Sophia's POV
Exciteeed na talaga ko. JS Prom na namin bukas, biruin mo parang dati ang bata bata ko pa, ngayon dalaga na. Hahaha Kinakabahan na din ako kainis! Haha
Andito kami ngayon sa GYM nag papractice kami para sa entorouge bukas.
"Pumila na nga kayo!" Galit na sigaw ni Sir Gabby.
Kaya dali dali na kaming pumila nila Jeramie. Si Jeramie ang bestfriend ko at nasa unahan ko siya dahil magkasunodan lng pala yung partner namin si Gerard yung kanyan at akin naman ay si Michael.
Ayoko nga e. Kasi naaaamaaan! Kung pwede lng sa ibang section dahil nadoon yung crush ko na si Jericho.
Section I kasi ako at section II naman si Jericho. Halo halo kasi pag sesection ng school namin e.
Kaso ngayon daw kailangan yung partner mo classmate mo.
Nag practice na kami ng lakad. Dalawang balik ako dahil super dami ng boys at wala silang partner kung hindi kami uulit.
"Ok. Nahihirapan yung mga girls dapat isa lng sa partner nila sa room nila. Tapos the rest na sobrang boys pumili ng partner sa section III. At yung section II na boys naman pipili ulit sa section I at yung section III sa sa 4th na kayo pumili." Sabi samin ni Sir. Gabby, may pag kabakla yan e.
"Ang pangit kasi tingnan na pabalik balik diyan yang mga babae sa may likod" Pahabol ni Sir.Gab
So si Michael na lng talaga yung partner ko. Dapat sila Jelo babalikan ko pa e. Kaso binago na nga.
Turn na ng section III sila ang mas nauna kasi pag nagkadikit o nagsama ang I and II saboooogg! Bestfriends kasi yung mga makukulit na boys ng section I and II.
"Section II pili na!! Dalian niyo naman na!! Kanina pa tayo andito buti na lng at inuna namin yung 4th year! Bukas na yan!!." Si Sir. Gabby
Dalidali namang tumakbo yung sobrang section II na boys para pumili ng partner samin.
At ang hindi ko inaakala..
OMG! sabi ko sa isip ko. Papalapit kasi sa table namin si Jericho and the hell! Si Andrea ang pinili, grabe sobrang nainis ako!! May gusto ba siya kay Anrea?! Hindi hamak naman na mas maganda ko e. Kainiss! Tangunu umasa ko!
Pinili ako ni Kim na partneran ko daw siya. Pumayag naman ako gwapo naman 'to e. Sadyang mas na gwapuhan lng ako kay Jericho. At syempre crush ko kasi yon, kaya syempre sobrang gwapo sa paningin ko.
Nag practice kami hanggang six PM then uwian na. Sabay sabay nanaman yung section II at I kaya sabog ang daan. Naglalakad kasi kami papunta sa isang Restaurant na unli rice dahil pagod nga kami.
Ka close ko yung mga makukulit sa section I and II kaya para na din akong sabog.
Kumain kami at pagkatapos non ay nag uwian na dahil nga bukas ay kailangan namin maging maganda at gwapo.
Pag kauwi ako ng bahay natulog agad ako.
--
This is it Pansit! Kinakabahan ako at pati si Michael kinakabahan na din. Malapit na kasi kaming tawagin para mag entorouge.
Nakapag entorouge naman kami ni Michael at Kim ng maayos.
May mga program pa at mayamaya na yung dance....
Kumain na kami ng Dinner.....
Then dance dance na.
Sabi ni Michael siya na lng daw first dance ko. Sabi ko naman sige..
Gustohin ko man si Jericho ayon lalapit nanaman dito at si Jeramie naman ang inaya.
Tinanguan ko lng si Jeramie. Ang alam kong first Dance ni Jeramie ay si PJ kaso sandali lng crush niya yon. Pumunta lng dito si PJ hindi kasi siya dito nag aaral. Pero alam mo yung sweet don? Naka suit pa siya at may alag boquetng flowers, at tinakasan niya lng yung JS nila na kasabay din pala namin. Hindi pa ba effort yon? Hahaha Alam kong may something na sakanila e. Hahayaan ko muna siguro Jeramie na mag kwento kesa usisain ko pa.