanWhere stories live. Discover now