Chapter Two

25 4 0
                                    

Sapphire's POV

"So what's your plan?" Bungad na tanong ni Raine.Sa totoo lang hindi ko alam kung anong gagawin ko pero wala hindi naman lalapit sa akin ang trabaho kung di ako hahanap.

"I don't know, kailangan ko ng trabaho, I really need it para sa next operation ni papa"

"How much is the operation ba?"Agad naman akong namroblema nang maalala ang mga babayaran ko sa ospital. Sino ba namang hindi manlulumo sa laki ng babayaran may mga di pa kami nababayaran bago yung nakaraang operation ni papa tapos ngayon may dadagdag pa.

"Girl 700,000 pesos, where can I get 700,000 pesos eh ni isang libo nga na kinikita ko sa bawat raket ko nauubos" Yes, partida operation pa lang yan yung iba pa f*ck san ako kukuha nun.

"I know what happened but have you tried to—" I know what she wants to say.

"Sa side nila mama? No, ayoko itinakwil na nila kami ever since nung nawala si mama"

"Family pa din naman kayo"

"Family? Kailan pa niya kami tinanggap bilang pamilya? Para kay lolo pineperahan lang ni papa si mama"

Never na kaming naging part ng pamilya nila mama eversince nawala siya. Akala nila pera lang nila habol namin. Kahit nga nung buhay pa si mama eh halos itrato kaming parang hampaslupa, kasambahay, at trabahador nung mga yun.

"Diba may lagi kang sinasabi sa akin na may nagbabayad minsan ng bills ni tito pero ayaw sabihin ang pangalan?"

"Yup" There's this anonymous person who always pay some of my father's bills. I wanted to know him and thank him for everything kung di dahil sa kanya baka mas mahirap pa tong pinag-dadaanan ko ngayon. Atleast kahit papaano sa ginawa niya nababawasan mga pino-problema kong bayarin.

"Why don't you try na hanapin siya and try mo humingi ng tulong girl tutulungan ka naman siguro"

"Ano ba wag na, siya na nga nagbabayad nung ilan tapos ang kapal naman ng mukha kong humingi pa ng 700k dun"

"So ano ngang plano mo?"

"Find a job of course, pero yung maayos na sana hindi yung after a month tapos na"

"Well sige, samahan kita bukas at hanggang sa makahanap ka ng trabaho, afternoon pa naman start ng meeting namin so masasamahan kita" Sabi ni Raine. I'm really thankful to have her in my life, my best buddy. She really is the best she stayed by my side even at my worst. Hay drama HAHAHAHA.

"Really Raine? Thank you so much"

"Of course, I'm willing to help you, para namang din kitang kapatid no, we've been friends since highschool" Yep buhay pa si mama when I was in highschool kaya alam niya lahat ng nangyari.

"sige na walang bantay si papa sa ospital, kailangan ko na bumalik."

"Sige, don't stress yourself okie. Ingat"Hay she is the sweetest person I've ever met.

"Sige sige, ingat din" I replied back

Raine's POV

I ride a taxi pauwi. And yes ako din namromroblema ngayon.Well nagdadalawang isip lang naman ako if i-ooffer ko ang pagiging secretary ni sir Pau. Eh kaso baka... aiish

"Gusto kong makahanap si Sapphire ng trabaho okay lang ba i-offer ko siya as Mr. Pau's secretary??"

"No, ang sama mong kaibigan kakasabi mo lang na don't stress yourself sa kanya tapos bibigyan mo ng stress alam mo namang halimaw sa sungit si sir"

"Eh sure na kase kung dun ko siya papasukin, sure tanggap agad siya since for sure for now Mr. Pau is desperate to find a new secret—" Ah yes ka-usap ko sarili ko my gulay. Nagulat na lamang ako ng biglang nagsalita si Kuyang driver.

"Miss ah... okay ka lang po kanina ka pa po kase nagsasalita magisa nakakatakot po eh hehe" Ay putcha. Yawa nakakahiya bakit kase. Nagmukha kang timang Raine nakakahiya ka. Di kita kilala bahala ka jan charot.

"Sorry kuya hehe, peace peace"

"Ate kung ibang driver po siguro baka pinababa na kayo kaagad hehe"Sabi ni kuya kaya nanlaki mata ko gagi. Ayoko na nga sana pala sa bahay ko na pinroblema.

"True"Sagot ng...shuta may katabi ako?!

"What the fudge may katabi pala ako?!"

"Hehe opo kanina pa po siya jan hehe" Nakakahiya kainis ayoko na. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Malayo pa ba hay namin huhuhuhu.

"Kuya bakit di nyo ko sinaway kaagad? Nakakahiya"

"It's fine Raine HAHAHAHA" What the f*ck kilala niya ako?! Ay piste mas lalong nakakahiya ah bakit ho mabait naman po akong nilalang huhuhuhu.

"The fudge kilala mo ako?!"

"Sakit naman di mo ako maalala, I'm Justin De Dios" De Dios as in si...Wow in fairness, he looks handsome. Sana all, ito ang glow up. Keep up tayo girl...ikaw kung ano itsura mo nung highschool yun pa din ano na?

Yep, Justin is one of our highschool classmate ni Sapphire. Sobrang tahimik and at the same time mukhang nerd. Pero matalino siya. He really looks different grabe. Gurl ano na nyare sa face natin girl?

"What?! Ikaw na yan?!"Tanong ko and he just smiled and nod. Pashnea sino nagsabi sayong ngumiti ka. Ang pogi chareng control yourself Raine. Wag kang maharot.

"The fudge sana all nag-glow up, you look different"

"Well, hehe" At nagsmile siya, okay kaluluwa na lang ho ako. Charot isa Raine ayos.

"Nung araw parang ganyan din nagkatuluyan yung kaibigan ko tapos yung asawa niya. Kayo ma'am at sir ah" Kwento ni Kuyang driver. Ay kung ito makakatuluyan ko paki-bilis ho charot. Magkakatuluyan agad agad ito si kuya.

"Ah naku hindi ho, matagal ho kaseng di ko siya nakita at ang laki po ng pinagbago niya"

Ilang minuto rin na naging tahimik ang biyahe namin. Still the Justin nung dati silent and shy guy pa din. He didn't change at all maliban sa looks. Not gonna lie gwapo naman siya dati pero mas gwapo ngayon like girl willing po ako maging wife charot. Napakaharot mo talaga Raine.

"Miss dito na ho"Sabi ni Kuyang driver so, bumaba na ako

"Bye Raine" habol ni Justin

"Bye Justin, Ingat"

At bigla ko nanamang naalala ang mga pangyayari kanina. Shocks nakakahiya talaga sobra.

"Nakakahiya ka kanina Raine aaaaahhh"

Taming Mr. NaseWhere stories live. Discover now