Chapter 15

16 1 0
                                    

The Plan

"Books over boys, huh." Aniya. "I kinda like your motto."

My heartbeat is so fast and loud, I feel like my heart's gonna get out from my chest. And I'm amazingly sweating all over. Crap!

Minutes have passed but I still can't get over, I'm still looking at his face, shocked.

"A-ano.. bakit.. ka n-nandito?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya. I'm actually amazed that I managed to say a word.

Kung hindi pa man ako tuluyang nawawala sa sarili, naaalala kong sinabi niya kanina na alam niyang sinusundan ko siya. So what the heck am I supposed to do now? Shit.

He's staring at my face, I can't describe his emotions. Hindi siya nakangiti pero hindi rin blangko ang ekspresyon niya.

Nang tumagal pa ang titig niya ay nailang na 'ko kaya dali-dali akong tumalikod. I'm pale, imbes na mamula sa nangyari ay parang nawalan ako ng dugo.

"May kailangan ka?" Hindi ako nautal!

"You're following me, right?" Aniya.

Shit. Crap. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? PERO! Pero.. cinoconfirm pa lang naman niya.

"Hindi." Tanggi ko sabay iling, kumalma na rin ako kahit papaano.

"Really.." Halatang hindi siya convinced!

"Hindi nga kita kilala, eh." Masungit na tugon ko. Best actress award na ngayon ang makukuha ko.

"Nagkakilala na tayo sa Violet Sea noong Sunday, 'di ba?" Tanong niya. But he sounded like he doesn't need my response at all!

"That's not enough to say na kilala na kita. Pangalan mo lang ang alam ko, hindi pa buo at kasama ang apilyido, baka wrong spelling pa." Super-duper bilib na 'ko sa sarili ko dahil hindi ako nautal! Nagawa ko rin na magsabi ng matitinong bagay! Pero bakit sinungitan ko siya? Bakit?! Self naman, makisama ka muna. Baka wala nang ganito sa susunod!

Ngumiti siya ng tipid. "Ilang information ba ang kailangan para i-consider mo akong kakilala mo? I'm ready to give it."

"H-huh?" Nawala bigla 'yong chill ko! Ano ba naman 'yan?! Bakit ganiyan mga sinasabi niya? Walang sense pero nakaka-fall!

"So?"

"Hindi naman na k-kailangan—I mean, hindi naman required na kilala kita." Sabi ko at tumalikod na, kunwari naghahanap ng libro.

Awkward! Napapikit ako sa inis.

Ano ba ang pinagsasasabi ko? Inaalok niya ako ng info niya! Bakit ko tinanggihan? Bakit?!

I heard him chuckling kaya liningon ko siya at nagtatanong na tinignan. He's looking at the book that I was reading earlier.

Bigla namang pumasok sa isip ko kung anong klaseng libro 'yon. Kinagat ko ang ibabang labi at binalik sa shelf ang libro, hindi pa rin siya umaalis. Naglalakad na ako papalayo habang kunwaring naghahanap ng libro. Nang hindi ko na matiis ang paninitig niya ay hinarap ko siyang muli.

"May kailangan ka?"

"Let's get to know each other."

Nagulat ako! He's so full of surprises, alright. "B-bakit?"

Ngumiti lang siya at naglakad na papalabas ng library. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya nakita.

Nanggigigil na kinagat ko ang ibabang labi ko. Kingina lang. Pagkatapos ng binitawan niyang salita ay basta lang siya mawawala! Hindi ko maintindihan! Ang hirap niyang basahin!

song of the starsWhere stories live. Discover now