Three

11 0 0
                                    


'One Last Try'

Nagngangalit ang mga panga, mata'y tila bibigay sa mga luhang dumadaloy dito, pighating nararamdaman kailan kaya mawawakasan.

"Shi, bakit ganon shi magkasama lang tayo kahapon 'diba? Bakit naman ganito." Sambit ng kanyang mga bibig habang tanang ang isang pirasong papel at nakaimprenta ang mukha ng kanyang kaibigan. "Bakit" daing nya pang muli, "bakit ikaw pa".







"Ilang plates nalang natitira mo?" tanong ko kay Shi habang kami ay naglalakad papunta sa isang tindahan.

"Tatlong plato pa, nangangalay na nga yung kamay ko. Diko alam kung bakit sobrang dami buti nalang talaga nag-eenjoy ako sa architecture" tugon nya habang tanang ang kanyang kamay na tila ba matatanggal na ito at pinapahiwatig nya na napapagod sya sa paggawa.

"Easy peasy nalang yang mga plato nayan, gusto mo basahin na natin" pabiro kong tugon.

"E kung punitin ko kaya yung mga sinusulat mo, baka mapasabi ka nalang ng pighati, dalamhati, sakit, awit. Hahahaha!" Balik nyang biro saakin. Ganito ang laging usapan namin, sa sobrang dalas naming magkasama wala na kaming ginawa kung hindi magbiruan.

"Magkano budget mo?" Tanong ko ng makapasok kami sa tindahan, balak kasi naming bumili ng supplies para sa mga plates nya at para narin sa story at drawing na ginagawa ko.

"Five hundred million thousand tapos tanggalin mo yung millon para malungkot." palabiro nyang tugon, naintindihan ko naman ito. "Ikaw? Bentemil?" Dagdag pa niya.

"Bentemil mo mukha mo, wampipti lang sakin"

"Awit, you peasant hahahaha!" Tugon nya.

"Bumili kana o ipupukpok ko sayo tong hawak ko na isang rim ng bondpaper"

"Ouch, aray, sakit, dalamhati, ang kanyang pera ay wampipti" sabi nya sabay takbo papunta sa mga lalagyanan ng mga cartolina.

"Hay nakooo" angil ko habang pasunod sakanya

"O yan lang? Akala ko ba tatlo yung plato mo?" Tanong ko sakanya dahil ang tanan lamang nya ay dalawang cartolina at kakaunting mga pangkulay.

"Ano kaba ayos nato gagawan natin yan ng paraan, tsaka pano tayo magmimiryenda kung walang matitira sa pera ko ha? Peasant?" Tugon nya, resourceful sya na babae, kaya nyang gawan ng paraan halos lahat ng bagay, bilib ako sakamya dahil don.

"Peasant mo mukha mo, may tuyo at asin pa naman doon sa amin hahahaha!"

"Ayan kaya kaamoy mo yung tuyo ye hahahaha!" Sabi nya sabay takip sa ilong.

"Baliw, tara na magbayad na tayo para makauwi na" sabi ko sabay pukpok sakanya nung bond paper na hawak ko.

"Aray! Ikaw naman binibiro lang" sabi nya sabay hawak sa lugar kung saan ko sya natamaan.

"Nye nye!" Sabi ko, sabay kaming tumawa.

Nang nakapagbayad na kami nagsimula na uli naming baybayin ang daan pabalik sa dorm namin. Madilim na ang langit kaya kailangan na namin talagang makauwi.

"Naririnig mo bayon?" Tanong nya saakin nang pabulong.

"Alin?"

"Yapak ng paa, sa likod natin parang sinusundan tayo" sabi nya halata sa mga boses nya ang takot at pag-aalala, bilang mga babae sa gitna ng gabi mga ganong tunog ay naghahatid na ng kaba saamin.

"Bilisan nalang natin" sabi ko ng may lakas loob, ayokong ipakita sakanya na natatakot ako para hindi na sya mas matakot.

Naglakad kaming mabilis para makarating sa aming destinasyon ng mas mabilis, bawat yapak ay tahimik, bawat yapak namin ay mag tunog din ng yapak sa likuran namin. Ang tanging hiling kolang ngayon ay makauwi kami ng ligtas.

Nangangalahati na kami sa madilim na eskinita, may anino ng tao na tila ba nag-aabang saamin habang papalapit kami ay lalong tumitindig ang aking balahibo, hinawakan ko ang kamay ni Shi, nanginginig ito halatang natatakot sya.

"Huwang kayong sisigaw yung ayaw nyong masaktan" bulong ng tao sa likuran namin ng malapit na kami sa tao na nasa harapan namin.

Hinatak ko ng mabilis si Shi, tumakbo kami ng mabilis at sa aming makakaya. Yumakap kami sa isa't-isa dahil sa takot na naramdaman namin. Ligtas na kami, ligtas na kami.

Luha, nararamdaman ko ang luha sa mga pisngi ko. "Anak, anak" pagmulat ko ng aking mata ay bumungad saakin ang aking ina.

"Nasaan si Shi ma? Tsaka bakit nandito ako sa bahay natin? Nasa dorm lang ako kanina?"

Umupo at yumakap saakin ang aking ina. "Anak wala na si Shi nahanap sya sa eskinita, walang malay at may dugo sa ulo, nakapalibot sakanya yung mga materyales na pinamili ninyo, ang kwento mo saamin ininulak ka nya palabas sa palibot ng mga lalaki at sinabi nya na tumakbo kana, hinabol ka ng ilang mga lalaki pero nakatakas ka, pero sya? Hindi na sya nakatakbo at namolestya sa ng mga lasing na tambay, wala silang awa. Anak tatandaan mo na wala kang kasalanan sa pangyayari na iyon, mahal ka ni Shi iniligtas ka nya. Wala na si Shi anak" dumadaloy ang luha sa nga mata ng aking ina habang sinasabi yon.

"Ma!! Hindi yan totoo diba? Kanina lang nagyakap pa kami ni Shi kasi nakatakas kami sakanila." Sabi ko habang umiiyak hindi ako naniniwala, kasama ko palang sya kanina, baka nagbibiro lang sya.

"Ma naman! Huwag kang magbiro, hidni pwede yon, hidni magandang biro yan ma! Ma naman please sabihin mo nagbibiro ka" humigpit ang yakap nya saakin.

"Ma, sabihin mo nagbibiro ka."

"Anak tatagan mo yung sarili mo, mag-ayos kana pupunta na tayo sakanya, gusto kang makita nila tita mo ha." Sabi ni mama at halata rin ang pighati sa mga boses nya. Niyakap nya pako ng ilang sandali bago lumabas at umalis.

Bakit? Bakit ganito?

END

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fast Fiction Where stories live. Discover now