Kabanata 1

2 0 0
                                    

Hawak ni El ang bola.
Pawisan at naghahabol ng hininga. Mga ilang segundo bago matapos ang laro. Tuliro pa din siya malalim na nagi-isip, kung hahayaan niya nalang matapos ang oras o ipapanalo niya yung laban.

30, 29, 28, 27, 26......

Isang mahalagang laban.

25, 24, 23, 22, 21.....

Laban na magdadalang karangalan sakanilang Universidad. Karangalang huling nakamit sampung taon na nakararaan.

(3 months ago)

Isang maaliwalas na umaga. Sa loob ng University Gym.

"Hi Sir Lopez and everyone, I'm Eliseo Anton Salcedo. 20. From Antipolo City. Pangarap kong makilala bilang magaling na Basketball Player. Position ko since 1st year Highschool Pointguard." sambit niya.

Try out ng mga nais maging varsity player sa Basketball noon sa pangarap niyang Universidad. Ang Universidad de San Martin. Nirekomenda siya ng dati niyang eskwelahan dahil na rin sa talento niya sa sport at sa mga karangalang dinala niya sa dating eskwelahan. Kapag natanggap siya, otomatikong magiging scholar siya ng Universidad. Dahil matalino din naman siya at talagang magaling sa larangan, hindi siya nahirapang makapasok dito.

"Good job Mr. Salcedo. Hindi nagkamali si Coach Francis sa pagrekomenda sayo. Ipagpatuloy mo lang ang magandang performance" sabi ng University coach na si Sir Raymond Lopez.

"Thank you Sir pagbubutihan ko pa po" saad ni El.

"Congrats pare! Welcome sa team. Nikko nga pala 2nd year na ko" isa sa mga kasamahan niya.

"Ron nga pala 1st year lang din ako."

"Salamat po. I'm El nice to meet you" ani Eli

"Naku wag ka na mag-Po samin hahaha you can call us by our name. By the way Chito nga pala 2nd year din"

"Chito Chito ka pa Ramoncito!" pang-aasar ni Nikko.

"Hahaha tarantadooo!" saad ni Chito. "Basta enjoy lang sa team pare. See you sa training"

Umalis na din yung iba nilang kasama sa team ngunit kataka-takang di man lang lumapit ang mga ito sakanila.

"Salamat sainyo ha. Sige mauna na ko hahanapin ko naman ang klase ko." paalam ni Eli.

"Sabay na tayo pare! Feeling ko kasi maliligaw ako dito eh. Napakalaki ng school na to. By the way scholar ka?" tanong ni Ron.

"Oo pare Varsity Scholar. Nirecommend ako ng dati kong school" pagke-kwento niya kay Ron.

"Whoaaaaa! Limang estudyante lang every year ang pinapapayagang makapasok dito as Varsity Scholar! Ang swerte mo naman pre! Sana kaklase kita hahaha" namamanghang saad ni Ron

"Hahahaha grabe ka naman!" saad ni Eli habang nakahawak sa batok at hinihimas ito.

Narating nila ang 2nd Floor ng Vicente Hall. Nakatayo sa harap ng isang room habang binabasa ang kanilang Registration Form.

"Mukhang magkaklase nga tayo sa 1st subject pare" tuwang tuwang sabi ni Ron.

Pumasok sila at dumating ang professor. Inabot ng dalawang oras ang klase nila.

"Gutom na gutom na ko pre. Unang klase palang Math in Business agad parang mawawalan na ko ng lakas" pagrereklamo ni Ron.

"Okay lang naman ah. Nga pala anong oras sunod mong klase?" tanong ni El.

"12nn pa eh ikaw ba?"

"12nn din mukang tayo pa din magka-klase ha" sagot ni El habang sinisilip ang Registration Form ni Ron.

"Edi ayuuus! Hahaha I guess may bago na kong tropa dito sa school" sabi ni Ron.

Naglakad ang dalawa sa Hallway at dumiretso ng canteen. Kumain muna sila bago pumunta sa susunod nilang klase. Habang kumakain sila, isang grupo ng kalalakihan ang dumating at tila nagkagulo sa canteen. Nakita nila ang grupong nagtry-out din kanina sa Basketball.

"Diba sila yung kasama natin kanina sa try out" tanong ni El.

"Oo pare. Pero ang dinig ko anak daw ng Head ng Sports Department yung isa jan. Ayun oh si Paulo. Kaya daw 'matic pasok sa Varsity" kwento ni Ron habang kumakain.

"Ah ganun ba. I see"

Tinapos na nila ang pagkain nila ngunit napansin ni El na nakatingin sakanya ang grupo. Medyo badboy look si Paulo. Gwapo, matangkad at mayaman pero hindi katulad ni El, hindi naman ito matalino.

Lumapit siya dito nasa instinct niya kase na parang may gustong sabihin ito sakanya. Ayaw na sana sumama ni Ron pero wala siyang nagawa.

"Ah eh hindi pala ako nakapagpakilala sainyo kanina, ako nga pala si El at eto si Ron see you next training par... " pakilala ni El.

"Do you think I'm interested? Well you can go now. Nakakaharang kayo sa daan" tugon ni Paulo habang nakangisi. Tumayo at umalis ang grupo. Tinitingnan lang sila ni El at Ron habang papalayo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lost DreamerWhere stories live. Discover now