Nice Meeting You Again, Xander

172 5 4
                                    

Nice Meeting You Again, Xander

You are invited for the Alumni Home Coming Batch 1997-1998

At St. Joseph’s College of Quezon City, Covered Court.

February 14, 2008 8:00 pm

Bring your own date.

        Isang lingo na ang nakalipas matapos kong matanggap ang invitation na yon, ngunit hindi ko pa din mawari ng aking isipan kung pupunta ba ako o hindi. Kasi ang alam ko kapag pumunta ako may tsansyang Makita ko siya at hindi ko alam kung paano ko makakaya iyon. Bakit? Tanong ko sa sarili ko may natitira pa ba siya sa buhay ko? Ang sagot ko ewan, baka, siguro, malay ko. Napaglipasan man kami ng panahon, 10 taon man ang nakalipas ‘di pa rin maalis sa aking isipan ang mga nangyari.

        Sa pag-alala ko sa lahat ng nagyari hindi ko na namalayang may unting-unting tumulo sa aking mga mata pero agad ko namang tong pinunasan bago pa ako tuluyang umiyak hinanda ko na ang sarili ko.

Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto ko. Alas-8 na ng umaga, huli na ako sa trabaho ko. Kaya agad-agad akong pumunta sa aking garahe at minaneho ang aking sasakyan.

        Pagkarating ko sa parking lot ng trabaho ko may nakita akong isang pamilyar na likod, ang likod na maaaring siya ang may ari, ang nag-iisang taong naglagay ng ngiti sa mukha ko noong High School pa lang kami, ang nag-iisang babae nagpasaya sa akin. Walang duda siya nga yon. Hindi ko mawari ang aking nararamdaman may halong saya at kaba.

Agad-agad akong bumaba ng saksakyan ko at dali-daling sinundan ang babaeng nakita ko kanina. Sumakay siya ng elevator nakita kong sa 3rd floor ang tungo niya pareho ng office ko.

Sumakay naman ako sa kabilang elevator at pinindot ang 3rd floor. Pagkarating ko ng 3rd floor at pagkabukas nito sumilip agad ako kung nakababa na siya.

Sinundan ko siya kahit saan man siya pumunta. Napansin ko papunta siya ng office ng boss ko. Huminto siya kaya naman this is my chance, kakalabitin ko na sana siya ng biglang.

“Alex”

tawag mula sa likod ko, lumingon ako para Makita kung sino at sumenyas ng sandali lang at pagbalik ko ng tingin sa hinahabol ko wala na siya, wala na. Wala na din ako sa mood nakakainis naman kasi tong tumawag sakin panira. Pumunta na ako sa pwesto ko at nakita ko ang officemate ko na tumawag sa akin.

“Bakit mo ba ako tinawag?”

“Ah eh kasi tatanong ko lang sana kung nakatanggap ka rin nung invitation na pinadala ng school”.

Tumango na lang ako bilang maikling sagot. Umupo na ako at sisimulan ko na ang magtrabaho. At dahil nabanggit niya ang alumni naalala ko ito ulit. Wala pa akong date tapos magkikita kami doon pano ko yun makakaya? Teka.

“sa St. Jo Kadin ng aral?”

tanong ko ng pagtataka sa kaofficemate ko.
“hehe oo nasa lowest section kasi ako at ikaw cream section kaya siguro hindi mo ko kilala”

ahhh kaya pala hindi ko na lang ulit pinansin babalik na sana ako ulit  sa pagtatrabaho ng may naalala ako ulit

“in case you don’t have a date, feel free to be mine.”

Tumutok na ako sa trabaho, napansin ko na lang na medyo nagtataka siya sa sinabi ko. Natapos na ang araw ng trabaho ko, bago ako umalis nag-iwan ako ng post it sa table ng kaofficemate ko. 0918******9 call me and be ready at 7 pm sunduin na lang kita.

Yan ang nakasaad sa post it. To tell you the truth hindi ko kilala personally ang kaofficemate kong yun even her name kaya nga hindi ko rin alam na kabatch mate ko pala siya eh. Wala kasi akong panahon makipag socialize sa tao kahit pa kaofficemate ko tanging boss ko lang nakakausap ko ng matino.

Nice Meeting You Again, XanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon