Chapter 8

328 33 14
                                    

Chapter 8

Pagod akong umupo sa sofa ko saka sinapo ang noo ko. Shit! Nasabi ko. Tangina hindi ko napigilan yung galit ko kay Javier.

Kunuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko para tawagan si Ate Cha.

"Hello?"

"Ate..." pabuntong hininga kong sabi.

"Oh Raze. Bakit ka napatawag?"

"I'm sorry."

"Sorry? Bakit?" Takang tanong niya sa akin.

"I saw Javier here in my building then... because of the rage that I am feeling when I see him..." bumuntong hininga ako saka nagsalita ulit.

"Anong ginawa mo?" Nag-aalalang tanong niya.

"N-Nasabi ko yung tungkol sa anak niyo noong pinagsasalitaan ko siya." Kinakabahang sambit ko. Hindi siya nakapagsaita kaya mas kinabahan ako. "I'm sorry. Hindi ko napagilan yung sarili ko sa kaniya kaya hindi ko namalayang nasabi ko pala."

"Okay lang Raze." Pabuntong hiningang sabi niya. "Sinabi mo ba kung saan ang condo ko?" Tanong niya. Saktong pagkatapos niyang tanungin iyon ay may napatingin ako sa pinto ko dahil may narinig akong katok doon ng sunod-sunod pagkatapos ay nagdodoorbell pa.

"Hindi alam ni Javier kung nasaan ang condo mo?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Tumayo ako para silipin sa hole kung sino ang kumakatok.

"Hindi... ano kasi si Renzo doon tumutuloy lagi noon kapag ayaw umuwi sa bahay. Hindi ko na nasani sayo dahil ayaw ni Renzo ipasabi sayo. Si Aries, Eros at ikaw lang kasi ang nakakaalam ng tungkol samin ni Javier at... kayong tatlo lang din nila Aries ang nakakaalam ng tungkol sa anak namin."

"Alam nila Aries?"

"Oo. Actually sila yung nakasama ko at dumamay sa akin noong nagluluksa ako sa baby ko." Malungkot na sagot niya.

"I'm sorry..." malungkot na sabi ko.

"Okay lang yon... Teka sino ba yung katok ng katok sa pinto mo? Pagbuksan mo kaya?"

Sinilip ko ang hole at nakita ko sila Javier, Maverick, Aiden and Kendrick doon. Pinipigilan nila Maverick si Javier sa kakakatok ng pinto ko.

"Javier tama na." Rinig kong sabi ni Maverick.

"Raze, please tell me where she is." Pagmamakaawa niya.

"It's Javier, Ate." Sagot ko sa tanong ni Ate.

"J-Javier?" Nanginginig ang boses a wika niya. "B-Bakit siya nandyan?"

"Tinatanong kung nasan ka daw. Gusto ka yata makausap. Kakausapin mo ba?"

"No... I don't want to talk to him." Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Hindi pa ako handang pag-usapan namin yung tungkol sa anak namin."

"Okay... Hindi ko sasabihin sa kaniya kung nasaan ang condo mo pero kung ayaw mo talaga siya makausap muna umuwi ka nalang muna sa bahay ng Papa mo."

"Uuwi ako kila Papa bukas. Ayoko din naman istorbuhin si Renzo. Alam kong nag-aalala din siya hindi niya lang pinapakita sakin. Ayokong puro ako ang isipin niya habang nagrereview. He needs to pass the board exams."

"Okay. Bubuksan ko na yung pinto. Kanina pa siya nagwawala sa labas. Tsk papatayin ko na."

"Sige."

Pagkatapos ng tawag, saka ko binuksan ang pinto ko. Tumanbad sa akin si Javier na naiiyak at sila Maverick na pinipigilan si Javier na nagwawala dito sa labas ng condo ko.

"Where is she? Anong sinasabi mong anak namin? May anak kami?" Hindi makapaniwalang sunod-sunod na tanong niya.

"She don't want to talk to you. Hindi pa daw siya handang nakausap ka tungkol sa anak niyo." Malamig na sabi ko.

Inclement Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon