January

29 1 0
                                    

Bagong taon. Bagong buhay.

--

01/XX/XX

“Jan. Jan!" Tawag sakin ng isang pamilyar na boses. Nabuhay ang dugo ko, bigla akong kinabahan. Siya si Ary. Lumingon ako at hindi ako nagkamali, siya nga iyon.

“Oh, Ary, bakit? May problema ba?" Hinihingal siyang tumatakbo palapit sakin. Haggard siya ng konti, halatang pagod-- pero hindi parin nawala yung ganda niya.

“Jan."  Tawag niya ulit sa pangalan ko noong makalapit siya sakin.

Nasa garden ako ng school namin at ako lang ang tao dito. Minsan lang ito pinupuntahan ng mga estudyante pag may group project. Ako, andito lang ako para magrelax. Vacant naman eh, kaya ok lang.

“Ano?" Kunyare na iritado ako sa kanya. Trip lang, gusto ko magpalambing, haha!

“Ay, galit agad? Sorry na huh, sorry, gwapo ka naman." Ewan. Napa-iwas lang ako ng tingin. Feeling ko mapula mukha ko ngayon, hays. Parang bading. “May ikwekwento lang ako sayo!" At pagkasabi niya nun, kuminang ang mga mata niya.

Tungkol siguro kay Yuan itong ikwekwento niya sakin. Crush niya. May aaminin ako, best friends kami since Grade 1. Lagi kami magkaklase. At mula Grade 1, gusto ko na siya. Mahirap dahil best friend lang ako, wala akong karapatan na paki-elaman kung sino mamahalin niya. Mahirap dahil best friend lang ako, at hanggang best friend lang talaga kami.

“Oh, ano?" Iritado kong tanong. This time, totoo na. Walang halong pagpapanggap.

“Ayy! Teka! Wag kang excited! Ikwekwento ko naman eh!" Kilig na kilig na sabi niya, kumikinang ang mata, nagpapapadyak, pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay at namumula ang mukha.

Ako pa ang excited? Face palm, literally. Sumasakit ulo ko. Idagdag pa ang selos na nararamdaman ko. Swerte ng takteng Yuan na yun. Pangit kaya nun, parang aso na naligo sa putikan na may tae ng kalabaw at puno ng garapata ang hayop na yun. De, joke. Malamang artistahin yung mokong na yun. Aaminin ko, mas lamang siya sakin ng labing-siyam na paligo lang naman.

“Ge. Una na ako." Akmang tatayo na ako mula sa bench ng garden at aalis na pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang braso ko at ini-upo niya ulit ako. Umupo siya sa tabi ko.

“Wait lang! Eto naman nabore na agad, di ko pa nakwekwento." Akmang tatayo na ulit ako pero pinigilan niya ulit ako.

“Jan." Seryosong tawag niya sa pangalan ko. “Nagconfess na ako sa kanya." Napatingin ako sa kanya mula sa pagtingin ko sa paligid ng hardin.

“A-Anong sabi?" Nauutal kong tanong. Suddenly I came very interested. Lovelife ko ang nakasalalay dito, hay.

Matagal na din daw niya akong gusto." At dahil dun sa mga salitang sinabi niya, unti unti akong nawawalan ng lakas. “Hindi lang daw siya sigurado sa feelings niya kaya hindi siya nagconfess agad sakin." Tumigil siya ng ilang segundo. “Isa pa. Kami na, kami na, agad-agad best friend! Kami na. Di ko na siya pakakawalan pa. Siya na, alam ko yun. Siya na talaga!" Masaya niyang sabi.

And that words-broke me.

“A-Ah. Congratulations. Saya mo siguro ngayon no?" Konti na lang bibigay na ako.

“Oo naman! Kaya ikaw best friend humanap ka na ng mamahalin mo dahil hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Sobrang saya. Sobra, best friend."

“Ah. G-Ganun ba yun? Sige. Hahanap ako. Para sumaya din ako. Mas masaya pa sa nararamdaman mo ngayon. Haha!" Nagawa ko pang tumawa, kahit hindi naman masaya. Umiwas ako ng tingin. Tutulo na eh. Di ko na kaya.

“Oy. Best friend, ok ka lang ba? Bakit ka naiyak?" Nag-aalala niyang tanong.

“Tears of joy, Ary. Congratulations sa inyo ah. Dalaga ka na talaga. Nakakaproud. Haha!" Fake laugh. Diyan ako magaling eh, ang magpanggap.

“Haha! Basta. Salamat, best friend ha? Dahil di mo ako pinigilan sa kung ano ang gusto ko."

“Syempre mahal kaya kita."

“Mahal din kita." Tumigil siya ng ilang segundo. “Best friend kita eh!"

Pero ako, higit pa sa best friend turing ko sayo.

Pag mahal mo talaga, ibibigay mo ang lahat sa kanya, kahit kaligayahan mo pa.

January naman ngayon. Siguro time na para mag move on?

--

Bagong taon. Bagong buhay.

Lahat nangyayari ng may dahilan.

Malay mo may taong nakalaan na talaga sayo. Maghintay ka lang. Darating din tayo diyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JanuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon