Chapter 9 “Third Person”
Hanggang makauwi si Ryu ay patuloy niya parin iniisip ang mga sinabi sa kanya ni Missy, sa totoo lang ay ayaw niya talagang maniwala kay Missy ngunit nung tinignan niya si Missy ay kitang-kita niya dito na nagsasabi ito ng totoo. Wala naman dahilan si Missy para magsinungaling sa kaniya.
Pagkabukas niya ng pinto ng kanilang bahay ay nakita niya si Kiko na nakaupo sa sofa.
“Oh Kiko anong ginagawa mo dito? Gabi na” Malatang sabi ni Ryu na agad naman napansin ng kanyang kaibigan.
“Oh bakit parang latang-lata ka? Saan ba kayo galing ni Jessica kanina?” Tanong ni Kiko, nagulat na lamang siya ng biglang maluha si Ryu. Hindi niya inaasahan na makikita niya sa ganoong sitwasyon ang kanyang kaibigan.
“A-anong nangyari Ryu?” Sabi niya at inakay niya ito papunta sa sofa.
“Si Jessica, si Jessica ang itinuturo ni Missy ng may gawa ng lahat. Ang sakit pare! Siya ang taong laging nasa tabi ko sa tuwing may problema ako, siya ang nagbibigay lakas sakin kapag nag-iisa ako. Sana naman nagsisinungaling lang si Missy, lalo na’t nahuhulog na ko” Makabuluhang sabi ni Ryu at wala naman nagawa si Kiko kun’di makinig sa kwento ni Ryu.
“Pare you have a choice, Ititigil mo ang paghahanap ng katarungan para kay Mica at kakalimutan ang lahat o bibigyan mo ng katarungan ang taong pinangakuan mo at ipapakulong ang babaeng may lugar sa iyong puso” Sabi sa kanya ni Kiko, kahit naman anak si Kiko ng imbestigador ay hindi nito ugali na makielam sa mga ginagawa ng kanyang ama.
“Gusto kong makausap si Jessica bukas na bukas din. I want to hear the truths on her mouth, kung ano man ang sabihin niya ay paniniwalaan ko ito” Sabi ni Ryu sa kanyang kaibigan. Napatango na lang si Kiko at susuportahan niya ang desisyon ng kaibigan.
Nasabi rin ni Kiko na kaya siya naroon dahil doon muna siya matutulog kanila Ryu dahil nga wala ang kanyang ama sa bahay nila. Sanay na rin naman si Ryu tsaka parang kapatid na rin naman ang tingin niya kay Kiko.
Marami pa silang napagkwentuhang bagay ng napagdesisyunan na nilang matulog.
“Buti na lang talaga may extra uniform pa ko dito sa kwarto” Sabi ni Ryu at ngumiti sa kaibigan, wala kasing dalang gamit si Kiko. Buti nga ay may mga bagong biling underwear si Ryu kaya naman iyon ang ipinagamit niya sa kaibigan.
“Pasensya na ah, nakakatamad kasi umuwi samin kaya dumiretso na lang ako dito” Pabiro pang sabi ni Kiko at lumabas sila sa bahay nila Ryu
***
Pagdating nila sa school ay parang bumalik na ulit sa normal na ang lahat. Nailibing na si Mica, nalinis na ang pangalan ni Ryu pero ang kulang na lamang ay hustisya para kay Mica at malaman kung sino ang gumawa ng pagpatay.
Maraming mga estudyante ang nakayuko habang naglalakad silang dalawa ni Kiko dahil yung iba ay nahihiya kay Ryu. Panghuhusga at panglalait, ‘yan ang naranasan ni Ryu ng mga panahong nadidiin siya sa kaso.
BINABASA MO ANG
Runaway
Mystery / ThrillerMaayos na pagkakaibigan, masayang samahan. Ganyan ang turingan nila sa isa't isa. "J-Jessica napatay natin si Mica" Isang pangyayari ang gugulo sa mga tahimik nilang buhay. Isang pangyayari na sisirain ang lahat. Ikaw? hanggang saan ang kaya mong ta...