Chapter6:He's smile

21 2 0
                                    

Authors/note: sorry kung ngayon lang mag uupdate medyo naging busy sa mga bagay bagay hope you like this next chapter.

-------------------—------------------------------.

Minako pov.

"Goodmorning princess"

Unang unang text na natanggap ko mula kay tyron.

Ewan ko pero kahit di ako ngumingiti alam ko sa sarili ko na masaya ako. Pero wala nakong paki don. Kasi alam ko na di ko sya gusto. Sana nga.

Naglinis ng ktawan, nag-ayos sa sarili. Natural na gawain bago pumasok sa school ang gawain ko ngayon.

Pagkatapos ko mag-ayos ay bumaba nako sa kwarto ko at pagbaba ko may isang asungot na nakaupo sa sala ko.

"Sino nagpapasok sayo?"

Tanong ko sakanya. Nagulat naman siya at dali daling tumayo at humarap sakin.

Di nya siguro alam na nandito ako.

"Ahh. Andyan ka na pala goodmorning princess"

Sabi nya sabay ngiti sakin.

*Dug*Dug*Dug*Dug.

Teka. Bumibilis nanaman yung tipong nang dibdib ko.

Humawak ako sa dibdib ko at habang tumatagal ay bumibilis ito.

"Minako okay ka lang" tanong nya saka lumapit sakin.

Pagkahawak nya sa balikat ko ay napatingin ako sa mga mata niya.

At lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Nagkakatitigan kaming dalawa.

Parang walang gustong umiwas ng tingin saming dalawa.

Habang tuamatagal ay bumibilis ang tibok nang puso ko.

Inlove na yata ako sakan----.

Hindi, hindi ito pwede.

"Okay lang ako, bitawan mo nako" sabi ko sabay iwas ng tingin sakanya.

"Ahhh. Ga-ganon b-ba" sabi nya sabay alis ng kamay sa balikat ko at kamot sa batok nya.

"Aheheh tara na sabay tayo pasok"

Sabi nya. Di ko sya pinansin at dirediretso ako lumabas ng bahay.

Dahil sinisipag ako ngayon maglalakad muna ako.

"Wait hintay!" Sigaw ni tyron sakin.

Tumakbo sya at tumabi sakin.

"Nice. Himala ata naglakad si minako ngayon ah." Sabi nya sakin sabay taas baba ng kilay niya habang nakangiti.

Ang cute niya talaga ngumit---.

Ay mali hindi sya cute.

Ano ba naiisip mo minako.

"Bakit noon ba di ako makalakad?" Pambabara ko sakanya.

"Ayan ah. Binara mo nanaman ako"

Sabi nya sabay pout.

"Tumigil ka nga sa pagpout. Kadiri ka" sabi ko sakanya.

"Asyus. Naiinlove ka lang sakin e."

Napatigil ako sa sinabi samantalang sya naglalakad parin.

Naiinlove sakanya?

Maari kayang totoong naiinlove ako sakanya?

Pero..

Ayoko nang masaktan ulit.

Ayoko na..

"Uh bakit napahinto ka dyan."

Bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni tyron.

"Ah e. Wala" sabi ko nalang sabay naglakad ulit.

*Click*

Napahinto ako ng may narinig akong flash ng camera sa likod ko.

Lumingon ako at nakita ko si tyron na may hawak ng camera.

"Bakit moko pinicturan?" Tanong ko.

Pero imbis na sagutin ako ay pinicturan nya ulit ako.

Anong trip naman nito?

"Akin na ngayan!"

Sabi ko saka lapit sakanya.

Ng hahablutin ko na sana ang camera ay bigla nyang tinaas ang dalawa nyang kamay.

"Ayaw ko nga baka burahin mo pa picture e."

Sabi nya sakin. Sa sinabi nya nainis ako lalo at pilit kong kinukuha ang camera.

"Akin na"

"Ayaw"

"Akin na sabi e-"

Diko natapos ang pagsasalita ko dahil naout of balance ako sa kakatingkayad at tumama ang noo ko sa mga labi nya.

*Dug*Dug*Dug*

Dahil naramdaman ko ang malalambot na labi nya sa noo ko. At katulad kanina napatibok nanaman nya ang puso ko.

Mahal ko na nga ba talaga sya.?

Pero..

Natatakot ako?

Hindi. Hindi ako papayag na mahulog ulit.

Lumayo ako agad sakanya.

"Ba-bahala ka" sabi ko sakanya saka dali-dali maglakad palayo sakanya.

"Minako wait lang" sabi nga pero di ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Simula ngayon lalayuan ko na sya.

----------

A/N: ang cheesy ko masyado dito. Sorry guys. Pls vote :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The heartless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon