"Are you sure this would work?"
"Oo nga. "
"Sigurado ka diyan?"
"Pang labing-isang tanong mo na yan ah. Oo sabi."
Huminga ng malalim si Narsh. Currently nagtatago sila ni Sharen sa may isang corner para hintayin si Alice. Puno siya ng kaba at namamawis ang kanyang mga kamay.
"Wag na kaya natin ito ituloy."
"Ngayon ka pa ba aatras? Pinaraktis na natin to. Don't be a chicken, bro." sabi ni Sharen, nakataas ang kilay.
Isa pang buntong hininga, nakita na nila si Alice na parating. 'Shemay, andyan na siya.'
"Andyan na siya, Narsh." Tinulak na siya ni Sharen. Muling huminga siya ng malalim at umarteng nagmamadali. Naiwan naman si Sharen sa pwesto habang sinisilip siya.
'Kaya ko to, kaya ko to.' he chanted repeatedly. Ngunit ng malapit na siya kay Alice, kemalas-malasan nga namang nadapa siya.
Nakita siya ni Alice at Sharen na nadapa, tumama at dumugo ang ilong. 'Sobra tong nakakahiya. Captain pa naman ako ng soccer team. ' sabi ni Narsh sa sarili. Si Sharen naman ay kunwaring ihahampas ang ulo sa pader.
"Uy, ayos ka lang?"
"Ah. Oo." sabi Narsh sa nagtanong sa kanya. Nang tiningnan niya yung mukha nito, si Alice pala. Natameme tuloy siya.
"Yung ilong mo dumudugo." sabi ni Alice na puno ng pag-alala.
He was so flustered when Alice checked his nose kaya hindi siya makasalita.
"Halika, dalin kita sa clinic," tumango lang si Narsh at inakay na siya ni Alice papuntang clinic.
--------------
Nakaupo ngayon sa clinic bed si Narsh. May nakasuksok na tissue sa ilong niya. Hinihintay niya si Alice dahil kinausap pa nito yung nurse.
Biglang bumukas ang bintana ng clinic at sumilip mula duon si Sharen, "Ayos ka na?"
Narsh gave a quick glare at her then sighed, "The plan did not work, Sharen. Napahiya lang ako sa harap nila."
"Hmmm..." nagpalumbaba si Sharen at lumutang papasok ng clinic. Walang tao sa kwarto kaya walang nakakita na lumulutang-lutang siya maliban kay Narsh.
"Yan lang ba irereply mo sa akin?"
"I don't really know what to say. But I think the plan did work." Sharen shrugged with a wry smile.
"Worked? Hindi mo ba kanina nakita yung epic failness ko. Shemay. Ang layo nun sa prinaktis natin kagabi ah." Narsh crossed his arms at nagpout. "Nabali pa ata tong ilong ko."
Tumawa lang si Sharen.
"What are you laughing for?"
"Haha...haha. What is the main objective of Step 1, aber?" Sharen asked with a grin.
"To introduce myself." he answered.
"Nuh-uh. It is to make an entrance with an impact then introduce yourself." sabi ni Sharen as she floats around the room. "And hey, it ain't my fault na nadapa ka. Hahahaha."
Nakarinig sila ng kaluskos kaya nagtago agad si Sharen, pumasok na rin si Alice.
"Uy, sino kausap mo?" tanong ni Alice dahil wala siyang nakitang tao. Pinakita ni Narsh ang cellphone niya. Medyo muntikan pa niyang mabitawan dahil napuno na naman siya ng kaba.
"Nga pala, Narsh pangalan mo di ba?"
"Ahh. Oo, ako si Narsh. Ikaw, si Alice right?"
The girl smiled which caused Narsh to blush slightly. Sharen, on the other hand, frowned upon sighting it. She did not know why.
"Magkaklase tayo sa ilang subjects pero ngayon pa lang kita nakausap. Hahaha. Okay ka na ba?" Alice smiled sweetly.
"Yup. Thank you sa pagtulong mo. Sorry at naabala pa kita. " Narsh said, with his heart pounding loudly in his chest. 'Shet, kinakausap ko na siya.'
"Nako, it's alright. Hindi naman kita pwedeng titigan lang kanina habang nagdudugo yung ilong mo. Besides, wala naman daw yung professor so hindi naman tayo naabsent. Tinext ako nung isa nating classmate" She waved her hands as assurrance, "By the way, sabi hindi daw nabali yung ilong mo."
"Yup. Thank God. Thanks to you. You were a great nurse." Narsh told her, nagblush tuloy si Alice ng kaunti. Nakarinig sila ng kaluskos (mula sa pinagtataguan ni Sharen) pero di nila pinansin. "Sorry talaga ah. Muntikan ka na tuloy magcutting. "
"It is really fine." She said once more then took her bag which is sitting on a chair. She looked at her watched the said, "Hey, I think I gotta go. I have a Bio17 class na."
"Uhmm...sige. Thank you talaga ah. Babawi ako sa yo. Promise."
"Kanina ka pa nagtha-thank you ah. Hahaha. I'll be waiting. Bye," then Alice finally left the clinic leaving Narsh with a dreamy expression.
Napahiga na lang si Narsh sa hospital bed, may nakatatak na ngiti sa mukha. Lumitaw uli si Sharen at sumilip sa may pintuan para icheck na wala na talaga si Alice.
"You look happy."
"Sharrr, kinausap niya ako. Sharrrr!" umupo na si Narsh sa higaan at kilig na kilig.
"Grabe naman, parang ikaw yung babae sa inyong dalawa ah. Kilig na kilig ka." Sharen said with her hands on her hips.
"You are a blessing talaga Shar. I'm glad you are here with me." napayakap si Narsh kay Sharen dahil sa tuwa.
"Sabi ko sa yo, it will work eh. Step 1 of ANGPaMaJa completed!" she said enthusiastically but deep in her heart, something troubled her. She had no idea what but she felt hollowness inside her stomach.
Bumitaw na sila sa pagkakayakap yet the heat of Narsh's hug lingered on Sharen. She looked into her hands before looking back to his eyes.
"Ano? Balik na tayo?" pag-aaya ni Narsh.
"Tara."
They left the infirmary.
-----------
Lunch time na. Ngayon nandito ako mag-isa sa canteen dahil may klase pa si Narsh. Hindi ko naman makita si Abe. Nakaupo lang ako dito sa isa sa mga table. Kakaunti lang ang mga tao.
"Ang boring pala ng ganito." bulong ko sa sarili ko. Napansin kong may umupo sa table ko. Isang lalake; he looks familiar.
"Bakit ka mag-isa?"
I don't really know what to answer so I shrugged my shoulders.
"Have we met before?" I asked him.
"Probably." He smiled at me. Medyo cute siya. "The name's Jal, by the way."
"Sharen." I replied then I realized who this Jal was.
Si Jal ay isa sa mga anghel.
BINABASA MO ANG
The Butterfly Effect
RomanceBinigyan Niya si Sharen ng isang "Miracle". Paano niya to gagamitin? Would she help her friend get the love of his life or enjoy her remaining time.