38

488 5 1
                                    

Binaba ko ang phone ko pagkatapos kong ma-sent iyon. Pinahid ko agad ang luha sa pisngi ko. Siya na rin naman ang nagsabi na bawal akong magkagusto sa kaniya.

Kaya bakit ko pa ba ipipilit 'yung sarili ko?

"Neveah! Nasa labas si River." sigaw ni mama sa labas. Napatayo agad ako sa pagkaka-upo sa aking kama.

Kumunot ang noo ko at dumiretso sa bintana para sumilip. Napalunok ako dahil totoo ngang nasa labas siya. Bumibilis na naman ang pintig ng puso ko! Ayaw ko na siyang maka-usap!

Nakita kong pinagbuksan siya ng gate ni mama. Naglakad na sila papunta sa loob! Anong gagawin ko?

"Neveah, lumabas ka riyan!"

"Opo!" Sabi ko na natataranta. Nag-isip pa ako kung lalabas at haharap na ako kay River pero kalaunan, nagdesisyon na akong kaklaruhin ko kung bakit ayaw ko na.

Madilim ang titig niya sa akin. Pinasadahan ko siya ng tingin. Nakasuot siya ng puting long sleeve polo na nakatupi hanggang siko. Day off ko ngayon kaya medyo magaan ang pakiramdam ko dahil akala ko 'di kami magkikita pero...

"Sa labas na lang tayo mag-usap." Marahan kong sabi dahil maliit lang ang bahay namin. Malamang ay maririnig nila mama ang pag-uusapan namin.

Nang nasa labas na kami ay bigla niya akong hinapit sa bewang. Papalubog na ang araw. May mga taong dumaraan pero kaunti lang. Napalayo ako nang hahalikan niya ako.

Kumunot ang noo niya.

"Ayaw ko na...Nahihirapan ako sa sitwasyon natin."

"Ako rin naman..." Bulong niya.

"Mahal kita, River. Naiintindihan mo ba?" Iyak ko. "May mahal ka bang iba? Kasi kung oo, lalayuan na kita. Ayaw kong mag mukhang tanga."

Umiling siya. Mariin ang titig sa akin.

"Why can't you love me?"

"I do love you..." Paos niyang sabi. "But I have a fiancé."

Tinulak ko agad siya. Medyo malayo na kami sa isa't-isa. Tangina. Ginawa pa akong kabit. Putangina naman! Nangdidiri ako sa sarili ko!

"Kailan pa?" Sigaw ko.

"Last year..." Yumuko siya, tila nanghihina.

"Putangina mo." Pinawi ko ang luhang tumakas. Pinipilit kong pakalmahin ang aking sarili dahil ayaw kong magwala rito.

"It's fixed marriage, Neveah. I said no to my parents but..."

Umiling ako at tinuro ang kaniyang kotse. "Umalis ka na. 'Di na kita kailangan."

Good night n Go (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon