“Senyora, mag-gagabi na po. Bawal na ho kayo diyan sa terasa.”
Bumuntong hininga ako at panandaliang inilihis ang paningin sa papalubog na araw upang tingnan ang katimbang ko sa bahay na ito.
Matipid akong ngumiti sa kanya.
“Ayos lang,Marydith. Tulog na ba ang anak mo?” tanong ko.
“Kakatulog nga lang ho. Maraming salamat po uli sa pagpayag na tumira dito ang anak ko.” Matamis siyang ngumiti bagamat kumikislap ang mata sa nagbabadyang mga luha.
“Ayos lang, mabuti nang ganoon at magkatao din ang bahay.” Ngumiti ako.
Muli siyang nagpasalamat bago tumungo sa kusina para magluto.
Muli kong ibinalik ang mata sa nawawalang bakas ng liwanag sa kalangitan at muling nalunod sa mga alaala ng kahapon.
“Rosetta!!!!!” halos mapatakip ako sa buong mukha ng marining ang sigaw na iyon ng kaibigan.
Bukod sa nakaagaw atensyon iyon sa lahat ng tao ay hindi ako kailangan man naging pabor sa pangalan ko.
Masyadong old-school at mabuti lang sana kung gandahan naman ng iba sa pag-pronounce e kaso ang papangit at babaduy pa ng mga dila minsan.
Puro kamustahan lang naman at tsismis ang naging ganap nang maabutan ako ni Sally.
Unang araw ng klase sa panibagong eskwelahan. Si Sally lang ang tanging kakilala ko rito kaya naman naging kampante din sila mama na hindi ako gaanong mababagot sa pag-aaral sa probinsya.
Dating magkaklase kami ni Sally sa Maynila ngunit napaaga siyang mag-transfer dahil lumipat nadin dito ang mga magulang niya para pangalagaan ang tubohan at manggahan nila. Gayunpaman, hindi ako nalungkot dahil alam kong kailangan ko ding mag-aral dito pansamantala upang samahan si mama sa pag-aalaga sa lola ko habang nagtatrabaho naman si papa para mapag-aral kami ni ate.
Ganoon lang ang ikot ng buhay ko, hindi gaanong mayaman sila mama ngunit sapat na upang mapag-aral kami, at kahit pa may sinasabi sa buhay si lola hindi din dumedepende si mama.
“Hindi ka mababagot dito, Rose. Palakaibigan naman sila at masaya kausap.” Patuloy sa pagkwento ni Sally habang tinatahak namin ang daan papunta sa classroom ng grade 10 at nasa section 1 kami.
Napatunayan ko nga ang sinabi niya ng malayo palang ay dinig na ang kwentuhan at tawan sa silid-aralan. Bumilis ang tibok ng puso ko at medyo nakaramdam ng hiya ngunit agad ding winala iyon sa sistema.
“Wag kang kabahan! Ganyan din ako nong first day pero mababait sila!” pang-e-emcourage pa ni Sally bago kami tuluyang pumasok.
Gaya ng inaasahan ay magulo at maingay ang lahat. Pawang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan at nagtatawanan. Iginala ko ang paningin ngunit hindi paman nalibot ang lahat ay huminto na ako sa isang tanawin.
YOU ARE READING
Takipsilim
Teen FictionOne-shot story Pinalis ko ang luha sa mga mata.Tuluyan nang nawala ang araw pero hindi ang mga alaala ko sa kanya. Hindi ko nalimutan ang bawat hibla nang memoryang iyon. Maging ang takipsilim na lubos pumanglaw sa akin. ________________________ Pho...