MAGKAIBIGAN? O MAGKAIBIGAN?
By HemlockNakaupo sa isang sulok
Mata ko sayo lang nakatutok
Ako ay hanga sa ugali mo't ganda
Aamin na ba?
Pero paano ako magsisimula?Pilit kong nilalabanan ang aking nararamdaman
Pintig ng puso ko'y ikaw lang ang laman.
Matagal tagal ko na itong nilalabanan,
Mula pa ng tayo'y bata pa lamang.Akala ko paghanga lamang ito,
At sa pagdaan ng panahon ito ay maglalaho.
Ngunit habang tayo ay magkasama at magkatabi,
Nararamdaman ay parang halaman na tumutubo at lumalaki.Bawat araw na nagdaan,
Tayo'y gumagawa ng alaala bilang magkaibigan.
Ako'y nanghihina at parang nakasuong sa digmaan.
Lalo na kapag ika'y kausap at sa aking harapan.Masayang alaala ang ating binubuo.
Nangangarap na sana balang araw maging tayo.
Buo ang loob na ikaw lang ang aking gusto
Sana damdamin natin sa isa't isa ay pareho.Kailan kaya ako magkaroon ng lakas ng loob?
Ako'y nahihirapan na at gusto ng sumabog.
Puso at utak ko ay hindi ko maintindihan.
Masyado na akong nahihirapan.
Alin ba dapat ang aking ipaglalaban?
Ang maging magkaibigan o magkaibigan?