CHAPTER 84

96 6 0
                                    


[ AUTHOR POV ]

para namang natulos sa kinatatayuan ang tatlong lalaki dahil sa sinalaysay ni lein

“ano daw”biglang tanong ni brian

Nagsink in namn sa utak ni ken ang mga sinabi ni lein kaya ay nagmamadali syang lumabas ng simbahan

Bigla namn syang hinila ni mitch

“san ka pupunta magsisimula na”ani ng dalaga tinignan naman sya ng napakasama ni ken at mahigpit na hinawakan ang kamay ng dalaga na nakahawak sakanyan braso

Natakot naman bigla ang dalaga kaya ay napaatras sya

Nagpatuloy naman sa pagtakbo si ken at dali daling sumakay sa kotse nya at sinundan ang kotseng minamaneho ng mabilis ni lein

Nangmakita nyang huminto sa isang hospital si lein ay huminto din sya

Bumaba naman sya sakanyang kotse at nagmamadali ding pumasok sa loob ng hospital

Nagpunta muna sya sa front desk dahil hindi na nasundan ng mata nya si lein

“asan yung room ni mica kate valdez”ani ng binata

“sa room 257 po sir”nangmadinig yun ni ken ay tumakbo sya agad sa elevator

Nangnakapunta sa nasabing kwarto ay nakita nya si ella sa na lumabas sa isang room

Kaya ay nilapitan nya si ella

“andyan ba sa loob si mica”tanong ng binata

“ikaw pala ken oo nasa loob pasok ka”ani ella kaya ay pumasok sya sa loob ng kwarto

Nakita nya sa loob sina lein at rick na nag uusap napatingin naman sakanya ang dalawa

“kamusta si mica”kabadong tanong ng binata

“maayos naman na sya”ani rick lumapit naman si ken sa kama kung san nagpapahinga ang tulog na si mica

Hinang hina ang dalaga

Bumibigat naman ang pakiramdam ni ken habang tinititigan ang walang malay na dalaga

“anong sakit nya”baling nya sa dalawa napahilamos naman ng mukha si lein at tahimik na umiiyak

“malala na yung sakit nya sa puso sabi ng doctor hindi daw makakaya ni mica ang gagawing operasyon”nakayukong ani rick

Napabaling naman ang paningin ni ken sa walang malay na kamay ni mica

Hinawakan nya ito ng mahigpit

At pinipigilan ang emosyong kelan may di nya naramdaman

At yun ay ang lumuha

When The Desperate Bitch Got's Tired (PROCESS OF EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon